Leah’s POV
Ai grabe ! Ang cute talaga ni Zatt , blooming siya ngayon mukang inlove na din siya sakin ohmygosh ! Ok lang naman oung siya nanalo , panalo naman siya sa puso ko ee . Ayyeeehhhh ! Ang landi ko nuh ? Wala ee sa mahal ko yung tao ee .
Pero wait , san na ba siya nag punta ? Andito pa siya kanina ahh ? Nag pifliptop battle pa nga sila na Ayrah ee . San kaya yun ?? Miss ko pa naman siya -_- tskkk !
“Hoy Zander! Nakita mo ba si Zatt?”
“Hooooohh Leah ! Ayan ka nanaman ! Puro ka Zatt , di ka naman gusto nun ! Asa !”
“Whats your paki ba ? Di mo ba siya nakita ? Blooming siya ! Muka siyang inlove , and I thinks its me .”
“sige lang , mag assume ka pa.”
Ano bang problema ng Zander na to ? Sipain ko kaya toh , wrong choice of person talaga ako ng tinanungan ! Walang kwenta !
Nasa gitna ako ng pagdadabog ko ng may pumasok na isang napakacute na nilalang sa mundo. Sheytt! Ang liwang niya , his like an angel with captivating face.
“Zatt , san ka galing ?”
Hindi siya sumagot , di yata ako narinig .
“Zatt , where have you been ba ? Im looking for you kanina pa.”
“Diyan lang.”
“San yun ? Dito lang ba yun ? Mukang mahirap hanapin yun ahh?”
“Leah , lets talk.”
Lets talk ? About what ? Is he going to ask me Ligaw ? Or to ask me as her girlfriend ? Sabi na nga ba he loves me ee . Ok , kinikilig ako sheyt !
“Ok Zatt.”
“Follow me Leah.”
Uhm ? I like it , in private huh ?
Sinundan ko si Zatt , pero di niya ako pinapansin kahit na nakabuntot ako sa kanya , problema kaya nito ? Baka naman surprise to kaya siya ganyan . Naku Zatt , wag mo akong ginaganyan madali ako bumigay !
Zatt’s POV
Kinakabahan ako , ewan ko . Ayaw kung manakit ng damdamin sa paraang ganito . Mahalaga si Leah kay Ayrah , kailangan kong gawin to para di ko na umasa si Leah . We need to talk , and she needs to know that Im inlove with other girl .
“Zatt, bakit nandito talaga tayo sa roof top ? Anong meron?”
Good start Leah. Nasabi ko sa sarili ko , hindi ko kase alam paano sisimulan ee .
“I have something to tell you Leah.”
“About what ?”
“About me.”
“And what about you Zatt ?”
Kaya mo yan Zatt , honesty is the best policy. Go straight to the point! Tama straight to the point !
“I have my special someone. ”
“Really ? Who?”
“Its none of your business , I just want to be honest with you. Ayoko ko na umasa ka.”
“W-wait ! Kayo na ba?”
Unti-unti kong nararamdam ang lungkot kay Leah ng magtanung siya. I know it hurts but , she needs to know for her to move on . She deserve to be happy with other guy.
“Hindi pa Leah ,pero malapit na.”
“Ok , Im happy for you Zatt . And advance congrats. Excuse me.”
Happy ??? Pero malapit na siyang umiyak , I feel sorry for her but its the right thing to do . Alam ko mapang asar akung tao pero pag sa ganitong usapan i know what is the right thing to be done. Leah is nice , I dont deserve her love . And I dont deserve to be her love.
Ayrah’s POV
“Zander ! Asan si Leah?”
“Ewan , baka nasa CR.”
San kaya yung babaeng yun ?? Mahanap nga...
Naglakad-lakad ako para hanapin si Leah , ngunit ng lumingon ako nakita ko yung isang babaeng mukang galing sa roof top , patabong umiiyak papuntang likod ng school.
“Si Leah yun ahh ? Anong nangyari ?” nasabi ko sa sarili ko .
Sinundan ko siya sa likod ng school at tama nga si Leah nga . Nakaupo sa damuhan , at umiiyak. Nilapitan ko sya , at ng makita niya ako niyakap niya ako.
“Sis , sakit!”
Sabi niya habang umiiyak na nakayakap sakin.
“Sis, anong nangyari?”
“May special someone siya sis! Hindi ko matanggap! At isa pa , hindi niya sinabi kung sino! Pero aalamin ko yun!”
Bigla akung hindi makagalaw sa narinig ko na sinabi ni Leah. Alam ko na ang tinutukoy niya. Pinagpatuloy nga ni Zatt ang balak niya, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng takot nung sabihin ni Leah na aalamin niya yung special someone ni Zatt.
Paano ? Ano nang gagawin ko ngayon ? Ang alam ko lang nasasaktan ang bestfriend ko. Paano ko ba siya matutulongan kung kahit ako di ko alam paano sasabihin. Hindi ko gusto magsinungaling pero di ko rin kayang magalit siya sakin pag nalaman niya na Im his special someone.
A/N: Salamat sa suporta readers ^_^ ano ? Ano sa tingin niyong dapat gawin ni Ayrah ngayon ? Kung kayo sa kalagayan niya? Tama ba ginawa ni Zatt? Leave Comments and keep voting and supporting ^_^ salamat readers :)
BINABASA MO ANG
I'm His Special Someone
Teen FictionKadalasan nahuhulog tayo sa taong hindi natin inaasahan na mamahalin mo. Mahal siya ng kaibigan mo pero ikaw ang mahal ng mahal ng kaibigan mo. Sasabihin mo ba sa kaibigan sa mo na ikaw ang SPECIAL SOMEONE na tinutukoy ng mahal niya? O isasantabi mo...