Chapter 6.2- For Me He Is......

99 6 1
                                    

eto na... eto na talaga ang pinaka last na Chapter 6. Meju tinatamad kase ako noon eh. Pero don't worry my dear readers (oh say? dear readers talaga hahaha) magsisipag na ako para sa inyo. hehehe. heto na hindi ko na papatagalin pa.

VOTE

AND

COMMENT

po kayo ha?? wag po kayong mahihiya... hehehe

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*JAMAICA'S POV*

Makikipaglaban na sana siya pero pinilit kong wag na lang sana. hehe

Eh sa takot po ako noh? eh sa pagkarami rami ba naman nila. At isang payatot lang na ito ang kakalaban?! Aba!! kahit sino naman matatakot noh. Kaya huwag niyo akong sisihin.

Pero instead na sinunod niya ako, inutos niya lang na dun lang daw ako sa likod niya. Sinunod ko na lang siya. Mayabang eh. hehehe.

At ayan na!! Papalapit na ang mga kalaban.......

"Pare, amin yan eh. Kami ang nauna. Kaya huwag mo kaming paki alaman.." sabi ng panget!!

eeew!!! in your dream boy!!! masusuka lang ako sayo dre!!!

"Panu pare kung ayaw ko?? May magagawa kayo?? Iba na lang ang pagtripan niyo wag lang siya, mga gago" sagot ni Jenriel.

Wow naman!! Hindi ko inakala na ganyan ang sagot niya ah... antapang tapang parang kayang kaya nea talaga ang mga panget na mga ito eh no.. hehehe. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya no pero alam niyo kase yun, andami nila eh. Tapos mag isa lang siya?!!

"Nanghahamon ka ba ng gulo dito, pare? Dahil d kami aatras kung ganun ang gusto mo" sabi naman ng isa

"Ibigay mo na lang sa amin yang babaing yan at d ka na namin sasaktan. Pababayaan ka naming tumakbo na lang at tumakas" sabi ng isa na namang panget!!

Naku!! alam kong hindi mo sila kaya Jenriel, pero please lang, please lang huwag mo akong iiwan dito, please!! Nakakatakot talaga sila eh!! Kahit na binibigyan ka na nila ng kalayahan, please be with me. huwag mo naman akong iwan oh. ay naku!! Kung masasabi ko lang sana toh sa kanya pero d ko kayang gumalaw eh. Natakot ako sa alok nila sa kanya eh. Panu na lang kung iiwan niya talaga ako? Naku!! Patay ako kung ganun..

Selfish na kung selfish pero ayaw ko talagang maiwan sa mga panget na mga ito eh, sobrang nakakatakot kaya ang kapangitan nila!

"Hindi pare. Patutumbahin niyo muna ako bago niyo siya makuha. Hindi ko kayo hahayaang bastusin siya!! Naiintindihan niyo??!!!!" halos pasigaw niyang sagot.

Ay! Salamat naman at hindi niya ako iiwan dito. Biglang nawala ang takot ko dahil sa sagot niya. hahaha. At least kung mamamatay ako ngayon may kasama naman ako noh. hehe. Ang sama ko noh? Eh sa di pa rin talaga ako naniniwalang kaya niya ang mga panget na to eh.

"Kung ganun pare. Wala na kaming magagawa. Ikaw na mismo ang pumili niyan, sige na tapusin niyo na siya" sabi naman ng leader ata nila

grrrrrrrrrr!!! Kinilabutan ako dun sa sinabi nila ah!!! Lord pls help us!!! Magsimula na siguro akong manalangin para sa amin nitong Jenriel na toh!!

Tiningnan ko siya at naka fighting position siya

.

.

.

.

.

.

.

*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGSH!!!*

.

.

I love my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon