NINE

31 2 0
                                    

Natapos ko ng basahin ang Novel ko dahil excited na ako para sa JS namin na gaganapin sa Friday. Baka ma-istress ako kung hindi ko pa tatapusin yun.

"May susuotin ka na para sa JS sa friday?" Jenny, nandito kasi kami kasama si John sa classroom. Absent ata yung teacher namin kasi 15 minutes ng nakakalipas wala pa rin siya.

"Meron na, ang kaso ginamit kasi yun sa kasal, pang-abay" sabi ko, medyo nagtatampo nga ako kina mama kasi hindi sila excited para sa akin.

"Ano ka ba, ok lang yun atleast meron kana, ako nga wala pa eh"sermon ni John habang nagpapa-cute sa salamin.

"Himala! dapat nga nauna ka pang magkaroon sa amin, boy ayy girl scout ka kaya" asar ko sa kanya, nakakagulat naman kasi at nahuli siya ngayon.

"May hinihintay kasi siyang kula------" pasok naman ni Jenny pero biglang tinakpan ni John yung bibig niya.

"Wag mong pansinin sinasabi niyan inggit lang yan sakin..aray!sadista ka talaga Jenny" paliwanag ni John kaso kinagat siya ni Jenny. Ako? tulala lang sa kanilang dalawa.

"Alam niyo kung hindi ko lang kayo kaibigan, iisipin kong may relasyon kayo" kutya ko sabay ng mapang-asar na tingin ko sa kanya, bigla namang umusog si John na parang nandidiri.

"Eww ha ! Mandiri ka nga sa sinasabi mo" sabi ni John na diring diri, kulang na lang eh bigyan ko siya ng alcohol at ipangligo sa kanya.

"Oo nga maica, atsaka may iba na yang napupusuan no if i know stalker pa siya" si Jenny naman na inaasar si bakla.

"Really bakla? ikaw ha! Hindi mo sinasabi sa akin,nakakatampo ka tuloy" nagulat talaga ako kaya nagkunwaring nagtatampo.

"Wag ka ngang maniwala diyan,baklita ka talaga!" sigaw ni John na ngayon ay namumula na.

"Classmate yung mga kasama daw po sa JS pumunta sa ground kasi may pag-uusapan ,don't worry excuse na kayo" biglang may pumasok na kaklase ko na natulong sa JS at pinababa kami.

"Tara na girl excited na ako !" tumayo na si Jenny sumunod na si John at tumayo na rin ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili.

--------

"Bibigyan namin kayo ng kalahati ng heart na may nakasulat na number, ang kulay yellow ay para sa babae at ang kulay pula ay para sa lalaki. Ang mga numerong nakasulat sa yellow ay may kaparehas sa pula.Dahil alam naming nabo-bored kayo sa JS ginawan namin kayo ng thrill, hahanapin niyo ang ka-partner niyo sa mismong araw na iyon at siya ang makaka-partner sa entrance. Enjoy !" and by the way may pasok kayo sa JS don't worry maaga naman kayo papauwiin" mahabang paliwanag ng coordinator namin na namamahala sa JS.

"Aaargh ! Ano ba yan may pasok pa rin?" rinig kong reklamo ng mga katabi namin sa pila.

"Yeah, ang tagal tagal kaya magpa make-up tapos may pasok pa!"reklamo naman ng isa.

"Atsaka ano naman tong pakulo nila? maglalaro tayo ng hide and seek sa JS? paano na ang boyfriend ko? Possesive pa naman yun" dagdag pa ng isa,umiingay nanaman sa pila,kaming pilot section ay tahimik lang at nakikinig. Kami kaya nag-isip niyan! Mapanghusga talaga.

"Ano ka ba? astig nga eh number game ang JS tapos nakaka-excite kasi hindi hindi mo kilala ka-partner mo" pagtatanggol naman ng isa,salamat naman at may nagtanggol.

"Quiet fourth year and third year! Wag kayong maarte ok? sa entrance niyo lang sila makaka-partner at hindi niyo papakasalan! ang landi landi niyo, ok sana kung magaganda't gwapo kayo" sigaw ni ma'am,yan serves them right ! Natahimik ang buong tao sa ground at hudyat na iyon para ibigay na yung number.

"Dito na muna ako friend,ang init sa pwesto ko" biglang tumayo si John at tumabi sa akin.

"Ano kayang number ko?sana naman lalaki mabunot ko" dagdag pa niya.

"Pekye! Lalaki ka sa JS at hindi babae kaya hindi lalaki ka-partner mo" sigaw ko sa kanya at binatukan siya. Pagkasama ko talaga to napapamura ako LITERAL.

"Oh number niyo, masyado na kayong sweet" sabay bigay samin ng classmate ko ng number namin.

"Friend patingin! anong number mo?" hindi ko pa nga nakikita mas excited pa ata si bakla sa akin.

"Pwede wait? ayy ang layo ko, 523 ako friend, ikaw?"sabi ko sa kanya sabay pakita ng kabiyak na puso.

"Sayang naman 532 ako eh,nakakainis! hahanapin ko pa ka-partner ko hays" sabi niya sabay balik sa dati niyang pwesto.

Sino kaya ang kabiyak nitong puso ko ?

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon