Chapter 26: TIGERlfriend

1.7K 48 0
                                    

*Nick POV*

Nagkukunwari lang talaga akong nagtatampo. Titignan ko kung susuyuin nya ko. Kahit kaming mga lalaki gusto din naming nilalambing kami. Ang sweet kaya ng mga babae maglambing. Lalo na pagmoody. Sabi nila yung mga babaeng moody ay sweet. Moody ang Marie ko kaya try ko din kung totoo talagang sweet ang mga babaeng moody.

"Hintayin moko!" Sigaw nya. Sa bilis ko ba namang maglakad eh. At nakalagay pa ang kamay sa bulsa. Ganito lakad ng mga gwapo. Dapat always cool.

Huminto na ko dito sa may cafeteria, malapit lang 'to sa DFU. Tinignan ko muna sa likod ko kung may nakasunod na Marie sa likod ko pero wala. Tsk. Bahala nga siya. Kakain muna ako nagugutom na ko eh.

"Goodmorning sir. What's your order?" Tanong ni ateng maganda.

"Pwede bang ikaw nalang?" Sabi ko habang nakangiti.

"HOY NICK LOPEZ! MAY GIRLFRIEND KA TAPOS LUMALANDI KA!" Sabi sakin ni Marie. Nasa likod ko na pala siya. Tapos piningot pa ko.

"Marie, joke lang-AWWW!" Sabi ko. Lalo akong piningot. Ang sakit.

"Magtutuos tayo mamaya!" Sabi ni Marie saka binitawan yung tenga ko. Hinawakan ko yung tenga ko habang pinapahid. Ang sakit grabe.

"Tch. Ang brutal mo talagang babae ka." Sabi ko kay Marie.

"Aba! Ginaganyan mo na ko?!" Nagiging tigre na siya. Hala!

"Joke lang Moo." Sabi ko.

"HA?! Hindi ako baka!" Sabi nya. Ayy hindi nya nga pala alam yun.

"Hahahahahahahahahaha!" Ang lakas ng tawa. Hinanap ko kung sino. Yung babae pa lang kukuha ng order ko dapat.

"Anong tinatawa tawa mo?! Gusto mo sumbong kita sa manager mo?!" Sigaw ni Marie.

"Hahahaha. Kasi naman hahahaha." Imba si Ate. Mas marami pa ang tawa nya kesa sa sinagot nya kay Marie at hindi sya takot. Imba talaga.

"Ate, restaurant ba 'tong napuntahan ko?" Tanong ni Marie dun sa babaeng tumatawa.

"Oo naman ma'am. HAHAHA. Tanga ka pala ma'am." Sabi ni ateng lakas kung makatawa.

---

*Marie POV*

"Ate, restaurant ba 'tong napuntahan ko?" Tanong ko. Baliw ata 'tong babaeng 'to eh.

"Oo naman ma'am. HAHAHA. Tanga ka pala ma'am." Sabi ni ateng baliw. Anong sabi nya TANGA DAW?! Fvckshit!

"ANONG SABI MO?!" sigaw ko.

"Tanga mo sabi ko. Ulitin ko pa ba ma'am?" Tanong nya. Aba! At hindi talaga siya takot sakin.

Sumigaw ako ng malakas at tinawag yung manager ng cafeteria.

"NASAAN ANG MANAGER NYO?! PUMUNTA KA DITO SA COUNTER?!"

Agad naman may lumapit sakin. Di ko alam kung ito na ba yung manager. Hindi mukhang manager eh. -_________- Mukha lang din syang waitress. Tinignan ko siya mula ulo mukhang paa.

"Ano pong problema ma'am?" Tanong nya sakin.

"Ikaw ba yung manager?" Tanong ko.

"Opo ma'am." Sagot niya. Ahh, okay. Maniwala nalang tayo.

"Pinagkatiwala lang po kasi sakin 'to ng totoo naming manager. Tapos ako na po yung ginawang manager habang nasa ibang bansa po siya." Paliwanag niya.

"Tinatanong ko ba kung bakit ka naging manager?!" Galit kong tanong. Nakakabeastmode eh!

"Hindi po ma'am. Sorry." Sagot niya tapos yumuko.

Tinignan ko naman si ateng baliw na waitress.

Ms. Sungit meets Mr.  Pilosopo (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon