Bitin! Update na!

126 12 1
                                    

Bigla kong naisipang isulat ito nang makabasa akong ng isang author's note na pinapagalitan ang mga readers dahil sa lagi daw nagcocomment ng "Bitin! Update na!" Not exactly pero ganyan kasi ang madalas. Haha.

Ikaw ba ay isang writer na madalas na makatanggap ng comment na "Bitin po! Update na!"?

No worries. Hindi ka nag-iisa. Pero anong nararamdaman mo kapag ganyan ang naging comment ng reader/s mo? Naiinis ka? Nalulungkot? Nababadtrip?

Marami akong naeencounter na nagagalit o naiinis na author dahil sa ganyang comments. Kesyo daw nag- update na sila ng mahaba tapos bitin pa rin.

Wag ganun. Dapat nga matuwa ka pa eh. Kasi isipin mo. Kapag nagcomment sila ng ganun, ibig sabihin nun nagustuhan nila ang story. Ibig sabihin na-hook sila ng masyado. Ibig sabihin they want more. Yung tipong kung kumpleto lang yang story mo ay magmamarathon sila matapos lang yan.

Hindi ba dapat sa halip na mainis ay dapat kang matuwa kasi kapag nabitin sila, ibig sabihin nagustuhan nila ang kwento? Kesa naman sa wala lang silang reaksyon diba? Ibig sabihin nun wala silang pake. Kaya dapat matuwa ka kasi isang achievement na makuha ang loob ng mga readers at mahiyakat sila na manatili para basahin ang story mo. Kasi kung hindi sila mabibitin, hindi nila aabangan yan.

Pero on the other hand, sa mga readers, wag namang tadtarin si author. Masama ang sobra, remember?

So yun lang. Walang may pake? K. Hahahaha


PS. Dagdag comment pa yung ganun ah. Kaya matuwa ka. Hahaha

Signed by,

Mirah

MirahPatricia's Notebook (Rants, Tips, Kaechosan, etc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon