Chapter 4: Pahinga

16 0 0
                                    

Nasa kampo na kami, pinuntahan agad namin si Calle at Fuerte nakita namin si Fernandez at  Ramirez. Nilapitan kami ni Ramirez at Fernandez.

“Wala na sir, wala na.”Sabi ni Ramirez.

“Anong wala na?” Tanong ni Tony.

“Dead on arrival.” Dismayadong sagot ni Fernandez.

“Shit. Kasalanan ko to. Dapat talaga binaril ko na si Abdul bago pa nya magamit yung RPG na yun.” Pagsisisi ni Tony.

“Tony wala kang kasalanan, kung binaril mo nga si Abdul eh baka lalong lumala yung sitwasyon. Pero inaamin ko rin na may kasalanan din ako.” Sabi ko.

“At ano namang kasalanan mo Tinyente?” Tanong ni Bellardo.

“Huli na nang nagsabi ako ng Code Red kela Fernandez…” Sabi ko.

“Buti pa sa NBI walang nasaktan, parang nadaig pa ata ng NBI ang galing ng SpecFor.” Sabi ni Tony.

“Wag ka ngang ganyan sir! Kahit ano pang mangyari mas magaling parin ang SpecFor kesa sa NBI.” Sabi ni Santiago.

Lumapit si Captain Vergara samin.

“Pinapabalik na kayo ni Colonel De Mesa sa Maynila. By the way salamat sa mga ginawa nyo dito, medyo nahugutan ako ng isang tinik sa dibdib dahil sa pagkahuli ni Abdul. Salamat talaga Lieutenant Martinez.”

*Nakipagkamay si Captain Vergara*

“Ah yun po ba wala po anuman, tungkulin po nating mga sundalo yun. Bibisita po kami dito minsan. Salamat din po sa mainit na pagtanggap nyo samin dito.”

*Sumaludo si Captain Vergara*

“Maraming Salamat Lieutenant Martinez!” Tuwang sagot ni Captain Vergara.

*Sumaludo rin ako*

“Wala pong anuman, syanga po pala nasa po yung labi ni Calle at ni Fuerte?”

“Andun yung mga katawan sa morgue. Nilagay na sa kabaong para ipadala sa Maynila isasakay narin yun sa C-130 na sasakyan nyo paalis rito.”

“Ah ganun po ba.”

“Mauna na ko Lieutenant ha?”

“Sige po.”

Umalis na si Captain Vergara. Pumunta kami sa morgue at nakita naming yung bangkay ni Calle at Fuerte.

“Dasalan natin sila, Castro lead the prayer.” Sabi ni Tony.

“In the name of the father, of the son and of the holy spirit. May the Lord  bless the souls of these soldiers who had fight for justice, freedom and liberty, and may the Lord let these two soldiers enter the paradise of god. Amen. In the name of the father, of the son and of the holy spirit.” Panalangin ni Castro.

“Amen!” Sabi naming lahat.

“Attention! Pugay kamaaaay na!” Sabi ni Tony.

*Sumaludo kaming lahat*

“Kamay baba na!” Sabi ni Tony.

*Binaba namin ang mga kamay namin*

May isang sundalo na pumasok sa morgue. Tinignan namin sya.

“Sir andyan na po yung eroplano na maghahatid sa inyo pupuntang Maynila.”

“Ah ganun ba. Cge. Team lets go. Pero teka pano ito.”

“Bubuhatin na po namin iyan pupuntang eroplano.”

Pumasok na kami sa eroplano. At humanap ako ng upuan pero may dumating na sundalo at may binigay saking sulat. Binuksan ko ang sulat. Binasa ko ito.

Rogue: Beginning of the MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon