a/n: Annyeongg~ Konnichiwaa~ Grabe nag enjoy akong basahin yung comments nyoo. Nakakatuwang malaman na nakakarelate at naaapektuhan kayo ng mga characters ko HAHAHAHA.
HAPPY 178K READS!!! HOY GRABE LANG, MASYADO NYO AKONG PINAPAKILIGGG ❤️
Eto naa! May update na ulittt! Binibilisan ko na bilang pambawi sa sobrang tagal kong nawalaa!
************
Miyuri Aoko's POV:
"Kailangan ko pong bumalik sa school" Ako
Kumunot ang noo ni Queen Miyuna. Alam kong hindi niya ako papayagan pero hindi naman pwedeng basta-basta akong mawawala.
Sasagot na sana siya nang magsalita si Kuya Drake.
Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang magkapatid kami, parang kailan lang nakasalubong ko palang sya habang hinahanap yung CR sa palasyo.
"Mom, don't worry. Sasamahan ko si Miyuri para masiguro ang kaligtasan niya. Hindi naman pwedeng iwanan ko lang sya di ba?" Drake
Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. Napanguso nalang ako at hindi na nagreklamo. Mas gusto kong kasama ko sya doon dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sakin doon.
Bumuntong hininga si Queen Miyuna at dahan-dahang tumango. Napangiti ako at mabilis na pumunta sa kanya para yakapin siya.
"Mag-iingat kayo ha? Ipapadala ko si Casper para bantayan kayong dalawa" Queen Miyuna
Tumango ako. I can't believe na all this time si Casper lang pala si Otosama. Mabuti na rin yun para kahit papaano ay makasama ko sya, Otosama ko pa rin siya kahit anong mangyari.
Nagpaalam na kami ni Kuya Drake at sinamahan ko siya sa kwarto niya para tulungang mag ayos ng gamit niya.
"Sigurado ka ba dito Miyuri? Babalik ka doon. Babalikan mo ang mga kaibigan mo?" Drake
Seryoso ang mukha niya ngayon. Alam kong nag-aalala siya.
"Kuya, kahit naman papaano may pinagsamahan kami. At oras na rin para malaman ang katotohanan mula sa kanila" Ako
Alam kong may dahilan sila. Pero hindi ko parin matatanggap kung patuloy nilang aakusahan si Queen Miyuna bilang masama.
Patutunayan ko 'yun sa kanila.
Nang matapos kami, bumaba na kami papuntang bulwagan ng palasyo, doon kasi kami hinihintay ni Queen Miyuna at Casper.
Wala na akong masyadong dalang gamit dahil ayokong magsuspetsya sila na may alam na ako.
"Mag-iingat kayo doon. Tawagin nyo lang si Casper kapag kailangan nyo ng tulong" Queen Miyuna
Tumango kaming dalawa ni Kuya Drake at niyakap si Queen Miyuna.
"Mag-iingat din kayo dito..M-mama" Ako
BINABASA MO ANG
Element School (School of Elemental Magic) [COMPLETED]
FantasyReady for the magical story of Miyuri Aoko Oshigawa?? Well then~ Let's start the adventure!