Maagang sinimulan ni Panyang ang araw para mag jogging. Matagal-tagal na rin ng huling nag-ehersisyo ako.
Isinama ko na rin ang malaki at puting aso ko para at least feeling ko may gwardya ko.
Para kung may magtangka ng masama , ipapalapa ko siya agad kay Baymax. Tsaka para ma-exercise na rin ang alaga ko. (pero ang totoo, ay wala kasi akong mapagtripan kundi lumabas ng bahay para hindi maburyong. 2 weeks akong ganito kaya, kailangan may pagka-abalahan bago pa'ko mabaliw.)
*Tumatahol
"Baymax, hindi naman lahat kailangan tahulan mo."
Paano ako makakexercise kung laging tumitigil si Baymax, asar naman. >_______<
Imbes jogging , naghihilahan lang kami ng tali ng aso ko habang nasa daan.
"Ano ba Baymax, sumunod ka na lang.Napipikon na'ko sayo!"
"Ganda naman ng aso mo, bilhin ko na lang." alok ng mamang may nakabisekletang naglalako ng pandesal.
"Hindi ko po binebenta ang aso ko.Maski matigas ang ulo nito." hinihimas himas ang ulo ng alaga.
"Tamang- tama pala, masarap isigang.".
Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito
"Mawalang galang na po manong, pero hindi po panlaman tyan ang mga aso, lalong hindi sila dapat pinupulutan."
"Hindi ka na mabiro, bili ka na lang ng pandesal ko."
-____- nabwisit niya na'ko, bebentahan pa'ko. KAPAL. >O<
"Next time na lang po." nagpatuloy siya sa pagja-jogging, mabuti at nakisama naman ang aso niya.
* * *
Samantala, sa mga araw na wala si Panyang at Erin sa Ilustrado...
Ito ang mga ganap.
Sa classroom nagbubunyi ang lahat dahil dalawang subjects ang walang klase dahil may film viewing.
"Grabe namimiss ko na si Panyang at Erin, mas masaya sana ang mga bakanteng oras kung meron sila." ~sentimyento ni Arello habang naghahanap ng saksakan ng pwedeng icharge ang tablet niya.
"Buti na lang meron si Asher, no Hyann?"
Asher smiled timidly to Hyann while he didn't even throw a look on her.
Then long SILENCE.
.
.
.
.
.
"Teka nga, ako lang ang magsasalita dito?" ~ Arello.
"LQ ganun?"~ tudyo pa niya sa kina Asher at Hyann na isang upuan lang ang pagitan sa isa't-isa ngunit knina pa hindi nag-uusap.
"Tumigil ka nga jan." binato ni Hyann ang hawak ng libro kay Arello.
Awtomatikong umiwas si Arello pagkatapos ay napatayo naman si Asher.
BINABASA MO ANG
Ilustrado Explicit Files
Humor*Mga kabaliwan ng 'buhay estudyante' lalo na ni Panyang and...Why it's more fun in public school!" Book sequel : IRREVOCABLY MINE!