9:33 AM
Rey: Mukhang okay na kayo ng mga kaibigan mo.
Seen 9:37 AM
9:37 AM
Nisha Abcde: Oo, okay na nga kami. 😊
Seen
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: Noong nakaraan pa. Gusto ko na ngang sabihin sana, kaso naiinis ako sa'yo nitong mga nakaraan kaya hindi na. Tapos hanggang sa tuluyan ko nalang talagang nakalimutan sabihin sa'yo.
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: Bakit mo nga pala alam? Nasaan ka?
Nisha Abcde: Pinapanood mo ba kami ngayon?
Seen
Rey is typing...
Rey: Hindi. Ikaw lang.
Seen 9:37 AM
9:38 AM
Nisha Abcde: Natakot ako bigla sa'yo, Hahahaha!!
Seen
Rey is typing...
9:39 PM
Rey: Pero atlis nakita kung napangiti kita.
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: Asan ka ba rito!? Wag mo nga akong tignan hoy!
Rey is typing...
Rey: HAHAHAHA!! inaasar ka ba ngayon ng mga kaibigan mo?
Seen 9:40 AM
9:40 AM
Nisha Abcde: Ayos lang. Medyo. 😒
Rey: Halata kasing hindi ka na natutuwa 😂
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: May saltik kasi 'tong mga 'to. Mukhang mas kinikilig pa sila sa akin, ng may mag-abot ng lunch dito.
Nisha Abcde: BTW. Sa'yo ba galing 'tong mga 'to?
Rey is typing...
Rey: No, kaya wag mo na kainin.
Rey: Baka may mga lason pa ang mga 'yan.
Seen 9:41 AM
9:41 AM
Nisha Abcde: Hahahah!!😅😂
Rey: Seryoso po ako, wag mong kainin. 😢
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: Nakakatawa naman 'yang sinasabi mo. Sino ba naman kasing gustong lumason sa akin?. Dali pakilala mo na, para siya nalang unahin ko. 😑
Rey: Basta wag mo pa ring kainin!
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: Hindi kita jowa remember? 😂😂
Seen
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde is typing...
Nisha Abcde: Maka-utos tayo huh?. Pero don't worry na. Wala naman 'tong mga lason kasi nauna na ang mga patay gutom kung kaibigan na lantakan ang mga 'to.
BINABASA MO ANG
Blocker (Epistolary)
HumorYou can no longer send message to this person. Learn more