Chapter 1: First Day Of College

7.5K 198 9
                                    

Marie

I'm Marie Dela Fuente, 19years old. 1st year college student, nag-aaral ako sa Dela Fuente University. Maganda, Queen Bee (since birth), SEXY, HOT, Masungit, Matalino, Mayaman, at Unica Ija. Nasa akin na ang lahat diba? Kasi nung nagsabog ng KAGANDAHAN, KASEXY-han at KATALINUHAN gising na gising ako. Kaya sinalo ko lahat. Friendly din pala ako. Depende sa tao na makakasalamuha ko. Kapag mabait sakin, mabait din ako. Pero kung masungit, MAS MASUNGIT ako. Aabot sa universe ang kilay ko.

Nandito nga pala ako ngayon sa school NAMIN. Kasi kami ang may-ari nito. Hindi sa pagmamayabang. Ipinagmamalaki ko lang.

First day of school. As usual magulo ang buong campus kasi punong-puno ng estudyante ang aming paaralan. Sikat ang aming paaralan dahil sa malinis, maganda ang quality ng pagtuturo at magalang ang mga nag-aaral dito. Ewan ko lang sa iba na tinatanggap kahit may attitude. Tch. Hahanapin ko pa yung room ko. Tsk. Si mom kasi hindi binigay sakin yung schedule ko at room number. Tsk. Nagsisiksikan sila para makita kung saan yung room nila. Kasalanan nila yan kasi late sila nagparegister kaya ayan nahihirapan sila. Ako naman, sinadyang hindi ibinigay ni mom yung sched ko. Ano akala nyo makikipagsiksikan ako sa kanila. 
Isang malaking 'NO WAY!' Dahil matalino ako umisip ako ng ibang paraan para makuha yung room number ko. At nakaisip naman agad ako syempre maganda ako at matalino. Aangal ka pa?

Pupunta na lang ako sa office ni Halmoni/Mamita. Ang lola kong parang teenager kung magsalita. Close kami ni Mamita kasi sya yung madalas kong kasama, when mom and dad is not around. Principal dito si Mamita. Kaya sa kanya nalang ako hihingi ng schedule ko at room number. Matagal ng principal dito si Mamita. Si Mom at Dad kasi busy sa BUSSINESSES namin. Iba talaga pag mayaman. Tsk. Sana naging mahirap nalang ako. Pag mayaman kasi parang wala ng oras yung pamilya mo sayo kasi mas pinangangalagaan nila yung kayamanan. Hays! Ito talaga siguro yung kapalaran ko bukod sa pagiging mayaman, naging dyosa pa ko. Well!

**

•Office•

KATOK. KATOK. KATOK.

"Pasok." Sino kaya yun? Parang iba yung boses? Pumasok nalang ako.

Pagpasok ko. Si Mamita pala. Infairness gumaganda siya. Dyan ata ako nagmana.

"Ano kailangan mo baby?" Iba ata mood nya ngayon? Masungit yan pero mabait. Mood swing or bipolar paminsan-minsan. Baby ang tawag nya sakin kasi ako ang unang apo niya.

"Mamita, I need my schedule po at yung number ng room ko po. Ang dami po kasing tao eh. Ayoko naman po makipagsiksikan." Sagot ko kay mamita ng nakangiti. May respetong tinuro sa akin ang aking mga magulang. Hindi kasi bagay sa maganda ang masama ang ugali. Mas maganda kung maganda ang panlabas at panloob.

"Oh eto." walang pag-aalinlangang abot ng papel sakin ni mamita.

"Kamsahamnida Halmoni." Nakangiti ako dahil ayaw ni mamita na malungkot ako. Baka daw pumangit ako.

"Cheonma baby. Hangsang momjosin haseyo. Enjoy your first day." Ngumiti na rin si Mamita. Sabi ko sa inyo eh.

Kamsahamnida- Thankyou

Halmoni- Lola

Cheonma- Welcome

Hangsang momjosin haseyo- Always take care

Ganyan kami ni Mamita kapag nasa mood kami magsalita ng hangul.

Hangul- Korean

**

Dahil wala pa akong kakilala dito naglakad lakad lang ako para hanapin yung room ko. But look ang daming nakatingin sakin. Iba talaga pag maganda. Na-starstruck ata sila sa kagandahan ko. YABANG? No! Im not. I'm just telling the truth, becoz the truth will set us free.

Sa paglalakad ko may nakabangga sakin. Dahilan para malaglag yung papel na binigay sakin ni Halmoni. Sana wag mawala o lumipad ayoko na bumalik dun ang layo layo ng nilakad ko.

"Ouch." sabi ko.

"Ang arte ah? Famous? Famous?" sabi nya.

"WHAT?!" sabi ng isip ko na anytime sasabog sa galit. Nakakairita sya na nga nakabangga sya pa galit.

"WHAT DID YOU SAY?!" galit kong sigaw sa kanya. Wala akong pakialam kahit maraming nakatingin samin. At kahit makarating ito kay halmoni. Hindi nalang mag sorry.

"Ang ganda mo, kaso bingi ka." sabi nya habang tumatawa. Nakakainis na sya ah. Biglang akong may naisip. He rude my day. And I'll do it to him too.

"KILALA MO BA YUNG BINABANGGA MO?!" sarcastic kong tanong. Pinipilit kong kumalma. Baka akala nya ordinaryong estudyante lang ako dito. Para malaman na din ng mga estudyante nanunuod samin. Mga tsismoso at tsismosa. Ewan ko ba bakit nakapasa yung mga gantong tsismoso at tsismosa sa school namin. Hindi na talaga mawawala 'to sa society.

"Tao ka diba? Bakit sino ka ba dito? Estudyante ka lang naman din katulad ko." Aba aba! Estudyante pala ah? Di mo pa pala ako kilala. Dahil nagkamali sya ng binabangga hindi ko mapigilang magsalita ng pasigaw.

"AKO LANG NAMAN ANG UNICA IJA NG MAY ARI NITO. BAKA GUSTO MO IPATANGGAL KITA DITO?" Nakakahiya naman. Dapat maging blessed sya dahil I'm not the kind of people who will just introduce myself for the other's sake.

"I DON'T CARE. Ikaw ba may ari?" Wait? What he did just say?!At pinagmataasan nya pa ko ng boses ha? Nakakainis!

Itutuloy....

Ms. Sungit meets Mr.  Pilosopo (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon