THREE

56 4 0
                                    

Nakasakay na kami ngayon sa LRT buti na lang at kakaunti pa lang ang tao.Nakakapag-taka lang kasi tahimik itong si John simula ng makita namin siya sa tagpuan.

Ang love parang pagsakay lang sa masikip na LRT,kailangan mong ipagsisikan ang sarili mo para maging masaya ka kahit nasasaktan ka na o kaya'y hindi makahinga.Alam mong marami pang iba diyan pero doon mo talaga gusto ang kaso lang kapag nahirapan ka kailangan mong tiisin kasi choice mo naman in the first place ang pagsakay doon.

"Napanood mo yung SONA ni Pres.?"-binasag ko na ang katahimikan sa aming tatlo.

"Hindi nakakatamad"sagot sa akin ni Jenny na nahahalata ang pananahimik ni John.

"Bakit hindi ?eh maaga naman tayong pinauwi nun diba?"sabi niya at itinaas pa ang kilay para mas mukhang mataray.

"Uunahin mo pa yan ?hindi mo naman ikaka-unlad yan atsaka puro kasinungalingan lang naman binabalita diyan alam na nga nilang maraming problema ang tao dadagdagan pa nila"-sabi naman ni John at mukhang iretado na dahil sa init.

"oo nga pero minsan good news naman diba"

"good news ?alin yung pagtaas ng ekonomiya na hindi naman tayo naapektuhan ?ang pamahalaan talaga nakakasawa"sagot niya ulit habang si Jenny naman ay pinipigilang tumawa dahil G na G si John.

"John?"-ako

"oh ?"

"Kilala mo si ate charo?"

"oh bakit tatakbo rin bang presidente?!"

"mamaya mage-email ako sa kanya"

"at bakit ?anong gagawin mo sakanya ?"pagkabukas pa lang ng pintuan ay lumabas na agad ako.

"Doon ko ikwekwento iyang sinasabi mo malay mo sumikat ka sikat na kaya MMK ngayon"-sabi ko habang patakbong lumabas.

"IKAW TALAGANG BABAITA KA !BUMALIK KA NGA DITO !"-sigaw ni John na mukhang natauhan na ngayon.

"bakit John ?ikaw manlilibre?"-sabi ko habang tumatawa sa kanya.

"HINDI ! UMALIS KA NA NGA !"

"hahahahaha laview mga bebe"sabi ko at hinalikan silang dalawa sa pisnge.

at mall~~~~~

Grabe ang gaganda ng mga tao dito tapos ang gwa-gwapo pa,hindi kasi ako pinanganak na ganyan kaya lagi akong naiinggit .Haysxz!

"may bitter na isa dyan"

"true palibhasa niloko ng boyfriend"

"yung totoo kaibigan ko ba kayo?"

"natamaan ka!?hala sige bayaran mo na yan !"sabi ni John na ngayon ay nakangisi at halatang nang-aasar.

Tsk.

"ma'am meron po ba kayongb7 and 50 cent diyan ?"-sabi sa akin ng cashier na lalaki.

"Ganyan talaga kayong mga lalaki ! binigay na nga namin sa inyo ang lahat manghihingi pa rin kayo !hindi kayo marunong makuntento"-pagda-drama ko ,mukhang na-gets niya naman ata

"Hindi naman porket nanghingi kami ay hindi na kami marunong makuntento minsan kailangan naming manghingi pa para masuklian kayo ng buo atsaka hindi naman lahat ng lalaki nagte-take advantage ang tatanga lang talaga ng ibang babae"

"hoy!hoy!hoy ! wag mong tinatanga kaibigan namin ha!"pagtatanggol ni Jenny sa akin.

"wala po akong sinabing pangalan natamaan po ata si ma'am"-sabi niya habang naka-ngiti na lalo kong kinaasar.

"tse paki dalian na nga lang "pagtataray naman ni John sa lalaki.

"so meron nga po ma'am ?"

"ng ano ba?"taena parang aso lang.

"barya po kahit 50 cents lang"

"wala"casual na sagot ko.

"pwede po ba yung 50 cents eh idonate mo na lang?"sabi niya ulit.

"naku!hindi ibigay mo ng buo iyan binigay ko sayo ng buo tapos babawasan mo pagbalik sa akin?paano pag lahat kami dito walang barya lahat hihingiin mo?kaya yumayaman ang mayayaman at humihirapang mahihirap eh !"-sabiko sa kanya with my oh so lakas na voice .

"ma'am kalma po nagtatanong lang naman po ako eh choice mo naman po iyon"

"so choice ko na ibigay mo sa akin ng buo"-taas kilay na tanong ko

"eto na po ma'am"- abot niya sa akin ng sukli aalis na sana ako ng ...

"ma'am kilala niyo po si ate charo?"

"oo bakit?"-balewalang sagot ko sakanya.

"Ikwento mo sa kanya iyang sinasabi mo baka sumikat ka"-at ngumisi pa aba't dejavu

"bwiset !!"lakad ko palayo,kinarma agad ako !

"ma'am ! sandali lang po !"-habol niya sa akin

"BAKIT NANAMAN !?"-lingon ko sakanya.

"resibo niyo po"

"aaargh ! akin na nga iyan !"-sabay hablot ko

"thank you po have a nice day!"-sabi niya habang naka-ngiti.

"nice day nice day ! sinira mo na !"-lakad ko palayo this time walang lingon lingon pa.

"hahahaha"tawa sa akin ng dalawang baliw sa tabi ko.

"yung pagka-bitter kasi iiwan sa school ha?"sabi ni Jenny at nakipag apir kay John.

"bwiset sa susunod hindi ko na kayo ililibre!"sigaw ko at sinimulan ng kainin ang binili namin.

Matapos ang ilang minuto

"oh baby girl ihahatid ka na namin at baka may makasalubong ka na naman at ma-keme ka nanaman"sabi ni John at tumawatawa pa.

"oo na"sabi ko at pinahaba ang nguso ko.

"babye thankyou sa pagpapagaan ng loob"sabi ko sa kanila matapos halikan yung pisnge nila.

Andito na kami sa tapat ng pinto

"ok bebegirl next time ulit mwamwa"sabi ni Jenny at umalis na silang dalawa.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon