Chapter Thirty-Six: Seeking Truth (Part 2)

355 16 11
                                    

Ian's POV:

Kumunot ang noo sa nadatnan namin. Green grasses, colorful flowers and butterflies are surrounding the place.

Teka, nasa tamang lugar ba kami?

"Let's get going" Yuro

Nauna na siyang maglakad kaya mabilis akong sumunod.

"Teka Yuro, tama ba tong napuntahan natin?" Ako

"We'll see" Yuro

Muntik na akong mapaface palm. Akala ko pa naman ay sigurado siya.

Well, wala naman sigurong mawawala.

Mukhang malapit lang ang palasyo mula sa portal kaya hindi na kami matatagalan.

Mabuti nalang ay may hood kaming suot ni Yuro kaya walang nakakakilala sa amin. May mga mamamayan palang napapadpad dito.

Tahimik lang kaming dalawa at hindi nag-iimikan. Alam ko namang maraming tumatakbo sa utak niyan ni Yuro. Hindi lang niya pinapahalata.

Alam kong bothered din siya sa magiging reaction ni Yuri kapag nagkita sila.

Kung tatanungin nyo ako kung may gusto pa rin ako kay Yuri? Wala na. Siguro akala ko lang na gusto ko siya dahil bago lang siya at iba kina Athena at Ericka.

Kaya din siguro hindi ko na siya pinursue dahil alam kong may ibang laman ang puso ko. Masyado lang talaga akong in denial.

Napangiti ako dahil doon.

Naramdaman ko ang tapik ni Yuro sa balikat ko kaya napatingin ako sa nasa harap namin.

Woah, teka, ito na ba ang palasyo?

Hindi ko maimagine na ganito ka 'buhay' ang palasyo. Ang nasa isip ko ay puro kadiliman lang ang makikita namin dito.

Mukhang nagkamali ako.

Isa na itong patunay na isang malaking kalokohan na tinawag silang Dark Kingdom.

Napahinga ako ng malalim.

Lumapit kami ni Yuro sa may gate pero agad kaming hinarang ng mga guwardya.

"Anong kailangan nyo? Hindi pwedeng pumasok sa palasyo ng walang pahintulot ng mahal na reyna" Guard

Nagkatinginan kami ni Yuro.

"We're friends of the princess. She invited us" Yuro

Friends ka nga lang ba talaga? Lol.

Nagdududa ang tingin ng guwardiya. Alam kong mahihirapan kaming pumasok.

"Maghintay kayo dito. Ipapaalam namin ito sa mahal na prinsesa" Guard

Tumawag siya ng isa pang guwardiya at may ibinulong. Pagkatapos noon ay pumasok ang gwardiya. Mukhang inutusan niya yun.

Bumalik siya sa pwesto niya pero hindi parin naaalis ang tingin sa aming dalawa ni Yuro.

"Paano kung hindi tayo papasukin?" Ako

Nagkibit balikat lang siya na para bang confident sya na papapasukin kami.

Wow, sana all may ganoong confidence.

Ilang sandali pa, bumalik yung guwardiyang inutusan at bumulong doon sa guwardiyang kumausap sa amin. Nagtanguan sila at bumalik na sa pwesto yung isa.

Element School (School of Elemental Magic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon