Chapter 17: Suitor

2.1K 73 9
                                    

Guys, comment kayo. Para ganahan ako mag UD. I LOVE READING COMMENTS :))))) PLEASE? COMMENT KAYO!

~

*Marie POV*

"Marie, samahan mo ko kanila Esmeralda ngayon." Sabi ni Lola.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko.

"Mamaya kasi aalis na sya. Babalik na sya ng states." Sagot ni Lola.

"Ikaw nalang mamita. Papasok pa ako." Ayoko lang makita si Nick.

"Ayaw mo lang makita si Nick." Sabi ni Lola. Yung totoo? Mind reader si Lola.

"Hindi kaya." Pag tanggi ko.

"Guilty?" Tch. Umaatake na naman ang pagiging teenager ni Lola.

"Sasama na nga ko." Sagot ko. Mamaya ano pang isipin ni Lola. Ayoko lang namang makita si Nick dahil na rin sa panaginip ko at sa pag amin nya.

"Sasama rin pala eh. Namiss mo na si Nick 'no?" Kunwari pa yan si Lola eh. Siya talaga yung nakamiss.

"Tara na nga Lola papasok pa ko eh." Pag iiba ko ng topic. Lumabas na ko para pumunta sa garage bahala si Lola. Hahantayin ko nalang sya dito.

Kinuha ko muna yung iPod ko tapos sinaksak ko yung headset sa tenga ko para mag soundtrip habang hinihintay si Lola. NP: Dear Future Husband by Meghan Trainor.

Sino kaya Future Husband ko?

Konsensya: Sino pa ba? Edi sya.

Tch. Di ko pa naman sya nakakalimutan eh. Nag aral lang ako sa states. Mahal ko pa rin naman sya. Gusto ko sya ang unang makaalala saming dalawa. Hindi ko alam kung nakalimutan na ba nya ako? Feeling ko kasi bago lang ako sa kanya. Naalala ko pa dati bago ako umalis nangako syang hindi sya titingin sa iba. Nagawa nya kaya yung pangako nya? Wala naman nagbago sa pagmamahal ko sa kanya. Mahirap ng magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Sa bandang huli ikaw lang yung masasaktan sa kakaasang mahalin ka rin nya pabalik.

"Marie!" Sigaw ni Lola. Hindi ko napansin na nasa kotse na pala si Lola.

"Bakit mamita?" Tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag. Di mo ko naririnig." Sagot ni Lola.

"Hindi talaga kita maririnig Mamita, kasi nakaheadset kaya ako. Hindi mo ba nakikita mamita?" Pag sisinungaling ko. Hindi ko na nga naririnig yung tugtog ko sa pag iisip ko eh.

"Kaya pala nakatingin ka sa labas hindi mo ako nakitang pumasok ng kotse." Sabi ni Lola. Tama sya. Nakatingin lang ako sa labas. Tinanggal ko na yung headset sa tenga ko wala na kong naiinitindihan.

"Pasensya mamita."

"Manong, alis na tayo." Sabi ni Lola kay Manong. Tahimik kami habang nasa byahe. Nasa likod ako mag isa tapos si Lola katabi si Manong driver. Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan namin.

"Marie, kung may problema ka. Sabihin mo lang sakin. Ako ang tumatayong magulang mo habang busy ang mom at dad mo sa bussiness." Litanya ni Lola. Natouch ako sa sinabi ni Lola. Yeah, siya ang nagsisilbing magulang ko. Buti na nga lang kasundo ko si Lola eh. Kundi alone ako sa mansyon. Masaya na rin akong kasama si Lola magkasundo kami lagi. Kaya siguro teenager umakto si Lola dahil na-adopt nya yung ugali ko.

"Nandito na tayo." Sabi ni Lola.

"Manong, dito ka nalang maghintay ha? Di naman kami magtatagal eh." Sabi ni Lola. Tapos bumaba na ng kotse. Sumunod na rin ako. Naka uniform na ko, iPod ko at headset ko lang ang dala ko. Iniwan ko na yung bag ko sa kotse. Wala naman mawawala eh. Ang tagal ng driver namin si manong. Kaya may tiwala kami.

Ms. Sungit meets Mr.  Pilosopo (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon