Chapter 18: Busted

2.3K 62 9
                                    

*Marie POV*

Naaalala nya pa kaya ako? T_T Bakit nya ko nililigawan? Di ba pwedeng aminin nya na lang sakin? Mahal ko naman sya eh. Ayoko syang manligaw. Gusto ko lang umamin sya kung naaalala nya pa ko.

Nakita ko naman na papalalapit na dito si Lola sa kotse. Pumasok na si Lola.

"Manong, tara na." Sabi ni Lola. Papunta na kami sa school. Nagsalita bigla si Lola.

"Marie, ikaw ang mag desisyon kung magpapaligaw ka." wika ni Lola.

Di ko pinansin yung sinabi ni Lola. Nag iisip lang ako.

"Mamita, what if hindi na kayo maaalala ng taong mahal nyo? Magagalit ba kayo?" Tanong ko kay Lola. Hindi ko alam ba't yun ang tinanong ko.

"Syempre magagalit ako. Syempre kung mahal nya talaga ako. Kahit ilang taon man akong nawala, maaalala nya pa rin ako." Sagot ni Lola. Tama naman sya eh. Pero tama na rin siguro na magsimula. Pero sa part ko masakit pa rin eh. I thought mahal nya talaga ako.

Tumahimik lang kami habang nasa byahe. Iniisip ko pa rin yun.

Nandito na kami sa DFU.

"Parang wala kang gana." Sabi ni Lola.

"Wala lang 'to mamita." Walang ganang sagot ko.

"Kung gusto mo magpahinga. Pumunta ka lang sa office." Nag aalalang sabi ni Lola. Tumango lang ako.

Naglakad na ko papuntang classroom. Marami na kong estudyanteng nakikita naglalakad. Di ako sanay. Sanay kasi ako maglakad na mag isa lang.

--

*Nick POV*

Sure na talaga akong ligawan nalang sya. Kasi baka ako nalang ang nakakaalaala. Masakit naman na ako lang yung nagmamahal saming dalawa. Tawag nga nila dun One Sided Love. Kahit gusto kong umamin. Di ko magawa hindi sa torpe ako. Masakit kasing mareject. Mas gugustuhin ko pang manligaw nalang ulit kesa naman umamin ako tapos mareject pa ko.

Alam ni Kevin dati pa kung anong meron kami. Hindi nga lang nya mamukaan si Marie. Kasi gumanda lalo, kahit ako eh. Pero alam ng puso ko na sya yung babaeng mahal ko. Magbago man sya o hindi, pero ang pagmamahal ko sa kanya hindi magbabago hangga't tumitibok ang puso ko.

Nandito kami sa dining area kasama ko sina Lola at Kevin. Si Marie kasi pati yung Lola nya umalis na eh. Gumanda agad umaga ko dahil sa kanya.

"Nick, sigurado ka bang liligawan mo si Marie?" Tanong ni Lola.

"Opo Lola. Sure na ko!" Confident kong sagot. Pero medyo kabado pa rin para mamaya.

"Desisyon mo yan. Pero Nick once na masaktan ang apo ng kaibigan ko. Humanda ka sakin." Pagbabantang sabi ni Lola.

"Kaya kong harapin lahat para sa kanya kahit 'yang pagbabanta mo Lola." Pagmamatapang kong sabi.

"Siguraduhin mo lang Nick. Dahil sa pag ibig hindi nawawala ang away, galit, selosan, tampuhan, at sakitan. Hindi mo masasabi kung kelan mangyayari yan. Pero ayoko lang dumating kayo sa point na magkakasakitan kayo. Minsan kasi kahit kasama mo sya di maiiwasan yung magtatalo kayo sa isang bagay. It's either mag aaway kayo o di magpapansinan. Pero kung malala pa yung pinag awayan nyo, baka ang kahahantungan nyan ay hiwalayan. Mas masasaktan si Marie, dahil ang babae sobra yan magmahal pero sobra din yan masaktan. Kapag ang babae nasasaktan umiiyak, pero pag ang lalaki nasasaktan umiinom ng alak." litanya ni Lola. May point si Lola.

"Dahil hindi lahat ng bagay sa mundong 'to puro saya lamang darating pa rin yung panahon na iiyak kayo." Dagdag pa ni Lola.

"Alam ko yun Lola. Kaya dapat kong ibalanse ang lahat ng bagay." Sabi ko.

Ms. Sungit meets Mr.  Pilosopo (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon