Kaya wag ka na po magalet.
Hinding hindi na ko mangungulet.
Hinding hindi na.
Sambit nya saka bitaw sa braso ko. Agad ko syang nilingon ngunit nagulat nalamang ako ng bigla syang maglaho kasabay ng muling pagiba ng itsura ng paligid. Dahan dahang dumilim at tanging iisang ilaw lang ang namayani, nakapatong sa lamesa sa gitna ng silid. Agad naman nanlaki ang aking mga mata saka bumilis ang tibok ng aking dibdib ng mapagtanto ko kung nasaan ako.
"Amaris!"
Hagulgol ng babae habang hawak hawak ang walang malay na katawan ng bata. Sa paghihinagpis ay may isang lalaking nakahawak sa mga braso nya't pinapatahan sya.
Dahan dahan akong lumapit at saka nagulat ng bigla akong lingunin ng lalaking asul ang mga mata't tila nagdurusa. Agad akong napayuko't nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib dahil sa pagsisisi sa aking nagawa.
"Ma, Pa.. hindi ko sinasady--"
Agad akong natigilan ng dumampi ng malakas saken ang kamay ni papa dahilan para matahimik ang paligid.
"Kung manghihingi ka ng tawad.. wag mo ng gawin"
Banggit ni papa habang pinipigilan ang pag-crack ng kanyang boses. Napadako naman bigla ang mga mata ko sa kamao nyang sobrang higpit ang pagkakapisil dahilan para lumabas ang mga ugat sa kamay nya.
"Hindi maibabalik ng pagsisisi mo ang buhay ni Amaris"
Mariin nyang sambit saka tumalikod saken.
"What a shame to the norder title" Bulong ng nanay ko
Agad namang nanlamig ang mga kamay ko't ramdam ko ang panginginig sa parehas na sinabi ng aking magulang, bumuhos lahat ng emosyon sakin at dahan dahan akong sinakal. Sa di malamang dahilan ay ako'y tumakbo, umalis at nagtago mula sa tahanang minsang tinahan ko.
Sa paghikbi ko sa maliit na sulok ng siyudad ay saka may mga nagbulungan sa utak ko, sa sobrang hiya ay wala nakong maharap sa mismong mga magulang ko. Wala nakong magagawa, bahid na sakin ang kaluluwang siningil ko. Hindi ko na mababalik ang buhay ng.. kapatid ko.
Wala na.
YOU ARE READING
His Locket : τωρινός
Fantasía'Hunter' was a class A detective on his field, determined and inspired to solve difficult crime cases with the help of his abilities that can determine a lie, but some traumatizing event happened leaving him on an exile to rest and vacay. In the mid...