- ☆ -

41 5 0
                                    

Rey's POV

You can no longer send message to this person.
Learn more

Malakas akong napabuntong hininga nang mabasa ko na naman. Sabi na ito agad ang bubungad sa akin, hyst.

"Tsk! Tsk! Tsk! Wag ka na kasing usama d'yan par! Hindi ka lang ulit masasaktan niyan, i-blo-block ka rin!_" marahan kong sinikmuraan si John Jerome, JJ for short pero sinigurado kong mas masasaktan siya kaysa ako dahil sa sinabi niya. "Putchanggala ka par! Kaya hindi ka ginugusto eh!"

"Kaibigan ka ba talaga, huh!?" inis na anas ko rito, sarap naman ngayon tuhudin siya sa mukha. Supportive naman talaga 'tong si JJ sa akin, iwan ko lang ba kung bakit pagdating sa love life ko hindi niya na ako biniyayaan pa't masyado pang pinagdamutan.

Tinaliman ko agad ang tingin ko sa kanya ng balakin ulit sana nitong magsalita. "Itahimik mo 'yang bibig mo kung wala ka namang magandang sasabihin. Never ko ngang sinabi sa'yo na wala kang pag-asa kay Jhoice."

"Luh?" nakanguso at sarkastiko pa ako nitong tinignan. Hindi 'ata makapaniwala at medyo nainis din dahil sa sinabi ko. "Nahiya ka pa niyan, 'no?. Saka isa pa, kasalanan mo naman kung bakit ako na in love kay Jhoice!. Palagi mo ba naman akong isama para makita mo 'yang si Abcde, hindi ba naman ako nito ma i-in love sa kaibigan niya?" reklamo nito sa akin kaya napangiwi ako sa kanya.

"Sino ba may sabing sumama ka?" nakataas ang isang kilay ko nang magtanong sa kanya. Never kong hiniling na samahan niya ako para masulyapan si Abcde, kaya bakit ako ang sisisihin niya?

Mabilis nitong tinoon kunwari ang atensyon niya sa sarili't nagkunwaring walang ibang kausap bukod din sa sarili niya. "Oo nga! Sino ba nagsabi sa'yo, JJ?"

Hinayaan ko nalang muna si JJ at mas kailangan ko pang gumawa ng panibagong account para maka-usap si Abcde. Namamansin naman siya, mahilig nga lang mang prangka't mang block kaya nahihirapan din akong approach siya. Pwede bang paranas naman ng seen na hindi na blo-block?

Pagkatapos ko ulit gumawa ng bagong account gamit 'tong laptop ni JJ, agad kung hinanap ang account ni Nisha Abcde at i-nadd siya. Sa pag-kakataon 'to, medyo hindi na ako mahirapan ng sasabihin sa kanya dahil sasagutin ko lang naman ang last niyang tinanong sa akin.

10:04 PM

Rey: Hindi.

Rey: Ikaw ba?

Rey: Hindi ka rin ba nagsasawang i-block ako ng i-block?

Seen 10:20 PM

10: 20 PM

Nisha Abcde: Hindi rin.

You can now message and call each other and see information like Active Status and when you've read messages.

You can no longer send message to this person.
Learn more

Napasimangot dahil sa bumungad sa aking ngayong umaga pag-open ko ng bagong account ko - Blinak niya na naman pala ako, sayang at kakagawa ko pa man lang din nito. Huminto ako sa mismong harapan ng kwarto ni Abcde at tinitigan ang pinto niya.

Nalungkot nalang din ako't hindi na nagawa pang ma dissapointed dahil simula palang alam ko ng ganito agad ang mangyayari. Madalas ito na agad ang inaasahan kong bubungad sa akin kaya hindi na ako magtataka pa.

Tumingin pa muna ako sa baba nitong taas ng bahay nila bago humakbang palapit dito kwarto niya. Ano na naman kaya ginagawa nito't nagkukulong na naman siya rito sa kwarto niya?. Pinakinggan ko ang nasa loob pero wala akong ibang naririnig na ingay sa kwarto nito kahit pa sa mga alaga niyang pusa.

Blocker (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon