Chapter 19: Letter

2K 55 1
                                    

*Nick POV*

Pinalipas ko nalang muna ang araw, simula nang mabusted ako kay Marie. Sobrang sakit para sakin. Nalimutan na nga niya ako. Pero di ako susuko. Worth it naman kapag naghihintay eh.

Pumapasok siya, pero di nya ako pinapansin. Kahit gusto ko siyang kausapin di ko magawa. Kasi nakatalikod siya palagi sakin. Katabi ko nga sya pero di kami nagpapansinan.

Di ako nakikinig. Nakatitig lang ako sa likod. Nag iisip kung paano ko siya makakausap ng maayos. Kinuha ko yung sticky note sa bag ko.

Filipino ang klase namin ngayon. Tungkol kay Rizal. Naboboring ako sa turo ng professor namin. Nakakaantok yung boses nya. Sinisira nya lang si Rizal. Sa bahay nalang ako mag aaral at magbabasa.

Nagsulat ako sa sticky note.

'SORRY!' :)

Tapos nilagay ko sa upuan niya. Nakita ko naman siyang tinignan ng sinulat ko. At nagsulat sa likuran.

'Okay.'

Yun lang? Parang di ko ramdam na ayos lang sa kanya yung sorry ko. Nagsulat ulit ako sa panibagong sticky note. Di ako nakikinig. Napansin naman ako ni sir. Nilapitan ako ni Sir at kinuha yung sticky note ko.

"Ano ito Ginoong Lopez?" Tanong ni Sir. Patay! 'ILOVEYOU' pa naman yung sinulat ko sa papel. Argh!

"Ahh. Wala po yan sir. Nagsusulat sulat lang ako." Sabi ko tapos ngumiti. Ngumiti lang din si Sir. Bumalik na siya sa lamesa at nagpatuloy sa pagtuturo.

Nakinig nalang muna ako kay Sir.

Ang tagal ng oras -_- may gagawin kasi ako eh.

*Krrrrrriiiiiiiiiiiiinnnnnnggggggg*

Break na. Sa wakas. Hinahantay ko nalang na lumabas na si Marie at ang iba ko pang classmate. Di na kami nagpalipat lipat ng classroom para daw hindi magulo. Di katulad sa iba. Palipat lipat ng building, tuwing ibang subjects. Madami naman ang building dito. Inisip lang siguro nila na mas matatagalan kung palipat palipat. Yung teacher nalang yung pumupunta sa bawat block.

Nakalabas na silang lahat. Kaya naman tinuloy ko na yung plano ko.

Kanina pa lang gumawa na ko ng tula para sa kanya.

STATUS:
[ ] Single
[ ] In a relationship
[√] AWKWARD

Di ko alam kung ano 'tong nadarama
Nahihiya, naiilang nakakaramdam ng kaba
Pano na? Paulit-ulit na lamang ba?
Lalayo at iiwasan natin ang isa't isa

Hindi ba pwedeng ayusin na natin 'to?
Hindi ba pwedeng maglapit muli tayo?
Ayoko lang kasi ng mga pagbabago
Lalong ayoko na may ilangan tayo

Sige na naman sana ako'y pagbigyan
Hiling ko lang naman ay simpleng pansinan
Wag mo naman sana akong iniiwasan
Damdamin kong to'y handang pagsigawan
Pagiging awkward sana ay matuldukan

Nalilito ako sa kinikilos mo
T'wing lumalayo ka, nasasaktan ako
Araw-araw nga na nagkikita tayo,
Di naman nag uusap parang ibang tao

At kung magkatabi ay walang imikan
Walang galawan at wala man lang tinginan
Nahihiyang mag-umpisa ng usapan
Damdamin kong 'to sana ay malabanan

Sige na naman sana ako'y pagbigyan
Hiling ko lang naman ay simpleng pansinan
Wag mo naman sana akong iniiwasan
Damdamin kong to'y handang pagsigawan
Pagiging AWKWARD sana ay matuldukan.

Ako'y hahanap ng paraan palagi
Para lamang magbalik tayo sa dati
Mga panahon na walang iniinda
Pagkat nasa tabi ka't laging kasama

Sitwasyon natin, sadyang napakalabo
Hindi mapapagod, di ako susuko
Kahit ilangan ay di maintindihan
Wag mag-alala di kita susukuan

Sana mabasa niya to! Maapreciate niya sana to. At sana pansinin na nya ako.

Inilapag ko na sa upuan niya yung papel. Tapos pinatungan ko ng box na may lamang chocolate. Home made pa 'to. Ginawa ko talaga to. Nag craving kasi ako kagabi kaya gumawa ako. Since breaktime, sa kanya nalang. Busog pa naman ako eh.

Gumawa na ko ng mga sticky notes para lagyan yung upuan niya. Ito yung mga isinulat ko:

'SORRY NA'

'Pansinin mo na ako'

'Sana magustuhan mo yung tula. Para sayo yan'

'Yung chocolate gawa ko yan'

'Masarap yan, kalasa ng hershey yan'

'Kung nahihiya kang kausapin ako. Text o tawagan mo lang ako'

'Cp # ko. 09123456789'

'Seryoso ako sa panliligaw'

'Itutuloy ko ang panliligaw kapag ayos na tayo'

Marami pang iba. Pinuno ko yung upuan niya ng mga sticky notes. Pero ang cute tignan kasi iba't ibang kulay.

Naghintay ako ng ilang minuto kasi 1hr yung breaktime namin. 45 minutes ang nakakalipas. Isa isa ng pumapasok yung mga classmate ko.

Sa twing dadaan sila, napapatingin sila sa upuan ni Marie. Tapos sabing, "Ang sweet naman", "Effort", "Sana ako nalang si Marie, nakakainggit", "Dream ko rin ganyan".

Im so happy na nagustuhan nila. Si Marie nalang hinihintay ko, sana siya rin maappreciate niya din gaya ng classmate namin.

Speaking of, MARIE.

Nakita ko siyang papapunta na sa room.

Nag announce ako sa classmate ko.

"Wag kayo maingay ha?" Sigaw ko.

Tumango lang sila. Nakita ko naman na nasa pinto na sya. Pinuntahan niya yung upuan niya.

Nagulat siya. At sumigaw, "Sinong gumawa nito?!" Galit nyang tanong. Patay! Galit.

"AKO." Sagot ko sabay tumayo. Wala pa naman yung professor namin eh.

"Linisin mo 'to!" Sabi niya.

"Basahin mo yung tula, please?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumuhod pa ko.

"Sige." Sagot niya. Sabay tinignan yung papel. Binabasa na niya ito. Nakaluhod lang ako. Kahit masakit, tinitiis ko. Ang sakit lumuhod. Pero mas masakit yung makalimutan ka ng taong mahal na mahal mo.

"Ang galing." Sabi niya sabay ngiti.

Lumapit siya sakin. At hinalikan ako.

*
Yung tula po si Janperson Bajar po yung sumulat nun! Classmate ko po yun! From Quezon City High School. SALAMAT~
Enjoy reading! :) Lovelove. Medyo maiksi? Madaliang UD para makabawi.

Ms. Sungit meets Mr.  Pilosopo (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon