Chapter 1: Ang Dalawang Rogues at ang Organisasyon

56 0 0
                                    

Sa taong 5012 ang mga tao ay mayroon ng magandang teknolohiya at ang Pilipinas mayroon nang magandang ekonomiya. Dahil dito nagkalat ang ilegal na gawain at ang mga kriminal ay dumarami.

Ako si Rusell Martinez, 21 anyos at waiter sa isang restoran sa Quezon City at dito magsisimula ang kwento.

Ika-Siyam ng gabi ako'y nasa locker room ng aming restoran at nakarinig ng malakas na pagsabog...

BLAG!

" Jun, san galing yun?!" Tanong ko.

Si Jun Rodriguez ay katrabaho ko, 23 anyos...

"Tara tignan natin!" Tugon ni Jun.

Dali-dali kaming nagpalit ng damit at kinuha ang gamit namin nang makaranig kami ng mga sigaw at wang-wang ng pulis, ambulansya at bumbero.

Pagkaraan ng ilang minuto lumabas na kami sa aming restoran at pagkalabas namin ay nakita namin ang bitak-bitak ng kalsada at kung ano-ano pang debris na galing sa pagsabog.

Nagkalat ang mga tao. Pagkarating namin sa pinangyarihan ng aksidente, nakita namin ang napakaraming usisero at usisera, maraming sugatan, nakahambalang sa daan ang trak ng bumbero upang kontrolin ang napakaraming tao. Nilapitan ko ang isang pulis, siguro ay isang kumander dahil sa pag-utos niya sa kapwa pulis, tinanong ko sya.

"Bossing! Ano po ba ang nangyari dito?" Sabi ko sa kanya.

"May nagpasabog ng isang bomba dun sa convenience store nayun." Sabi ng pulis.

"Sino raw po may kagagawan?"

"Hindi namin alam. O sya, alis na po kayo dito at bawal ang sibilyan dito."

Bumalik ako kung sa'n naroon si Jun. Pagkakita sa'kin ay bigla akong nilapitan.

"O saan daw nagsimula yung pagsabog?" Tanong ni Jun.

"May nagtanim daw nang bomba dun sa convenience store" Tugon ko.

Magsasalita na sana si Jun nang biglang sumigaw ang isang bumbero.

"MAGSILAYO KAYO! LUMALAKI ANG APOY!"

Biglaang dumating ang tinaguriang "S.W.A.T. Team" upang i-disperse ang natitirang usisero't usisera.

"Tara na Jun! Uwi na tayo wala tayong mapapala dito."

Umuwi na nga kami. Sumakay ako ng jeep at hanggang dun may nag-uusapan parin sa aksidente.

"Alam mo ba yung nangyari dun sa convenience store dun sa kanto?"

"Oo, nakakatakot na dito sa metro manila pati yung mga mafia at terorista andito na"

Sa tingin ko ay masasama ito sa balita. Bumaba ako ng jeep binuksan ang gate naglakad ako papunta sa pinto, kinuha ang susi sa bag at binuksan ang pinto. Binuksan ako ang ilaw pati ang TV, sumakto ako sa noontime news at tama nga ang hinala ko nasa balita nga yung pagsabog nayun.

"Sabi nga po nang istasyon commander ng PCP-7 ay may nagpasabog nga daw ng bomba sa isang convenience store at wala pa daw silang pinaghihinalaang suspek dito sa aksidenteng ito"

Pinatay ko na ang TV. Natulog ako

Kinabukasan....

DINGDONG! DINGDONG!

Tumunog ang doorbell. Nagising ako tinignan ang oras 5:00 ng madaling araw.

"Nakakabwisit naman oh! Sino bang tarantado ang gusto makipagkita sakin ng gan'tong oras!?" Sabi ko.

Bumaba ako nang hagdan, pagkababa ko ay naghilamos ako, nagtoothbrush at binuksan ang pinto.

"Kumusta na Rusell!" Nakangiting sagot ng estranghero

Rogue: Beginning of the MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon