FOUR

38 4 0
                                    

Kinabukasan habang nag-aabang ako ng jeep biglang umambon"tsss kung minamalas ka nga naman ngayong araw" thursday pa naman ayy wait Dejavu,naalala ko yung bonding namin ni Jenny noong nawalan ng pasok dahil sa bagyo.

FLASHBACK

Naglalakad ako papuntang sakayan habang hinahangin ang payong kong binili ng p50,kaurat naman si mayor! ang tagal i-suspend ang klase ang lakas ng ulan,sumakay agad ako sa jeep na nakita ko.wait !

"kuya pasaan po ito?" hindi kasi ito papuntang school e.

"sa sucat neng" pakshit naman na buhay to o mali pa ng nasakyan nagbayad ako at bumaba rin.

Ang malas talaga ng araw na ito maisulat nga sa journal,pagdating sa school basang-basa ako pati na yung sapatos tapos malalaman kong wala na pa lang pasok? nasabi ko na bang malas ako ngayong araw? pwes uulitin ko ulit aargh !!

Dapat talaga hindi ko na tinuloy e may prelim kasi kami ngayon kaya kailangan kong pumasok, pilot section ako at gaya ng laging sinasabi ng mga teacher "mga modelo kayo ng school,mahiya naman kayo kung pati pagpasok eh ikatatamaran niyo pa !" ito tuloy napapala namin.

Kaya ito kami ngayon naglalakad papuntang simbahan hihi hahanap ng boys charot hihingi muna ako ng tawad sa aking nagawang kasalanan kasama ko ko si Jenny.

"balita ko si Dylan na pala at si Liza ah?" bulong niya pagkatapos magdasal.

"paki ko ? hayaan mo sila kaya lang naman niligawan ni Dylan yun kasi famous si Liza at kaya lang sinagot ng babaeng yun si Dylan kasi gwapo" sagot ko.

"wow ! pa-bitter lang ang peg ? hindi mo kasi sinagot si Dylan noong niligawan ka e yan tuloy pinagpalit ka worst mas maganda pa sayo" kaibigan ko ba talaga ito ?

oo nanligaw nga sa akin si Dylan noong 3rd year ako katabi ko kasi yan e 1st quarter hanggang 3rd lagi kaming inaasar niyan pati teacher nga e.

"anong magagawa ko ? kaibigan ko siya syo-syotain ko ganun tapos pag nag-break ? strangers again ang peg namin ganun?" -meeeee

"teka nga teka nga ! ang dami mo naman atang sinasabi ang sabi ko lang naman e sila na don't tell me nahulog kana sakanya?"-Jenny sabay kinang ng mata niya tapos naka-ngiting pang asar.

"hoy hindi ! sinasabi ko lang naman na wala akong pinagsisihan sa pang friendzone sa kanya no ! see friends pa rin kami hanggang ngayon."nang-aasar talaga tong Jenny na ito e !

"suss if i know lagi kitang nakikita tuwing recess na nakatingin sa kamay nila tapos umaasim mukha mo kapag ang sweet nila sa pila"sagot niya sa akin .

"ako nagseselos ? ang lalandi kasi nila parang tanga lang mag-classmate na nga sila pinapakita pa sa lahat yung kalandian nila" yeah dahil nga sa pilot section na ako hindi ko na siya classmate 12 section kasi meron sa school at pilot section(section one) lang ang meron the rest halo-halo na.Top 1 kasi ako last year kaya ngayong fourthyear section 1 ako.

"wait wait wala naman akong sinasabing nagseselos ka ha ? ayiieeeh landi ! tumigil ka na diyan te masasaktan ka lang maghanap ka na lang sa mga classmate natin" shit !

"b-baliw ka talaga ! hanap ? e walo lang naman lalaki sa atin karamihan bakla kung hindi naman weird tskk "epal talaga to kahit kailan.

"ayaw mo kay John ? paibigi mo kasi yung baklang iyon"biro niya sa akin.

"gaga eh mas babae pa nga sa akin yun eh"

"hahaha hanapan kita gusto mo?"ayan nanaman siya .

"nakuu no thanks darating din siya ,ang aking one true love" maka-luma ba ?wala akong pake naniniwala ako diyan e sabi kasi ng teacher namin may naka-takda sa bawat tao maghintay lang kung wala e di magpari o madre ganun naman diba?

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon