Lumalapag na ang eroplano. Inayos ko ang gamit ko at saka naghanda ang gamit. Binaba nila ang gamit bumugad sakin ang isang opisyal ng military nagpakilala sya.
“Maligayang pagdating sa lungsod ng General Santos kayo ay nasa Camp Fermin Lira, Jr. I’m Captain Edmund Vergara. Ako ang itinalaga ni General Ocampo na commander ng operasyon na ito. I’m the head of MSI-9 Muslim Studies and Affairs. Kaya ako ang commander nyo dahil ang MSI-9 ay maraming alam tungkol sa mga muslim dito.”
“I’m sorry to interrupt you but nasaan ang commanding officer namin?” Tanong ni Agent Perez.
“Sa ngayon kayo ay nasa custody ng Philippine Army dahil sa misyong ito.” Sabi ni Captain Vergara.
“Ah ganun ba…” Dismayadong sagot ni Agent Perez.
“Okay get ready soldiers, I dedeploy na namin kayo sa inyong pupuntahan. Sumakay na kayo sa Armored Personnel Carrier nyo.” Sabi ni Captain Vergara.
Dumating ang Armored Personnel Carriers at sumakay kami.
“Panibagong biyahe nanaman, kakagaling lang natin sa eroplano eh.” Sabi ni Corporal Fuerte.
“Okay lang yan Fuerte, maghanda ka na lang.” Sabi ni Master Sergeant Janine Fernandez.
“Okay. Ammunitions?” Tanong ko.
“CHECK!” Sigaw nila.
“Communications?”
“CHECK!”
“Armor and Head Protection?”
“CHECK!”
“Weapons?”
“CHECK!”
“Equipments?”
“CHECK!”
“At sa misyon to, kailangan mag-ingat! Walang mamatay, walang mai-injure at higit sa lahat dapat gasgas lang ang magkakaroon sa inyo! UNDERSTOOD!?”
“SIR YES SIR!”
“Bago ang lahat kailangan ko munang malaman ang mga specializations nyo, ako ay isang Clandestine Specialist.” Sabi ko.
“Ako naman ay Advanced Close Quarters Combat Specialist.” Sabi ni Tony.
“Ako ay isang Engineering Specialist.” Sabi ni Master Sergeant Fernandez.
“Ako ay Heavy Weapon Specialist.” Sabi ni Staff Sergeant Bellardo.
“Ako ay Forensic Specialist.” Sabi ni Sergeant Castro.
“Sir Regular Infantry lang po kami ni Corporal Fuerte.” Sabi ni Corporal Calle.
“Ako po ay Computer and Technology Specialist.” Sabi ni PFC. Marshal.
“Bomb and Demolition Specialist, at your service sir!” Sabi ni PFC. Santiago.
“Ako po ay Medical Specialist.” Sabi ni Private Ramirez.
“Okay mabuti kung ganon. Okay Corporals Calle and Fuerte, assist na lang kayo sa mga specialists tutal Regular Infantry lang kayo.” Sabi ni Tony.
“Tama na ang satsat! Malapit na ang objective natin. Kesa dumakdak kayo dyan maghanda na kayo.” Sabi ni Agent Sandoval.
“Sandoval, shut up! Basta ingatan mo yung arrest warrant ha!?”Sabi ni Agent Perez.
“Yes ma’am!” Sabi ni Agent Sandoval.
Dumating na kami sa checkpoint location namin at bumaba na kami ng Armored Personel Carrier. Kami ay nasa checkpoint area dahil dapat malayo kami sa objective location namin.
BINABASA MO ANG
Rogue: Beginning of the Menace
ActionAng dalawang agents na si Rusell at Tony ay pinabalik sa ahensya nila upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho matapos silang ideklarang "rogue" dalawang taon na ang nakakalipas. Disclaimer: *Ang mga pangalan at ang ibang organisasyon dito ay kathang...