Chapter 5: Lungsod ng San Miguel

9 0 0
                                    

Kinabukasan...

Nagising ako, tumingin sa relo.

"6:00AM"

Chineck ko ang inbox ng e-mail ko. Galing kay LTC Villegas. Pagkatapos ko basahin ang mail, tumunog ang wake-up call ng kampo at tumayo ako at nagbihis. Tumayo lahat ng personnel ko at nagcommand si Tony.

"ATTEEEEEENTION!"

*Tumayo ng maayos ang lahat*

"Pugaaaaay, kamay!"

*Saludo*

"SIR GOODMORNING SIR!" Sigaw nilang lahat.

"Goodmorning! Carry on." Sabi ko.

"Kamay, baba!" Sabi ni Tony.

*Binaba ang kamay*

"Tikas pahinga." Sabi ni Tony.

*Nagtikas ang lahat*

Nagsimula na akong magpaliwanag.

"Magandang umaga, tayo ngayon ay nalipat ng grupo. Ang grupo natin sa kasalukuyan ay Urban Special Actions Division. Ako ay nakatanggap ng e-mail."

*Inilabas ang hologram block at nagproject ng visual*

"Ayon sa email na galing kay Colonel Villegas. Tayo ay may operasyon sa San Miguel City, Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan. Ang misyon natin dun ay harapin ang smugglers, drug operators at crime syndicates na konektado sa iisang mafia."

"Bibigyan tayo ng XM9-S, Desert Eagle Philippine Edition, Class 1 military grade Kevlar vests, HUD versatile contact lenses, tatlong 5012 Nissan Patrol, isang custom 5012 Toyota Alphard at isang converted 5012 Toyota Coaster para isagawa ang misyon at lilipad tayo dun mamayang hapon, 15:00. Understood?"

"Sir yes sir!"

"Okay. Dismiss!"

Naligo na ako. Tapos nagbihis ng civilian. Hinanda ko ang mga dadalin ko para mamaya. Punta naman ako sa canteen upang kumain ng almusal

Habang kumakain ng almusal naalala ko na may mga resort dun, baka pwede kaming maglagalag habang gumagawa ng field work. Ang sarap ng buhay namin kung ganun. Class A City pa naman yun.

-

Sa ibang lugar...

"Boss may balita ako sainyo."

"Ano yun?"

"Ang susunod na misyon nila ay sa San Miguel City, Palawan. Kakalabanin nila ung grupo natin dun."

"Sige salamat sa balita. ako ng bahala dun."

"Sige boss."

-

Hinanda ko na ang nga dadalin ko at nakita kong ayus narin sila. Pumunta ako sa office ko at kinuha ang mahahalagang gamit. Kinuha ko sa lamesa ko ang box na naglalaman ng HUD versatile contact lenses. Nagtungo naman ako sa barracks kung saan nagaayus din sila ng gamit. Ibinigay ko ang mga case sakanila na naglalaman ng contact lenses.

Natapos kaming mag-ayos. Dinala na namin ang gamit namin sa service. Umalis na kami ng kampo

Dumating kami sa Villamor Air Base dumiretso kami sa hangar kung san naroon ang C130 namin. Nakita ko ang C130 at may nakalagay dun.

"MSI-10"

Nakita ko na ipinasok sa loob ang Toyota Coaster at Alphard. Nakita ko rin ang tatlong kahon na ipinapasok dun. Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa eroplano.

Naupo ako at nagseatbelt na ko na nagsimula ng matulog.

Pumunta ang eroplano sa runway at nagtakeoff.

Rogue: Beginning of the MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon