Athena's POV:
Months passed. Back to normal na ang lahat. Naayos na ang mga bahay na nasira dahil sa labanang nangyari, marami ring nadagdag na establishments.
Pati na rin ang kapayapaan sa Dark Kingdom, or should we say Crystal Kingdom? Yep, after ng napakaraaaaaming pagtatalo, napalitan na rin sa wakas ang pangalan ng kaharian nila.
And after some time, nawala na rin ang galit ng mga tao sa dating Dark Kingdom at naliwanagan na silang lahat sa totoong nangyari.
Ngayon, puro guilt nalang ang nararamdaman nila. Hmp! Mabuti nalang talaga at tapos na ang lahat ng kaguluhan!
Ah, oo nga pala. Bukas na rin sa publiko ang Crystal Kingdom. Kahit sino ay pwede nang bumisita doon.
Sa wakas! Payapa na ang Elemental World.
Pero iba pa rin yung kumpleto kami.
Napabuntong hininga ako nang maalala si Yuri.
Siguro masaya sya ngayon.
Napanguso ako at bumaba na mula sa bundok.
Nagulat ako nang may brasong biglang pumatong sa balikat ko.
"Hoy, nakasimangot ka na naman. Ano? Nam-miss mo na naman sya no?" nang-aasar na sabi ni Josh.
Inirapan ko sya at inalis ang braso nya mula sa balikat ko.
"Heh! Natural! Bakit ikaw ba? Hindi mo ba sya nam-miss?" balik na tanong ko sa kanya.
Inilagay niya ang dalawang braso sa likod ng ulo nya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Syempre naman! Pero sigurado naman akong magkikita tayo ulit. Siguro" kibit balikat na sabi niya.
Bigla syang lumingon sa akin at nakita ko kung paano namuo ang ngisi sa labi nya.
"Pero mas miss kita, babe" sabi nya sabay kindat.
Pinilit kong pigilan ang ngiti at kilig dahil sa sinabi niya.
Bwiset na to! Nambibigla!
Inirapan ko sya at nauna nang bumaba. Narinig ko ang halakhak nya at naramdaman ko ulit ang braso nya sa balikat ko.
"Kilig ka na naman no! HAHAHA"
"Che!"
Humalakhak lang sya at nagpatuloy na lumakad.
Nang makababa ay nakita namin sina Ericka at Ian sa may bukana. Nanunukso kong tinignan si Ericka nang makita ang kamay nilang dalawa na magkahawak.
Namumula syang umiwas ng tingin kaya natawa ako. Sus! Wag ako beh, alam na alam ko yang feeling na yan.
"Yo! Napadaan kayo?" bati ni Josh sa kanilang dalawa.
Tumango si Ian at sumagot.
"Balak sana namin syang bisitahin. Gusto nyo bang sumama?"
Alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
Element School (School of Elemental Magic) [COMPLETED]
FantasyReady for the magical story of Miyuri Aoko Oshigawa?? Well then~ Let's start the adventure!