Pagkalis ng mga miyembro ng aming unit ay naglakad na kami papunta sa aming barracks at binuksan ang aming cabinet may gamit na doon ang aming uniporme at ang formal wear ng sundalo nadun din ang kung ano-ano pang accesories na inilalagay sa damit. Nandoon din ang pin na may insignia ng lieutenant, nakita ni Tony ang sa kanya at paulit-ulit itong hinalikan.
"Astig yung rango natin ngayon! Di ako makapaniwalang lieutenant na ko!"
Bago pa ako makapagsalita ay may dumating na sundalo.
"Sir! Pinapatawag po kayo ni Major Santos!"
"Tara Tony mamaya na yan! Mukhang importante ito!"
Dali-dali kaming naglakad patungo sa shuttle. Ang shuttle ay dinala kami patungo sa office ni Major Santos. Bumaba kami sa shuttle at pumasok sa office. Napaka-ingay naglakad kami papunta sa elevator at pagkarating namin sa tamang floor ay bumukas ang pinto. At biglang umimik si Tony.
"Ganto ba talaga yung mga tao dito? Sobrang ingay?"
"Ngayon lang po ata ito naganap dahil sa nangyari pagsabog kagabi. Kaya po ang raming tawag."
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa labas ng office ni Major Santos. Kumatok kami at agad kaming pinapasok.
"Boys, May ibibigay pala ako sainyo."
"Ano po iyon Major?"
May apat PVC Card na inilabas si Major sa kanyang drawer at inilapag sa kanyang mesa.
"Ito ang pangastos nyo, ATM Card at isang Credit Card kayo na ang bahala dyan."
"Talaga po Major? Salamat po talaga! Wooooh! Yes! Maibabalik ang status ko na mayaman!"
Kinuha ko ang akin. Tinignan ko ang Card parehong galing sa Greater Bank of the Philippines. At may naka lagay na numero at "for employees of the Armed Forces of the Philippines only."
"Ang balance na nakalagay dyan ay parehong P2Million. Pwede nyo narin kuhanin ang gamit nyo sa dati nyong inuupahang apartment at ilipat iyon dito. Bumalik kayo ng maaga dahil 8PM nagsasarado ang gate sa EDSA. Ok. Dismiss."
Lumabas kami sa office. At naglakad papuntang elevator.
"Astig! Rusell, mayaman na tayo. Hindi ko akalain na sa isang araw natin sa army ay may malaking biyaya na tayong natanggap."
"Tony, hinay-hinay ka lang sa gastos. Baka mamaya maubos yan at manghingi ka na sa kin."
Bumukas ang pinto ng elevator at pumunta kami sa kotse ni Tony. Umalis kami sa headquarters at pumunta sa bahay ko.
"Pano ka Tony? Di ka pupunta sa bahay mo?"
"Bukas na lang, tinatamad ako eh. Ok lang naman sakin kung ikaw muna ang mag-iimpake eh."
Mga ilang oras na kami nakapunta sa bahay ko dahil sa sobrang traffic. Pagdating namin sa kanto bago sa kalye kung saan naroon ang bahay ko ay nakita kong napakaraming tao sa labas at may iba pa ngang nagtatakbuhan.
"May fiesta kaya rito kaya napakaraming tao sa labas?" Tanong ni Tony.
"Imposibleng may fiesta rito dahil tapos na. Meron sigurong kaguluhan. Tara tignan natin!" Sabi ko.
"Rusell! Bawal pa tayo makigulo rito! Wala pa tayong I.D." Balik ni Tony.
WANG! WANG! WANG!
Isang malaking trak ng bumbero ang dumating at napaka-ingay ng sirena neto.
"May sunog siguro. Tara puntahan natin."
Agad na inabante ni Tony ang kanyang kotse at hinarurot eto. Naparaming tao sa labas ng kani-kanilang bahay at yung iba ay sinagip ang kanilang gamit. Nakita ko ang kalye kung saan naroon ang bahay ko at dun sa kalyeng yun mismo nagkaroon ng sunog. Ipapasok sana ni Tony ang kaniyang kotse kaso naka-barikada na ang pulis papasok sa kalyeng iyon. Ipinarking ni Tony ang kaniyang kotse sa pinakamalapit na kalye at agad kaming bumaba sa kotse.
BINABASA MO ANG
Rogue: Beginning of the Menace
ActionAng dalawang agents na si Rusell at Tony ay pinabalik sa ahensya nila upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho matapos silang ideklarang "rogue" dalawang taon na ang nakakalipas. Disclaimer: *Ang mga pangalan at ang ibang organisasyon dito ay kathang...