Chapter 13- transferee

69 2 0
                                    

sorry ngayon lang ulit naka update busy eh.. :) don't worry i'll try make this one long.. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Jamaica's POV*

"Anak, gising na" rinig kong sabi ni mama habang hinahaplos niya ang aking buhok.

"Ma? Wala pong klase ngayon ah. Bakit po ba? Mayroon po ba tayong pupuntahan?" tanong ko habang bumabangon at kinukusot ang mga mata.

"Oo anak. Social gathering naming magbabatchmate ngayon anak. At syempre, isasama namin ang mga anak namin. Puro businessmen at businesswomen ang pupunta dun. Mga graduates lang ng business management. tsaka may kakausapin ata ang papa mo para tulongan tayo. At tska may hahanapin din ako dun eh. Tumayo ka na at kakain na tayo. Mamayang gabi na ang social gathering anak kaya tumingin ka na ng damit okay?"

"Ah. Ganun po ba. Sige po. Mauna na kayo. Liligpit ko lang po dito"

"Sige anak. Dalian mo at naghihintay na daddy mo dun"

"Sige po, ma" sabi ko at tumayo na ako para iligpit ang pinagtulogan ko.

Pagbaba ko nakahanda na ang lamesa at naka upo na si daddy dun si mama naman ay hinahanda ang mga pinggan. Umopo na rin ako ako at nag good morning sa mom at dad ko. 

"Anak, may pupuntahan tayo mamayang gabi, okay?" sabi ni papa

"Alam ko na po yun, daddy. Sinabi na ni mommy" sagot ko.

"Buti naman. Ipapakilala ka namin sa bestfriend namin ng mama mo." sabi ni papa at nginitian si mama

"Pupunta kaya sila, hon?"

"Siguro naman, hon" sagot ni papa at ngumiti.

Teka may bestfriend sina mama at papa. Hindi pa nila ito naikwekwento ah..

"ahmm. mom, dad, may bestfriend kayo? di niyo po naikukwento sa akin ah"

"Ah. Oo anak. Sila ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ng dad mo. May bestfriend kasi akong babae nun at may kasintahan siya nun at yung kasintahan naman ng bestfriend ko ay bestfriend ng dad mo. Isang araw niyaya ako ng bestfriend ko si Mariel. Mariel ang pangalan ng bestfriend ko at d niya sinasabi na kasama niya pala si Jenerick yung kasintahan niya. Para di naman daw ako OP, may sinama rin si Jenerick at yun nga ang dad mo. At dahil nga sa ayaw naman naming sirain ang moment nilang dalawa nagkanya kanya na kami. Kaya dalawa na lang kami ng dad mo nag ikot-ikot sa mall tapos nagkakilala kami. Simula nun lagi na kaming magkakasamang apat at nagkalapitan naman kami ng dad mo. Hanggang sa naging kami" paliwanag ng mom ko. Pero parang pamilyar ang Jenerick at Mariel. Di ko lang alam kung saan ko narinig yun..Bahala na nga..

"Ah. Ganun po pala kayo nagkakilala. Hehehe. Pero kung bestfriend niyo po sila bakit di na kayo nagkikita?" tanong ko

"Kasi pagkagraduate namin. After a month, nagpakasal sila tapos pumunta sila sa US. Mula noon, wala na kaming komunikasyon." sabi naman ni papa

"Pero, baka pupunta sila ngayong gabi sa socialization at ipakikilala ka namin." sabi namin ni mama

"Ma, sila po ba ang tutulong sa atin?" tanong ko.

"Hindi anak. Iba ang tutulong sa atin. Kabarkada  ko rin nung college ako." sagot ni papa

Wow! Andami kong nalaman ngayon ah. Ganun pala ang love story ng parent ko. Pero parang pamilyar talaga ang Jenerick at Mariel eh. Ah! Oo nga pala nandito ako ngayon sa kwarto, nag iisip ng isusuot ko mamaya. Pero bigla lang kasing napasok sa isiipan ko ang love story ng parents ko..

I love my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon