Ayrah’s POV
Grabe ilang linggo na ang nakakalipas at ilang linggo na din kami nagbabangayan ng Zatt Mateo na yun. Nakakainis ! Hindi nag papatalo . Well, ako din di ko siya susukuan. Lalo na ngayon? Na kinalaban nanaman niya ako sa pagiging Vice President ng department namin .Duh ! As if naman na mananalo siya , ee madaming nagmamahal sakin dito palang sa department namin .
“Calling all the partylist to go now on back stage.”
Ito na , rakkk na this ! Rally day namin ngayon , at after nito voting na . Sisiguraduhin ko na mananalo ako sa Zatt na yun ! Ako ! Ako parin dapat ang Vice President ng department.
Kasalukuyan akung nakatayo ngayon dito sa may back stage at nag iisip ng isang magandang speech at patama narin para kay Zatt ng biglang....
“Ara , good luck.”
Ara daw sabi ni Zatt, sino si Ara ? Mukang wala naman akung naalala na pangalang Ara na tatakbo sa Vice president ahh ??
“Excuse me , Ara daw !”
Tanong ko doon sa lalaking nasa likod ko.
“Ayrah , ikaw yun . I just want to call you Ara, its kinda cute.”
Huh ? Ahh ganun ? Arah ? Duhh ! Ayrah kaya . Pero teka ? Si Zatt mateo ba tong kausap ko ? Sigurado ba ako sa narinig ko ? Ara, Good Luck . Naku ! Naku ! Nakakatakot naman , mukang wala dito ang spirito ng Zatt na to.
“Zatt , Are you ok ? Are you sure na igugood luck mo ang pinakamortal enemy mo?”
Patawang sabi ko . Totoo naman ee , ang isang tulad niya na mayabang hindi mang gogood luck ng kalaban.
“Yah , there’s no reason not to good luck a........Lets call in Mr.Zatt Mateo”
Naputol ang sasabihin niya ng tawagin na siya ng Emcee.
“Good Luck again Ara.”
Paalam niya sakin ng nakangiti. Nagulat ako sa pinakita niya sakin ngayon parang seryoso siya , parang walang halong kalokohan ang mga sinasabi niya sakin at yung ngito niya ngayon ko lang nakita ang sincere na ngiti niya . Ang cute nga niya infairness.
Zatt’s POV
“Im Zatt Mateo , 18 ,running for the position of Vice President to this department . Thank you.”
Yun na lang yung nasabi ko matapos ng pag uusap namin ni Ayrah . Hindi ko maintindihan ang sarili ko kanina kung bakit ganun na lang ako kaamo sa kanya. Inaamin ko naman na habang tumatagal ang bangayan namin may nararamdaman akong kakaiba dito sa puso ko. At kapag nagkakabangayan kami , natutuwa ako na buong atensyon niya ay nasakin. Shit ! Siya na ba ang kauna-unahang babae na magpapatibok ng puso ko ? Siya na ba ang magiging special someone ko?
“And now , lets put your hands together to our ever love Ms.Ayrah Selona.”
Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ni Ayra sa stage ng magsimula na siyang magsalita . Ang ganda nga niya, ang angelic ng muka niya . Pero pag ako ang kaharap niya nawawala ang pagiging angelic face niya. Siguro susubukan ko na na maging mabait sa kanya pero yung tipong siya lang ang makakakita.
Ayrah’s POV
Nakakapagod ! Ang sakit ng katawan ko grabe @_@ Pero !!! Waaaaaaaaaahhhhh ! Ang saya ko , kase AKO ! AKO parin ang vice president ! wahahaha ! Sabi ko na walang laban yung Zatt na yun. Gwapo lang siya at matalino pero ugaling devil naman ! Yucks !
Pero wait ? Yung resulta ng voting kanina is 267-268 . Isa lang ang lamang ko sa kanya , halos pantay lang naman ee . May boto pa na isa sakin ?
Beep!
Opss ! Message tone po yan XD.
From:0946*******
Good Evening Miss VP . Congrats :)
Sino naman kaya to ? Bahala nga siya -_-
After 10 minutes...
Beep!
From:0946*******
Miss VP . I said congrats:) aren’t you gonna say thank you to your admirer? :)
What the hell ! Admirer ? Acckkk !!!
To:0946*******
Who are you ? I dont talk to stranger. But still thank you .
Sent ... !
Wew nemen , me admirer na agad ang lela niyo -_- pero di ako nag eentertain. Bahala nga siya . Matutulog na lang ako at maaga pa ako bukas .
Kinabukasan......
Beep!
Shit ! Nakakagulat naman ang vibrate ng phone ko . Pano ba to napunta dito sa bed ko ?? Nagising tuloy ako ! Sira ka ba Ayrah?? May katext ka kaya kagabi , tinulugan mo lang naman. Sabi ng kabilang utak ko sakin . Oo nga pala si admirer este si stranger . Ano ha yan ang aga ang sakit na agad sa ulo. Reklamo ng isa ko pang utak .
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan .
4 message receive.Sino naman kaya to ? *Open*
From:0946*******
Welcome :)
Why so angelic Miss VP?
Already asleep ? Well good night miss VP . I hope to see you in dreamland . Sweetdreams :* <3
Good Morning Ara , see you in school . Take care always. :*.
Hayy kung sino ka man , i dont care ! Makaligo na nga lang .
Habang naliligo ako , higlang nag flashback sa utak ko ang last message nung admirer ko kuno . Good morning Ara, see you in schook. Take care always. :*
Ara ! Ara ! Ara ! Good luck Ara. Yah , Ara i want you to call Ara its kinda cute. May bigla akung nadigest . Tapos.....
Bigla kung kinuha ang tuwalya ko at lumabas ng cr na basang-basa . Lumapit ako sa bed ko at hinanap yung cellphone at nagbasa ulet.jg huling message ng nagtext sakin.
Si Z-Zatt ba to ? Hindi ! Imposibleng mangyari yun! Pero posible din kase siya lang ang tumawag ng Ara sakin. Nagtatalo ngayon ang utak ko sa taong nagtext sakin at tinawag akong Ara. Siya nga kaya? O baka ibang tao lang yun ? Ayrah ?Ara? Magkalapit naman yun ahh?? Oo nga baka ibang tao yun , si Zatt ? Etetext ako ? Ee wala ngang cellphone number ko yun duhh ! At isa pa , wala sa ugali niya ang concern! Kaya erase the message then forget.
Yun nga yung ginawa ko . Hinayaan ko na lang at hindi ko na pinasin ulet. Nabihis na lang ako at naghanda para sa panibagong araw ko nilang VP ng department namin.
A/N: Hello ! Kamusta ? Kong Hei Fa Choi ! Pagpasensyahan na ang chapter na to , at madaming typo’s . Sino sa tingin niyo ang nagtext ? Comment naman po kayo oung nagustuhan niyo :) Xie-Xie :)
BINABASA MO ANG
I'm His Special Someone
Novela JuvenilKadalasan nahuhulog tayo sa taong hindi natin inaasahan na mamahalin mo. Mahal siya ng kaibigan mo pero ikaw ang mahal ng mahal ng kaibigan mo. Sasabihin mo ba sa kaibigan sa mo na ikaw ang SPECIAL SOMEONE na tinutukoy ng mahal niya? O isasantabi mo...