Chapter 5: Inlove sayo

3.3K 109 12
                                    

*Marie POV*

Nandito kami ni Nick sa clinic ngayon. Ano kayang nangyari sa kanya? 30 minutes na kong naghihintay di pa rin sya nagigising. Then I decide na matulog muna ako. Nakakapagod kayang maghintay. Ginamit ko yung braso ko para maging unan tapos natulog ako sa may gilid niya.

———

*Nick POV*

Nagising akong maputi yung paligid ko. Nasa langit na ba ako? Wag muna lord please? T____T Tumingin tingin ako sa paligid ko. Akala ko nasa langit na ko nasa clinic lang pala ako ng school. Ano bang nangyari sakin? May natutulog sa gilid ko. Sino kaya to? sino kaya nagdala sakin dito? imposibleng si sungit. Mabigat ako di ako kakayanin nun. At nakakahiya kapag nabuhat niya ko. Kahihiyan sakin yun.

"Awwwwwwwwwwwwww." napasigaw ako sa sobrang sakit ng ulo ko. May lumapit na nurse sakin. Yung nasa gilid ko hindi pa rin nagigising.

"Bakit po sir? Ano po nangyari?" ang ganda naman ng nurse na to.

"Ang sakit ng ulo ko. Sino nagdala sakin dito?" mas maganda pa rin naman si sungit sa kanya eh. Mas lamang si sungit ng sampung ligo XD

"Siya po." sabay turo sa natutulog na babae. Yung nasa gilid ko.

"Mag-isa lang siya?" parang si sungit eh. Dama ng puso ko.

"Hindi po sir. May kasama siyang lalaki. Yung mga estudyante nagbuhat sa inyo. Bigla daw po kasi kayong tumumba." akala ko si sungit yung nagbuhat sakin. Buti naman.

"Ano ba nangyari sakin?" di ko matandaan kung ano ba yung nangyari sakin. Sakit pa rin ng ulo ko. Biglang nagising yung natutulog sa gilid ko. Umunat unat pa siya. Bigla siyang nagulat kasi nakatingin kami sa kanya nung nurse.

"Oh? Bakit kayo nakatingin sakin? Magulo ba yung buhok ko?" nag-aalinlangan siya. Ang cute niya talaga. Maganda pala :)

"Hindi po ma'am." sabi ng nurse.

"GF nyo po ba siya sir?" di ako sumagot. Tinignan ko muna yung reaksyon ni sungit.

(-_______-) ganyan yung mukha ni sungit.

"Hindi." sagot ni sungit. Tapos pinaalis na niya yung nurse. Baliw talaga to. Masyadong guilty. HAHAHAHAHA XD

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." tinawan ko lang siya.

"Anong tinatawa tawa mo?" nagsusungit nanaman siya. Pero natatawa talaga ako promise ! XD

"Hahahahahahahahahaha" patuloy pa rin ako sa pagtatawa.

"Magaling ka naman na ata eh. Iniwan na nga kita." biglang nag walk out.

"Uy! Dito ka lang. Pag di ka bumalik sisigaw ako ng ILOVEYOU MARIE." bigla siyang huminto.

"Yiiiiiiiiiee." hiyawan ng mga estudyante sa loob ng clinic. Dami pa lang estudyante dito ngayon.

"SHUUUUUUUUUUUUUUT UP. Sinigaw mo na diba? Ano masaya kana?" tapos lumabas na siya.

"Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwts." sabay sabay nanaman sila.

"Tumigil na nga kayo. Umalis na yung tao." nakakainis. Nagalit sakin si sungit T____T gusto ko man siyang habulin pero di ko magawa kasi nahihilo pa ko. Kasalaan ko to eh. Matampuhin pa naman yun >____<

Ano na gagawin ko? Ang hirap pa naman lambingin nun. -_____- Parang binibiro lang eh. May utang na loob pa ko sa kanya kasi binantayan nya ko dito sa clinic. Di siya pumasok sa klase para lang masiguradong okay na ako.

Gusto din kaya ako ni sungit? O.o pwede naman kasi siyang umalis. Hmm. Mahuhuli ko din siyang may gusto sakin. Magpapasalamat nalang ako sa kanya bukas. Susunduin ko nalang ulit siya sa bahay nila. Magpapahinga muna ako dito sa clinic.

———

*Marie POV*

Arrrrrrrrrrgh. Yung feeling na binantayan mo na nga sa clinic tapos nang-asar pa. Wala man lang utang na loob. Matuluyan sana siya -_______- Bahala siya sa buhay niya. Di man lang nagpasalamat. Kainis din yung mga estudyante dun sa clinic. Ginatungan pa. Dahil sa kanya di ako nakapasok sa klase ko. Sigurado akong papagalitan ako ni mamita. Pupunta nalang ako sa office. Nawalan kasi ako ng gana pumasok.

At office...

Mamita: Oh bakit nandito ka? Diba may klase ka?

Ako: Si nick po kasi lola biglang natumba. Ayun dinala ko sa clinic tapos binantayan ko.

Mamita: Sweet talaga ng baby ko. Bakit ka nandito? Bantayan mo lang siya dun. Ako na bahala sa mga klase niyo.

Ako: Ayoko na dun mamita. Nakakainis yung nick na yun. PANG-ASAR hindi man lang nagpasalamat.

Mamita: Ano ba nangyari? Ikwento mo sakin.

Ako: Ayyy! Naku mamita wag na. Kakampihan nyo nanaman yun. Di ko naman talaga siya boyfriend mamita. Ang pangit ng ugali nun.

Mamita: Bagay kaya kayo baby. Bakit ayaw mo sa kanya? Ang gwapo kaya niya baby at mukhang gentleman.

Ako: GENTLE DOG mamita -_____- Gwapo nga masama naman ugali.

Mamita: Yan baby ah? Gwapo din pala siya para sayo. Ang dami mong arte.

Umaatake na naman ang pagka-teenager ni mamita. Kakampihan niyang Nick na yun. Sino ba talaga apo niya? Ako o si nick? Tsk. >__<

Ako: Gwapo sa panlabas ang pangit naman sa panloob. -______- Di siya yung ideal man ko.

Mamita: Ayy naku baby. Soon magugustuhan mo din siya. At magkakatuluyan kayo. Im happy for both of you.

Ako: NEVER mamita.

Mamita: Basta baby maghihintay ako na mangyari yun. Just wait. You will fall to him

Ang ganda ng ngiti ni mamita. Nakakainis bakit siya pa? Pwede namang iba nalang eh. Tss. Kamusta na kaya yung lalaking yun? Nakauwi na kaya siya? bakit ba ako nag-aalala sa kanya. Ayy ewan ang gulo. Matutulog na nga lang ako sa bahay.

Ako: Mamita, uwi nalang po ako. Ang sakit na ng ulo ko eh. Ipaalam nyo nalang po ako sa mga proffesor ko.

Mamita: Sige baby. Ingat ka ah? Magpahinga ka muna. Yung sinabi ko sayo ah. ;)

Ako: Ano yun mamita?

Mamita: Wala :)) Uwi kana sige na ingat ka. Ipapahatid na kita.

Ano naman kaya yun? Wala naman sinasabi sakin si mamita. Buti nalang mabilis ako makakauwi. Magpapahatid na ko. Sana makapasok na yung lalaki na yun bukas.

~

~

~

~

Itutuloy....

[A/N: Ano sa tingin nyo yung sinabi ng mamita niya? O.o Hula na dali ^___^V Slow update. Sarreh guys. Enjoy reading. Sana magustuhan nyo♥☺☺☺]

Ms. Sungit meets Mr.  Pilosopo (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon