Note 2. How I Write

204 14 3
                                    

So ang chapter na ito ay tungkol naman sa akin—sa kung paano ako nabuo. Alam nyo ba na mula nung natutunan kong huminga ay saka ko din natutunang mabuhay? At alam nyo rin ba na mula nung natutunan kong idilat ang mga mata ko saka ko napag-alaman na nakakakita pala ako? At napag-alaman ko din na kapag pinagbuhol-buhol ko ang bituka ko ay posible akong mamatay! Chos. Pero syempre napakawalang kwenta naman kung yan ang itotopic ko diba? Kaya sabihin nalang nating joke lang yun. Bow.

Heto na. Seryoso na. Gusto ko lang naman i-share kung paano ako nagsusulat. Since may reader/s naman ang notepad kong ito, hindi na ako magmumukhang ewan. XD

Kaso baka sabihin nyong ang kapal ng mukha ko. Haha. Hindi ako sikat. Wala akong maraming readers, followers, bashers. Lol. Pero dahil naligaw ka sa Notepad ni Mirah, kelangan mo kong sikmurain. Malay mo ang mga kaechosan kong to ang magpabago sa buhay mo. Lol. Hahaha.

Ang dami kong satsat. Tama na nga. Start na. Again, ito ay tungkol sa kung paano ako magsulat at mga ritwal na ginagawa ko para makapagsulat.

MUSIC. Pinakaimportante para sa akin ang music. Sobra. Korean songs to be specific. Ito ang best friend ko sa pagsusulat. Sobra akong nahihirapang gumawa ng update kapag wala to. Pero bakit korean songs? Ano ang edge niya sa ibang kanta? Well, una sa lahat dahil siguro yan ang pasok sa panlasa ko. Sa ganyang genre kasi mas nararamdaman ko ang scene ng story ko. I'm not promoting kpop ah. And I'm not conyo. Duh? Chos. Bigyan ko kayo ng main reasons kung bakit gustong-gusto ko yan.

Una, wala akong maintindihan. Yeah. Advantage yan para sakin kasi sa melody, beat, tune, and the like lang ako bumabase. Kapag masaya ang scene ng story, masayang beat ang pinapakinggan ko. Wala akong pakialam kung massacre na pala ang meaning ng lyrics nun. Basta ako masaya sa beat. Just like pag drama. Hindi ako affected kahit na tungkol pala sa babaeng fungi ang lyrics nun as long as panglamay o pangburol ang feels. Para kasing ang hirap magsulat kapag ang scene ng story mo ay about sa babae at lalaking nagkabanggaan tapos ang background music mo ay ♬Tayo'y mag-otso-otso♬ O diba? Mapapa-ANONG-KONEK-NITO-SA-STORY-KO ka! Unlike sa kantang-hindi-mo-maintindihan—halimbawa korean version ng otso-otso—okay lang kasi hindi ko naman maintindihan. Magulo ba? Intindihin mo nalang. Hahaha.

Pangalawa, gwapo at maganda ang singers. Okay. Napakawalang kwentang dahilan. Basta nakakagoodvibes lang. Hahaha.

PHONE. Mawala na ang lahat sa akin wag lang ang phone ko. Yan kasi ang ginagamit ko sa pagsusulat. Dyan ako magta-type. At kapag sinabi kong phone, smartphone ang ibig kong sabihin. Hindi 3210 o phone ng payphone. Malaking tulong yan sakin. Kasi kahit saan, kahit kailan, pwede akong magtype. Kahit nasa banyo pa ako, nasa jeep, nasa bus, nasa MRT, nasa tuktok ng flagpole. Unlike pag laptop o desktop diba? May duda ka pa sa kahalagahan ng phone? Sige. Try mo buhatin ang computer mo sa tuktok ng flagpole. Kaya mo? Kaya mo? O kaya sa MRT. Buong set ah. Tapos dun ka sa gitna. Keme lang. Haha

NO FOOD AND DRINKS ALLOWED. Kapag nagsusulat ang iba, sandamakmak na pagkain ang kaharap. Nakakagana daw kasi yun ng utak. Pero ako hindi. Nadidistract kasi ako. Yung tipong nagta-type ka tapos yung mga pagkain para bang bumubulong ng 'Kainin mo ko. Kainin mo ko. Yoohoo.' Naiinis ako kasi imbes na makapagsulat na ako hindi eh kasi masyadong papansin yung mga pagkain. Kahit kendi pa yan. One time nga kumakain ako ng kendi habang nagtatype eh. Hindi ako makapagfocus kasi naiinvade ang utak ko ng kung anu-ano. Inisip ko kung pano ba nabubuo ang kendi. Kung gaano karaming asukal ba meron yun. Kung tig-iilang percent ba ng ingredients ang nilagay doon. Kung paano naimbento yun. Kung sino ang unang nakatikim nun. Hanggang sa napunta na ako sa history ng mundo. Kaya no food and drinks allowed habang nagsusulat.

KAMAY. Yeah. Isa po yan sa mga kailangan ko sa pagsusulat.

BRAIN. Of course. Ito talaga ang pinakaimportante sa lahat. XD

Yan na muna. Gagawan ko nalang part two if ever na maalala ko yung ibang bagay.

PS. Kung may topic kayo na gusto nyong i-tackle ko, pakicomment o PM nalang. Halimbawa kung itlog o manok ba ang nauna. Chos. Seryoso o kalokohan, keri lungs.

Ikaw, anong technique mo?

MirahPatricia's Notebook (Rants, Tips, Kaechosan, etc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon