Nisha Abcde's POV
" 'Yan, okay na raw. Sandali lang."
Mabilis kong hinila ang buhok ni Jillian, inagaw sa kanya ang phone ko pagkatapos akong pagtulong nitong tatlo ring sira-ulo tulad niya — Sila Rhea, Jhoice at Theresa.
"Mga putangina n'yo! Anong pinagsasabi mo sa kanya!?" malutong ko silang minura pare-pareho pero nakuha pa akong pagtawanan ng mga 'to. May mga problema na talaga 'to sa utak. "Mga epal kayo? Kulang sa ka chat?" inis kung nasabi sa kanila pero kapwa pa rin talaga maliligalig, pinagtatawanan ako.
Napasinghal ako't sinamaan rin sila nang tingin. Buti sana kung nakibasa lang pero naki-chat pa talaga 'tong si Jillian. Ano na naman kaya pinagsasabi niya rito?
"Don't worry, I didn't say anything wrong." napangiwi ako kay Jillian habang nagbabackread ng convo. Dahil siya ang nagsabi parang ayuko maniwala.
My trust issue ako sa butiking pasay na 'to dahil siya rin ang reason kung bakit ko kinailangan lumabas na kasama si Dakari nitong nakaraan. Disesyon pa sa akin ang isang 'to. Palagi niya nalang pinapangunahan ang buhay ko.
"Ayusin mo lang_" natigilan agad ako dahil sa sentence ni Jillian na nabasa kong chinat niya kay Rey.
Nisha Abcde: Nagpapatawa ka ba? Edi, halikan mo.
Mabilis ko agad siyang sinugod para hilain ang buhok niya at saka kagat labi pang nagbasa ulit ng naging convo nila. Balak ko pa sana siyang hampasin nang pigilan ako ni Rhea. Shocks! Ako masisiraan dahil sa kanya!
"Ma'am!? May bully po rito!" she almost yelled while walking up stairs together with us. Ang arte!
I just glared with them, raised my middle finger to Jillian. Tanginang 'to! Kung anu-ano pinagsasabi niya kay Rey. Sana sunduin na siya ng kapwa niyang demonyo!
"Yari ka Jill, papakulam ko na niyan." rinig kung biro sa amin ni Theresa pero pwede ko rin naman tutuhanin nalang.
Sana talaga hindi niya nalang seryosohin 'tong pinagsasabi ni Jillian, pero duda nga rin akong gagawin niya. Rey is a tongue-tied person, ilang beses niya nang inamin sa akin na hindi niya pa kayang umamin in person, manghalik pa kaya?. Ilang beses akong napasulyap sa dinadaanan namin. Nandito na pala.
"Dito na ako." Bigla akong nagsalita para mag-paalam na sa kanila't tinignan muna ulit si Jillian bago ang lahat. "Gagantihan kitang butiking pasay ka, ipagkakalat kung crush mo Dean!" inis kong bulyaw sa kanya. Sinadya ko talagang gawin 'yon para may makarinig ng iba, hindi pwedeng ako lang mapapahamak dito dapat damay-damay na.
Si Dean Sean ng school ang tinutukoy kong crush ng haliparot na 'to. Hindi napigilan agad ni Jillian makapag-react sa sinabi ko. Magaling lang talaga 'to mang-asar eh.
"Uy! Wag naman Abcde. Parang hindi tayo magkaibigan nito huh!?"
"Bala ka sa buhay mo!" pang-iinis ko pa lalo sa kanya upang mas lalo pa itong mag-alala. Bala siya d'yan, ipagkakalat ko talaga.
"Hoy, dali na! Late na kaya tayo. Mamaya na 'yang mga asaran n'yo." Ng si Jhoice na magsalita tumigil na kami't nagkanya-kanya na muna. Medyo late na rin kasi talaga.
Naging classmates ko ang mga 'yon at naging kaibigan na rin ng senior highschool. Pare-pareho kasi kami ng tinake na strand noon pero iba na pagdating ng college. Si Jhoice nag polsci, si Theresa at Jillian naman nag mascom at si Rhea naman nag journalism.
Sa aming lima na naging HUMSS student noon, ako lang ang naiba ng landas dahil nursing ang tinake ko ngayon college. Balak ko kasing talagang mag-aral pa sa med school dahil pangarap ko maging isang licenced surgeon at kaya lang naman ako nag HUMSS noon dahil gusto ako ni mama maging isang Reporter. Mas may capability raw kasi ako roon dahil may confident akong magsalita sa harap ng maraming tao, masyado akong maingay at prangka kaysa sa pagiging isang Doctor. Pero ngayon okay na dahil hinayaan na nila akong kunin kung ano ang gusto ko.
Binulsa ko na ang phone ko sa uniform na suot ng biglang akong bumagal sa pagmamadali — May makakasalubong kasi akong hindi inaasahang tao. Nakakapagtaka lang kung bakit bigla siyang nandito sa Nursing Department. Medyo malayo kasi ang Engineering dito at bakit parang sa akin 'ata siya nakatingin?
Pinilit kong maging normal ang dating ko, iniwasan ko siya ng tingin para hindi niya gaanong mahalata na kinakabahan ako. Hindi na ako pwede pang mag-iba ng direksyon dahil late na ako. Madalas kong anu-ano pa naman ang pinagsasabi ng prof namin kapag na la-late kami sa klase.
"Abcde?" rinig kung tawag sa akin ni Tyrone. Hindi ko alam na kilala niya pa pala ako, tsk!
Nagkunwari akong hindi siya narinig at patuloy pa rin siyang iniiwasan gaya nitong mga nakalipas na araw. Napapikit ako ng madiin dahil naalala ko na naman. Sa tuwing bumabalik talaga sa isipan ko 'yong mga nangyari ng araw na umamin ako sa kanya, gusto ko nalang biglang tumalon sapa para magpakain ng buhay sa buwaya. Hindi man lang siya nagsalita at tinignan lang ako!
Naghintay pa naman ako ng sasabihin niya.
"Abcde?" napataray nalang ako't nilingon na siya. Nabigla nalang ako ng malamang nasa likod ko na pala si Tyrone at malapit na sa akin, hinawakan pa ako nito ng marahan ang braso ko saka niya ako nginitian. Nanlambot bigla ang puso ko pero mabuti nalang nakuha ko pa ring makapagsalita. "Ano bang kailangan mo_" saglit na dumampi ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako?!
Ilang beses napakurap ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya, mabilis na sinulyapan ang paligid naming dalawa kung may iba pa bang tao na nakakita. May i-ilan nga't ngayo'y napahinto na rin sila para panoorin kaming dalawa, plus pa 'yong mga CCTV cameras dito sa university. Wala naman akong hika o problema sa panghinga pero bakit ang hirap ngayong huminga!?
Nasa ibang direksyon ang tingin ko't nakatagilid ang ulo para tignan ngayo'y parami na ng paraming mga taong nanood sa amin ng bigla ako nitong bulungan sa tenga. Dahan-dahan akong napa-angat nang tingin kay Tyrone dahil sa sinabi niya.
"Kung anong nararamdaman mo para sa akin ngayon, higit pa roon ang nararamdaman ko para sa'yo, Blocker."
D r _ ☆ s t r o p h i l
BINABASA MO ANG
Blocker (Epistolary)
HumorYou can no longer send message to this person. Learn more