Nagyaya mag~malling si Erin pagkatapos kong makapalit ng damit. Bago kami kumain sa resto, idianaan muna namin si Baymax sa isang pet shop.~ ipapa grooming na lang daw niya ito kaysa ako ang magpaligo.
Habang kumakain kami, natanung ko siya bigla ang about kay Zenchielynel.
"So, naglalasing ka pa ba dahil sa kanya?"
"huh?" then he chucked.
Bakit hindi ko napansing move on na pala siya rito? Parang nung isang buwan
lang kasi ay baliw na baliw pa siyang padalhan ng loveletter ito.
Ibang iba na siya, hindi na siya mukhang talunang iniwan.~sa wakas okey na
ulit si Erin, even more than okay.
Hindi ko namalayang nakanguti pala ako sa kanya na parang ewan.
* awkward. ( ゚-゚)
"A-ano kasi, ang sarap kasi ng pagkain dito."
Nasa isang Chinese restaurant kami , at grabe,
(ノ'▽`)ノ
nakakabusog at sobrang sarap talga.
HEAVEN DITO YEAH.(〜 ̄▽ ̄)〜
Sana kasing yaman ko si Erin para lagi akong makakain sa ganitong klaseng restaurant.
* * *
Sunod ay naisipang magsine si Erin pero inayawan ko nang makita ang title ng movie~ 'The bed tutor'
ヽ((◎д◎ ))
Pamagat pa lang rated SPG na, kaya pinili ko na lang silipin si baymax sa petshop.Hindi naman ako pinilit ni Erin.
Goodluck na lang sa kanya kung papapasukin siya sa sinehan.Sana hindi.
( ̄□ ̄;)!!
Habang papunta ako sa pet shop, biglang nanakit ang tyan ko.
Susme, bakit ngayon pa?Enebeyen. Ang takaw ko kasi.((>д<))
Sa restroom, may nakasabay akong babae, nanalamin siya at naglalagay ng lipstick.Masama na ang loob ko pero, nakuha ko pang magandahan sa kanya, kasi ang ganda niay talaga, parang artista.
Pagharap nito sa'kin
-(๑☆‿ ☆#)ᕗ
Na-star struck ako lalo!Parang model na lumbas sa magazine.Hindi ko lang matandaan kng saang teleserye ko siya napanuod, pero sure ako, siya iyon.
Mabilis itong lumabas na parang nagmamadali.At dahil tsismosa ako,pasimpleng sinundan ko siya.May lalaki pa lang naghinitay dito sa labas.Nagbeso sila tapos ay sweet na sweet ng naglakad palayo.
At nasabi ko na lang sa aking sarili.... "Nagayuma si ate...tsk tsk tsk. Sayang, ang pretty pa naman niya." Hindi naman sa panlalait pero iyong lalaki kasi pang memes ang mukha.
BINABASA MO ANG
Ilustrado Explicit Files
Humor*Mga kabaliwan ng 'buhay estudyante' lalo na ni Panyang and...Why it's more fun in public school!" Book sequel : IRREVOCABLY MINE!