During Flag ceremony.
Lahat ng fourth year required umattend ng Flag ceremony.
Naka pila kami( ang section namin) sa dalawa (boys and girls)
Katapat ko sa kabilang hanay si Hyan.
nasa isip ko ap rin yung kaweirduhang pinakita sakin ni Sam.
"Ano Panyang,anung sabi nung ex ni Erin?" Hyan
"huh?"
"Ay bingi? Sabi ko, anong sabi nung ex ni Erin? "
"kalalaki mong tao, ang tsismoso mo!"
"Eh bakit ba?Pinunit niya ba?!"
"Ang alin?"
"iyung sulat, pinunit niya di ba? tsk tsk tsk."
Panu njiya nalaman iyon?!
"PShh! Wag kang maingay baka marinig ka ni Erin, biglang magbigti yun."
Mabuti na lang at nasa malayong dulo ng linya si Erin kasama si Arello.Sila na ang pinaka matatangkad!Kaya lagi sa likod.
Kami n i Hyan palagi nasa gitna, kesa naman nasa harap di ba?
Napalingon si Hyan sa bandang likod.
"Gaano ba nagtagal si Erin at nung ex niya? At ganyan na lamang siya magpaka-tanga."
Napaisip ako....
"Hmmm... nung summer after third year yata. Mga three months siguro?"
kumunot ang noo niya.
"Huh! Grabe ang accurate mo pangtanungan Panyang, puro ka 'yata' at 'siguro'. "
"Eh malay ko ba?! Dapat ba kasing chismoso kita?"
Hindi niya ako pinansin.
Ngunit sabay kaming napalingon kay Erin na nakatanaw sa linya ng Ginian Department kung nasan ang ex niyang kinababaliwan.
Napailing kami at nalungkot.
Hanggang kelan ka ba magpapaka-tanga Erin ?
Bumalik ang atensyon namin sa ceremony nang magsimulang magsalita si Sir Principal katabi ang class advisor naming mas terror pa sa terorista.
Gustong mamutla lahat ng classmates ko basta meron na si Class advisor.
Sabi nga ng sinundan naming batch, wag na raw kaming maligo bago pumasok, kasi automatic default everyday sinasabon ng advisor na iyon ang klase niya. Teribleng buhay estudyante, ang sarap mag drop out!
Joke lang, graduating na kaya ako.
Nag announce ang principal tungkol sa nalalapit na first grading period. Na sinundan pa ng ibang announcements like,settle your account etc.
"Oh? Anung isesettle natin eh nasa public school tayo di ba?" Hyan
"PTCA fee, miscellaneous fee."
"Huh? Miscellaneous? public school?!"
"Sa barangay ka magreklamo friend..Halika na, balik classroom na."
"San mapupunta iyong pera?"
Ang kulit tlaga ni Hyan.
"For improvements ng school daw."
"Hah? San banda dito nag improve?"
"Wala pa naman, since freshman ako dito.As is pa rin."
Lumapit kaming dalawa kina Erin at Arello.
"Oh Panyang, nabigay mo ba iyong sulat? Nagustuhan ba niya?" na-eexcite nitong tanong.
Naaawa talaga ako sa kaibigan ko.
Gwapo nman siya, matangkad,athletic,mabait, matalino kaso
sobrang shunga sa pag-ibig.
"Ha? A-ano kasi eh..."
"Nagalit ba siya?" mukhang nag-alala si Erin.
"Hindi. Ngumiti nga eh! Parang kinilig pa."
Nabuhayan siya ng loob at bakas na naman ang kabilaang dimples nito sa ngiti.
Talaga? Sana manuod siya bukas sa basketball game namin sa gym. Gagalingan ko para sa kanya."
"Dapat lang pre, ang laki ng pinusta ko sa team niyo eh!" -inakyan siya ni Arello
Bromance I thought.
Nag-akbayan silang tatlo at lumakad. Ang saya nila.
Habang ako naiwang feeling guilty sa pagsisinungaling.
Hyan looked back to me like saying
#LiepamorePanyang
Ako naman si #Guiltypamore.
BINABASA MO ANG
Ilustrado Explicit Files
Humor*Mga kabaliwan ng 'buhay estudyante' lalo na ni Panyang and...Why it's more fun in public school!" Book sequel : IRREVOCABLY MINE!