Silip sa Nobela

125 2 0
                                    

AbnkkbsnplAKOniBOB ONG

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)." -BO

-----------

Ang libro ay tungkol sa mga kakatuwang karanasan ng buhay estudyante.Ikinuwento ni Robert na gusto ng kaniyang magulang na makatapos siya, na mayroon siyang mga istriktong guro, hindi nakakasundong kaklase, nakahihiyang mga karanasan at kuwento ng pakikipag-ibigan sa isang babae sa kaniyang paaralan.

---------

Wag mo isisi sa ibang tao ang estado mo sa buhay. Naging Mahirap ka kasi pinili mong maging mahirap.Kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho ng ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata pa ako. Parehas lang naman palang nakakapagod, at least pag nakapag aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.

-----------

May mga taong darating sa buhay natin para baguhin ka o darating para baguhin mo sila. Hindi mo alam kung bigay ba o pahiram lang, darating para mahalin ka o para saktan ka lang. Pero kahit sino pa man ang taong dumating sa ating buhay isa lang ang sigurado, mag iiwan sila ng isang leksyon, maganda man o hindi, isa lang ang dapat mong gawin, tanggapin mo ito ng buo sa puso, dahil iyon ang huhubog sayo sa kung ano ka sa mga darating na panahon.. pwedeng magdulot ito ng kapighatian o maging isang dahilan para lalo kang tumibay.. sa pagtakbo ng buhay wag na wag mong pagsisihan ang mga bagay na nagawa mo,tama man ito o mali..bagkus ang pagsisihan mo ang mga bagay na hindi mo ginawa para maitama ang mali.

-------------

Hindi mo ginusto 'to. Pero sa sarili ay may nangyayaring gulo. Walang nakakaalam, walang nakakarinig. Ayaw mong humingi ng tulong dahil alam mong wala ring makakatulong sa'yo. Isa ito sa mga mapaklang katotohanan sa buhay.

-------------

Nakakatuwang isipin yung mga kaibigan at kakilala mo nuon, eh binago na ng panahon. Yung kakilala ko nuon na pasaway at basag ulo, napaka mature at dakilang ama na ngayon. Yung bestfriend kong joker at may kahiligan, pastor na ngayon. Mas mainam na nuong bata ka pa, e naexperienced at natutunan mo na yung mga bagay na tama at mali, para kapag nasa tamang panahon, edad, at sitwasyon ka na, nagdedesisyon at gumagawa ka na ng nasa tama. Hindi yung kung kelan ka tumanda, dun mo pa ieexperienced at matututunan yung mali.Minsan yung mga bagay na nagpapaiyak sayo noon eh un pala yung mga bagay na ipagpapasalamat mo kasi un ung magpapabuti sa pagkatao mo ngayon.

-----------

"Nakabalik ako sa lugar pero di ko na naibalik ang panahon." - Bob Ong

Tulad nang nasirang pagiibigan. Maaari kang makabalik sa lugar kung saan nabuo ang inyong pagmamahalan, pero hindi na maibabalik pa ang dating nararamdaman.Kung di mo babaguhin yung maling katangian mo, paulit-ulit lang storya ng buhay mo. Hindi mo makakamit yung happy ending, lagi ka na lang may bago, lagi ka na lang magsisimula.

---------

Isa sa mga masasakit para sa isang nagmamahal, mapa-single man o mas lalo pa kung nasa relasyon. Yung nagmahal ka nang hindi niya nahigitan, hindi rin napantayan, hindi pa nasuklian.Naranasan mo na bang masaktan kahit na ayaw mo? Na pinipilit mong okay ka? Yung kahit may iba kang pinagkakabalahan at di mo naman na iniisip yung mga bagay na nakakasakit sayo e literal padin na ang sakit sakit sa dibdib nung dinadala mo? Tapos yung gusto mong matulog para kahit papano makapahinga puso at isip mo sa sakit e ang hirap padin?

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon