TEN

19 2 0
                                    

Mga magkakaibigang nagbabatukan.

Mga mag-syotang naglalambingan.

Mga tumatakbo papasok sa paaralan.

Mga nangongopya ng assignment sa kanilang kaibigan.

Lahat yan nakikita ko ngayon mula sa aking upuan.

Dalawang araw mula ngayon gaganapin na yung JS sa aming paaralan,.kaya yung mga kaklase ko natataranta na kung sino yung ka-partner nila sa entrance..Ako?hindi ko alam,mahirap talagang maging masaya kapag may mabigat kang problema,

Yun bang kaya mo namang maging masaya kaso nga lang ikaw rin ang mahihirapan.

Hindi naman ako kinakabahan sa magiging ka-partner ko, kinakabahan ako kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Lumabas na kasi yung resulta ng unang eskwelahang ininquire-ran ko at ang problema ko? wala dun sa listahan yung pangalan ko.

Paulit-ulit kong tiningnan yung apelyido ko dun. Paulit-ulit na muntik ko nang ikaduling pero sa huli bigo pa rin ako.

Masakit pala no? yung ma-reject ka sa unang pagkakataon. Ang taas kasi ng expectation ko,na akala ko maipapasa ko yung entrance exam akala ko lang pala. Masakit din sa konsensya ko kasi tiwala naman sa akin yung magulang ko na maipapasa ko yun. Sa bandang huli? Nabigo ko sila. Nabigo ko nanaman sila.

Gusto kong magalit sa sarili ko.Gusto kong ipagsigawan na ang bobo bobo ko! Kaso may makikinig ba? may makaka-intindi pa? Kilala ako bilang masayahing tao kaya kung ganun ang gagawin ko? Walang tutulong sa akin.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na may magandang plano para sa akin ang diyos, kaso kasi kahit anong pilit ko masakit pa rin eh mas masakit to kaysa noong niloko ako ni Noel. Para kasi to sa kinabukasan ko.

Ang sabi sa akin ng mga kaibigan ko madami pa namang university eh, oo nga sa sobrang dami parang ayaw ko ng mag-aral! First school kasi to tapos hindi ako nakapasa? paano pa kaya yung ibang school na papasukan ko? paano kapag hindi rin ako nakapasa?

"Umiiyak ka nanaman" hindi ko namalayan na tumulo nanaman yung luha ko, tumabi sa akin si John at binigay yung panyo niya.Tinitigan ko lang yun at tumingin ulit sa malayo.

"Aishhh para ka talagang bata Maica" naaasar na siguro siya sa akin, nakapasa kasi siya sa pinagexam-an niya. Pinunasan niya yung mga luha ko at bumuntong hininga.

"Alam mo kung tutunganga ka na lang diyan at iisipin yung hindi mo pagpasa, aba ! Hindi ka talaga makakapag-aral niyan" napatingin ako sa kanya at parang may kung anong kirot sa puso ko, hindi mo pagpasa.

"Maica masakit naman talaga ma-reject eh hays! Paano ko ba sasabihin to. Kasi ganito yan hindi naman lahat ng matagumpay ngayon ay natanggap ng unang eskwelahan na pinasukan nila--ang ibig kong sabihin lahat naman tayo dumadaan sa rejection, una-unahan lang yan" nakatulala lang ako sa kanya at nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.

"A-ano ba! Wag ka ngang umiyak! nakaka-bakla naman oh what I mean is para kang uhuging bata diyan" natataranta siya sa pagpunas ng luha ko.

"John kasi masakit eh" sabi ko sakanya habang nasinghot singhot.

"Eh sino ba kasing tanga ang ang pipiliing course ay engineering kung ang gusto naman ay business administration?" Sabi niya sa akin.

"Wala akong choice, ayun lang yung pagpipilian don" tumingin na ako sakanya at umo-okay na yung pakiramdam ko.

"Exactly! Wala doon yung gusto mo kaya hindi ka nakapasa kasi sabi ni God, may eskwelahan na para sayo" pangungumbinsi niya sa akin at sabay abot ng chocolate cake na slice.

"Bakit feeling ko bakla naiin-love na ako sayo? ang gwapo mo pala kapag ganito yung usapan hihi" sabi ko ng nakangiti habang inaabot yung binigay niya sa akin ang cake ko.

"B-bakit feeling ko sumisipsip ka sakin dahil binigyan kita ng cake na gusto mo?" Namumula niyang sambit sa akin.

Ngiting-ngiti akong lumapit sa kanya

"Alam mo John sa lahat ng kaibigan ko ikaw ang the best,salamat ha? pinagaan mo ang loob ko"sabi ko sakanya habang palapit pa rin ako.

"S-syempre mahalaga ka sa akin kasi magka-ibi-bigan tayo diba?"nauutal niyang sabi sa akin.

Niyakap ko siya at bumulong

"Sana ikaw ang ka-partner ko sa entrance sa JS bilang pasasalamat"

"Sana nga"hindi ko narinig ang sinabi niya kaya humiwalay ako sa pagkakayakap, pero hinalikan ko muna siya sa cheeks.

"Yan thank you gift ko yan sayo" bigla siyang namula at umiwas ng tingin pero nakita ko na pilit niyang pinipigilan ang pag-ngiti.

Kaya nung ngumiti siya may kung anong naramdaman ako sa puso ko, hindi na kirot kundi ang pagbilis ng tibok nito.

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon