IV - Zacarias

10 0 0
                                    

Pagdating namin sa classroom, abala na si Ingat yaman in english class tresurer sa paniningil ng ten pesos sa mga hindi umattend ng Flag ceremony.

Sa totoo lang, naiinis ako sa patakarang iyon ng advisor namin-Buwaya lang. Pero wala kaming magagawa. Mapupunta daw iyon sa pondo ng Christmas party- Hooooo!!! maniwala!

Mabuti na lang din at natanggal na iyong Noisy na kapag nalista magbababayad ng fine na P5.00.

Tapos ang malupit pa, may times times pa!

ganito. 

Noisy:

1. Erin 5X

2. Arello 10X

3. Panyang 20X

So imagine sa isang araw pwede akong magfine ng five pesos times 20!

Pero utot nila noh?! Ipapa DepEd ko sila kapag siningil nila ako.

"Hoy tsinitong transferee," tawag nung kubrador kay Hyann.

"Magbayad ka ng fine mo. Last week hindi ka nag-attend."sabay lahad nito ng palad habang hawak sa isang kamay ang mahabnag listahan.

"Nag-attend ako." supladong sagot ni Hyann

"Oo, pero late naman."

Napatingin kaming apat na para bang konti na lang sasapakin na namin siya. -maski babae pa siya.

"Sige. Babayaran ko, kung mag-iissue ka sakin ng BIR receipt."lalong naningkit nag mga mata ni Hyann.

Natameme si kubrador ng fine.

Nilagpasan lang namin siyang apat.

Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang magsimula ang school year.

 Kaya naman, petiks pa lang sa requirments.

Ang kalma kalma naming lahat nang may sumigaw ng "Anjan na siya!"

Ang lakas maka-wrong turn na sigaw.

Que Horror!

Hashtag-AlamnaThis.

Kamalas malasan kasi, sa'min pa natapat ang mala-haliwaw ka-terror na advisor. Nakakasakal friend.Ang sarap niyang kulamin.

Pumasok si Sir Halimaw.

Sumama ang ihip ng hangin.

Ang pangalan ng section namin ay . 

Tumahimik ang IV- Zacarias)pangalan ng section namin)

Nagsi upo sa proper seats at kinalimutang huminga habang nililisikan kami ng mga mata ni Advisor.

"Ano na naman kayang problema niya?" bulong ni Erin.

"Lakas mang trip niyan, laging galit. May sayad na yata." Arello

"Pshh!" pasimpleng saway ko.

 Mahirap na noh?  

Baka ma-awardan pa kaming apat nang di oras. Specialty na yata ni advisor mamahiya ng mga estudyante. (maski nonsenseissue,pinalalaki.)

Maya-maya saglit, sinimulan na niya ang paghiyaw -hiyaw sa amin.  

Dahil sa mga neagtive reports about samin ng ibang teachers.

 Lakas maka0bad trip ng araw. Hooooo!

Tapos inaiabot ni kubrador ang listahan ng mga wala sa Flag ceremony.

"Pshh, sarap i-salvage niyan, lamok lang."matagal nang banas si Hyann sa treasurer namin.

Bukoad kasi na sobrang loyal nito sa Adsvisor namin,

lagi din siya nitong tinitira.

Kutob ko friend, may gusto iyan sa kaibigan namin." 

Matapos kaming sabun-sabunin, 

pinalabas kaming lahat ng classroom. May kasalnan na namn daw kasi kaming nagawa.

"Dapat jan sa advisor natin, ipasok na sa mental. Di na yan normal, baliw na iyan." Arello murmured.

 Totoo naman.

Walang explain explain sa kanya.  

Agad-agad ipapa-guidance kami.

"Grabe, na-late lang tayo ng konti kahapon sa Science, guidance office agad?" Hyann complained.

"July pa lang ah? pangatlong dalaw na natin ito sa guidance. Buong section Zacarias pa!

Anong susunod? Ipapatawag na ang parents natin?" puna ni Erin

 "tapos sasabihing hindi tayo lahat ga0graduate?" suhestiyon ni Arello.

"Huwag naman friend." nakaka-bother naman.

Gusto kong mag-college no? At gusto kong makapasok sa extenso ng school namin.

Isa sa mga pinaka-pretigious University ng Maynila. -Ang ILUZTRADO UNIVERSITY or IU.

And graduating here is the only way to be in.

Ano bang kasing gusto ng advisor namin? Ang hindi kami grumaduate?

Napailing na lang si Guidance councilor nang magsiksikan kaming 44 sa office niya.

Pagbalik classroom namin , dala-dala ang admission slips na ipinasa kay advisor.

Simimulan na klase.

"Bring out 1/4 sheet of paper, number it 1 to 10."Surprise quiz daw.

Terorista talaga. Wala naman akong antutunan sa kanya, eh mabuti pa iyong rap ni Gloc-9 malinaw, pag siya puro reprimand lang abot namin sa kanya.And I don;t agree that pagdidisiplina pa iyon.

"Hell student life." my friends and I sighed.

Ilustrado Explicit FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon