Mabuti na lang at nakatakas ako sa guard.Hindi niya ako kayang habulin. hahaha!
Bwisit na Samuel iyon,iniwan ko na nga.- non sense siya kausap, talo pa naka-droga.
Huh! Magmula ngaun, hindi ko na siya crush!
Nakaaabot ako ng paradahan ng jeep pauwi.
Anong oras na ba?
6:30 na pala. Nah! Masasabunutan ako ni nanay ne'to.
Dapat nasa bahay na kasi ako ng ala-sais dahil sa gabi ay may business kaming BBQ.
You know, we make benta benta ng isaw, adidas, helmet, betamax etc.
Iyong Kuya ko pa naman, napaka-inutil.Wala nang naitutulong, bumubisyo pa.Hay,ang sarap isako!
Pag-uwi ko, naabutan ko si kuya na may kaharutan sa sopa.
Eh di wow! Nakakabanas lang.Last week ibang babae, ngayon iba na naman.
Ibinalabag ko sa tabi iyong bag ko. Sana may granadang laman iyon para sumabog na sa harapan nila.
Sa kwarto ko...
Naalala ko bigla iyong sinayang kong mamahaling kape.
Sana pala, hindi ko na lang tinapon, eh di sana hindi ako hinabol ng guard ng school for littering.
Eh di sana binigay ko na lang sa PG (patay gutom) kong kuya tapos hinaluan ko ng lason para madenggoy na siya. hahahaha!
Pasensya na, ganito tlaga kasi ako mag-isip, naniniwala kasi ako sa sinabi ni Chinkee tan
"If you are not part of the solution, then you're part of the problem."
Ako naman, I believe...ahem ahem, mic test: that
"If you are my problem, then I will end you."
Oh di ba?
I-oopen ko na sana ang notebook ko para mag-internet nang,
"Panyang! Bumaba ka na."
ugh! sa malamang uutusan na naman ako ng magaling kong kuya.
"Panyang! Ano ba?! "
Naku, sinara ko na lang ulit ang computer ko.Baka ano na naman ang sapitin ko kapag di pako sumunod.
Pagbaba ko,
"Ibili mo ko ng yosi, bilis!" sabay itsa sakin ng pera.
Sa kalye....
"Ano nman kayang mabibiling yosi ng piso niya?
Kinapa ko ang bulsa ng pambahay kong damit.
"Mabuti na lang at may dala akong barya."
Pauwi na'ko pagkatapos makabili ng sigarilyo pero naisip kong puntahan si nanay na nagtitinda ng BBQ sa kabilang kanto.
"Nay!
"Madaming benta na ba?"
"Anong benta? Eh di pa nga ako nakakapagpabaga. Bumili ka nga ng posporo."
BINABASA MO ANG
Ilustrado Explicit Files
Humor*Mga kabaliwan ng 'buhay estudyante' lalo na ni Panyang and...Why it's more fun in public school!" Book sequel : IRREVOCABLY MINE!