FIVE

48 4 0
                                    

  Natanaw ko na yung mga classmate ko sa malayo pero dahil sa maswerte ako may nakasabay ako habang naglalakad,naka-shades at black shirt siya and take note mabango,wait hindi ako malandi ha?slight lang hahaha ito lang kasi ang libangan ko sa kadahilanang wala na akong boyfriend.Ang init !

"Hi maica"andito na pala ako sa tambayan ng section namin malapit sa school.

"Hi bh3zxstie"sabi ko sabay lapit sa kanila bhestie ang tawagan namin sa room para kaming magka-kapatid o magka-kapamilya sama mo na rin ang magkakapuso jk.

Kami-kami kasi lagi ang magkakasama madalas kasi iniiwasan kami ng ibang section,ayun ang malungkot sa pagiging pilot section.Feeling kasi nila mayayabang kami nagbabago daw ugali namin kapag nasa pilot na,masyadong boring kasi puro pag-aaral inaatupag.Wala kasi silang alam hindi nila alam kung gaano kasaya ang may matutunan at the same time gumawa ng kalokohan haha psssh.

Puro babae kami diba ? ayun maingay sa room may nagkakantahan,sayawan may nagpapatugtog,may malalandi rin.Parang normal class lang ang pinagkaiba nga lang kapag lesson dapat seryoso kami.

"magandang umaga rin po Bb.santos"-first subject na.

"ok bla bla bla"tinatanong ni ma'am yung officer sa bawat org.dahil sa wala ako niyan hindi ako nakikinig.

"class sino dito ang gustong mag-asawa?"simula na ng lesson

"grabe lahat kayo mag-aasawa ?at bakit naman ?naku kung ang bababaw ng dahilan niyo pag kokotongan ko kayo"

inisa-isa kami ni ma'am "gustong magkaroon ng pamilya,gustong maranasan maging ina,gustong magka-anak,para may makasama sa pagtanda,para may kasama sa hirap at ginhawa,para makumpleto ang buhay,gustong magkaroon ng masayang pamilya katulad ng magulang"ilan lang yan sa mga sagot namin pero dahil sa teenager kami.

"gusto makarating sa langit"sabi ng isa kong classmate sabay nagtawanan ang lahat.Ganito kasaya araw-araw kahit marami kayong gagawin,iba-iba bawat subject pero hindi ka mapapagod kasi nage-enjoy ka.

"hahaha loko talaga kayo! Anong masasabi niyo sa mga babaeng nagta-trabaho sa gabi para sa pag-aaral nila?to the point na pati katawan binibenta nila?"tanong ni ma'am maraming tumaas,ganito sa amin lahat nakikinig noong first day ko dito sa section ang hirap mag-adjust kasi pagkatapos magtanong ng teacher namin,sila magtataas na ng kamay samantalang ako nagsi-sink in pa lang sa utak yung tanong pero ngayon ok na.

"Bayani ma'am,imagine na kahit butas ng karayom pinapasok nila para lang makapag-aral"sabi ng classmate kong lalaki.

"No!Hindi pagbebenta ng katawan ang paraan para makapag-aral,ang daming pwedeng pasukan bakit kailangan mo pang babuyin ang sarili mo?"laban naman ng classmate kong babae.

"Tama siya!ang sakit lang isipin na kapag tinanong ka kung anong ginawa mo para makapag-tapos ng pag-aaral ay dahil sa pagiging prostitute"

"Atsaka paano kung may boyfriend ka tapos hindi niya alam ang trabaho mo,sa tingin mo ba magiging masaya ka?siya?kayo?"ok may point siya dun.

"Niloloko mo lang siya kung ganun,niloloko mo lang ang sarili mo"katwiran naman ng isa.

"Hugot na hugot mga estudyante ko ah,kapag ba malabo na ang relasyon niyong dalawa;tama ba na paghihiwalay ang gawing paraan ?"ang daming tanong ni ma'am.

"opo kasi ikaw lang din ang mahihirapan kung hindi mo kayang sulsyonan"

"sa madaling salita,bago magdesisyon ng mga gagawin sa buhay dapat pag-isipan.Hindi lang isa o dalawa,kundi maraming beses kasi sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi diba?kaya para hindi magsisi pag-isipang mabuti"sabi ni ma'am.

"May tanong pa ako nararapat ko ba silang sabihin ng malandi,babaing bayaran,GRO o isang puta?"

"ma'am dipende po iyon sa sasabihan niyo kung hindi talaga siya ganun bakit niyo sasabihin"

"ang ibig kong sabihin ang pagsasalita ko ng ganun"habol ni ma'am.

"dapat po kayong dalawa lang"

"hindi niyo ako naiintindihan,halimbawa kung malandi siya pwede ko ba yun sabihin?"

Dahil sa hindi namin siya naiintindihan um-oo nalang kami.

"ganito kasi iyon kapag sinabihan ko ba kayo ng malandi,negative ba iyon?"-maam.

"opo"-lahat kami

"Mali kayo,dalawa yan;negative at positive kung sinabihan kayo ng nanay mo ng punyeta kang bata ka at ngumiti ka tinake mo iyon as positive pero kung nalungkot ka tinake mo iyon ng negative nasa listener at sender iyon depende sa pag tanggap mo o sa pagsasalit"napanga-nga kami sa sinabi ni ma'am.

"Pero kung ngumiti kayo kapag pinagalitan kayo ng nanay niyo aba problema niyo na iyo"pahabol ni ma'am napuno nanaman ng tawanan ang classroom.

"Last na tanong na sa binasa niyong akdang Kesa at Morito ano ang gustong ipabatid ng author sa mambabasa?"tanong ni ma'am habang nag-aayos ng gamit.

"Kapag nagmahal ka nagiging makasarili ka"

"Kapag nagmamahal ka nagiging bulag ka,akala mo tama ang ginagawa mo pero sa mata ng lahat mali"

"Kapag nagmamahal ka nagiging matapang ka yun bang handa mong gawin ang lahat kahit makapatay para lang sa kanya"

"Kapag nagmamahal ka handa mong baguhin ang sarili mo para lang sakanya"

"Kapag nagmamahal ka nagiging masiyahin ka.Positive lagi ang isip mo"

"Inspired ka"

Tinaas ko ang kamay ko at tinawag din ako"kapag nagmahal ka mahalin mo rin ang sarili mo"naisagot ko,pwede ko rin bang sabihing base on my experience?haha.

"Tama lahat ng sinabi niyo,basta tandaan,lalo na kayong mga girls mahihina tayong mga babae maraming pwedeng mawala lalo na ang dangal natin kaya ingatan niyo ito atsaka one more thing wag kayong magmadali mahanap siya darating din yun may plano si God para sa atin it's either pag-aasawa o o pagpapari o pagma-madre ,that's all good bye class"

"good bye ma'am"

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon