Arello's POV
Pagkatapos ng film viewing, nahiwalay ako kay Hyann.~ ewan ko ba at bigla na lang niya akong iniwan nang lapitan ako ng mga girls.
Galit siguro si Hyann sa fangirls,(-___-)?
Sa aking palagay naman, hindi masamang hangaan ka, so bakit kailangang sungitan sila?
Ang cute nga nila eh.Present sila tuwing may basketball game ako para magcheer.Mas supportive pa sila kaysa kina Erin, Panyang at Hyann.
Mahilig silang magpapicture , feeling ko nga ay celebrity ako dahil sa kanila.Iyong feeling na may nagbibigay ng gifts maski hindi ko naman birthday.Don't be mistaken, I'm NOT taking advantage of them.~ puro stufftoys ang binibigay nila o di kaya ay greeting cards ,letters, random stuffs.
Subukan ko mang tanggihan, ipinipilit nila. Iyong iba nga ay basta isinisiksik na lang sa locker o bag ko.
Ngayon nga ay merong nagbigay sa akin ng popcorn.
Ang nasa isip ko na lang ay,
Mabuti nga iyon, may mga taong napapasaya ako.
Nagpayong ako paglabas ng AVR kasi sobrang tirik ng araw sa dadaanang pagkaluwag luwag na sports ground. Biglang naalala ko tuloy si Panyang, lagi akong inaasar nun kapag nakikita akong nagpapayong. Ang arte ko daw at ayaw kong umitim.~ well totoong ayokong umitim.
Sa daan ay naabutan kong binabanatan si Hyann ng isang grupo ng juniors.
Naroon si Asher na nagpi-freak out.Noong una ay hindi ako nag-alala kasi tinumba nga niya iyong dalawa. Ang lakas niya.
Lumapit ako kay Asher at sinabi niya anung nangyari.
"Kalma lang Ash, kaya niya iyan."
"Tol kaya mo yan!" sabay subo ko ng popcorn.Ang Sarap pala ng Kernels.~caramel flavor. "Gusto mo?" alok ko kay Asher.
"Arello gumawa ka naman ng paraan..." Umiling lang siya na parang naiiyak na.
Naghubad ako ng polo, ayokong madumuihan ang damit ko maski 7.50 na lang ang Ariel. Sasagipin ko si Hyann.Bahala na si God.
"Anong gagawin mo Arello?!"
"Syempre tutulungan si Hyann, Ano pa?!"
"NO!!!" ~ She grabbed my arm .
"Sabi mo tulungan ko tapos, No?Gulo mo Ash!"
"Gusto mo ring matulad kina Panyang at Erin, GANON? "
Help him , pero hindi namang makibugbugan ka din. Gusto mo ring ma-suspend ?!"
Iyan na naman ang bagabag ng scholar tulad ko, pinaalala ng kapwa scholar kong si Asher.
Itinatago ko nga ang bagay na iyon dahil ayokong ma-pressure. Iba kasi kapag Ilustrado scholar, hindi lang basta basta maintain at least 92 average, good moral record, be active in extra curricular, be a model student, etcetera etcetera...
BINABASA MO ANG
Ilustrado Explicit Files
Humor*Mga kabaliwan ng 'buhay estudyante' lalo na ni Panyang and...Why it's more fun in public school!" Book sequel : IRREVOCABLY MINE!