Jeje kuno.

111 12 6
                                    

Alam niyo ba 'to?

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiingggg!*

ay tumunog ang alarm clock! hinagis ko yun kasi istorbo sa pagtulog ko.

*KRAAAAASSSH*

boom basag!!!

nawala tuloy ang antok ko.

*bangon*

*lakad papuntang cr*

*brush brush my teeth*

*mumog*

*lumabas ng cr at pumunta sa bintana*

"good morning madlang pipooooool"

Pero walang pumansin sakin. nalungkot ako kya naisip kong magpakamatay nlang

*tumalon sa bintana*

Boom patay!!!

The end.

Okay. Exaggerated masyado. Haha. Gawa-gawa ko lang yan. Kung meron mang story na ganyan, sorry pero hindi ko sinasadya na magkapareho tayo. Ginawa ko lang yang para bigyan kayo ng hint sa topic natin ngayon. Though wala namang may pake. Hahaha.

So, back to the story. Ano'ng gusto kong ipahiwatig?

Sabi nila jeje daw ang mga writers na ganyan ang format ng pagsusulat. Ang dami ko ngang nababasa na sobrang irita sa mga ganyan eh.

Well, sa tingin ko, ang term na jeje ay hindi angkop. Sa pagkakaalam ko kasi, ganito ang jeje:

Ik4wHxZ lAnGzX ZaP4T nUaH.

Ganyan ang jeje mga 'tol. Ang tawag do'n sa nauna kong example ay "informal". Kasi ang formal way of writing ay full of words talaga para maiparating ang gusto mong iparating. You narrate, describe, etc. Ultimo itsura ng dulo ng kuko ay dinidescribe mo. Kaya yung example ko, informal writing ang mas angkop na itawag. Hindi jeje.

Ang nakakalungkot lang, may mga taong grabe manghusga sa mga ganyang writers. Oo, marami akong nabasa kaya nasasabi ko 'to. And to think na karamihan sa mga ganito ay baguhan palang, nakakaawa sila dahil sa mga criticisms na natatanggap nila.

Dumaan din ako diyan. Yung tipong *riiiiiiiiiiiiiiiinggg*. Minsan kasi masaya yung para bang napakagaan lang ng lahat. Yung basta ka lang sulat nang sulat dahil ang importante sayo ay mailabas mo ang tila ba mumunting sine sa loob ng utak mo.

Improvement.

Oo, kelangan ng tao ng improvement. Bilang isang writer, dapat kang mag-improve. Tandaan mo na sa bawat salitang nililikha mo, maaaring maimpluwensyahan nito ang ibang tao. Hindi mo man alam pero may mga taong ginagawa ka na palang inspiration at role model. Responsibility mo sila. Kaya kung tinutularan ka nila, kailangan mong makapagbigay sa kanila ng mga bagay na worth it nilang tularan.

There's always a room for improvement. Darating at darating yung araw na macoconscious ka. Kung ikaw ay mahilig magbasa at bibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na lumabas sa lungga mo, trust me, mag-iimprove ka.

Ang kaso, aware ba kayo sa mga critics? Iyon yung mga taong nagbibigay ng criticism. Ang kadalasang goal nila ay tulungan ang isang writer na lalong mag-improve.

Pero alam niyo rin ba ang pinagkaiba ng constructive criticism sa panlalait?

Alam niyo rin ba na nakakairita ang taong feeling genius, feeling perfect, feeling alam ang lahat! Kaya kung makapanlait sa gawa ng iba ang tindi. Oo gusto mo lang silang tulungan. Nandun na tayo. Pero hindi mo ba naisip na dahil sa mga judgments mo ay maaari lang itong makasira sa halip na makatulong?

Tandaan mo, ikaw na feeling perfect na kritiko, a pen is mightier than a sword. A sword can cause wound. Pero panandalian lang yan. Gagaling at gagaling ang sugat na idinulot niyan at kapag naghilom na ito, mawawala na rin ang sakit. Pero ang mga critiques mo, which consist of harsh words could crush someones hope and dreams forever. Ang masasakit na salita ay matagal mawala. Pwede rin itong maging cause ng pagkadiscourage ng isang tao. Maaari siyang tumigil sa pagsusulat dahil lang sa mga so-called-advises-mo-na-sobrang-harsh-dahil-feeling-mo-ang-galing-galing-mo-kaya-pwede-ka-nang-mamatay. Joke. Mahirap ibalik sa tao ang nawalang confidence. Kaya sana mag-ingat tayo sa bawat salitang bibitiwan natin. Wala namang masama sa pagtulong eh. Just do it in a proper way.

Sa mga writers naman, lawakan lang natin ang pag-iisip natin at wag dibdibin kapag may nga ganitong pangyayari lalo na kung hindi na natin matukoy kung alin ba ang dibdib at ang likod natin dahil magkalook alike sila. Never let hardships ruin you.

Never give up. Just do it.

Ikaw lang sapat na. Walang titibag. Yemen! XD

By:

Mirah

🎉 Tapos mo nang basahin ang MirahPatricia's Notebook (Rants, Tips, Kaechosan, etc) 🎉
MirahPatricia's Notebook (Rants, Tips, Kaechosan, etc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon