Chapter 9- Crying On His Shoulders

79 3 2
                                    

Please VOTE!!!!

and Comment!!! 

:)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*JENRIEL'S POV*

Usual day, Boring na naman. Tsk!! Mga babaeng mga toh, mga tsismosa, kung ano ano ang mga pinag uusapan pero okay na rin yun at least hindi ako palagi ang pinag uusapan eh. Haaay!! Sino naman kayang bankrupt. Ricardos daw?? Ay! Ewan. Wala akong pake.

Pumasok na ako sa classroom. At sumobsob sa lamesa ko. Tsk!! Boring eh antagal ng teacher namin. Habang nanahimik ako sa pagsubsob. May kumalabit sa akin...

Tiningnan ko kung sino. Si Jake lang naman pala.

"ano?" tanong ko

"hoy? wala kang paki alam sa chismis?" tanong niya

"ano bang pake ko dun? Naku!! Kailan ka pa naging chismoso ha, Jake?" tanong ko

"hindi ko naman sinasadyang makinig. Pero seryoso pare, d mo tutulongan yun?" Jake

"sinong yun ba ang tinutukoy mo, gago?"

"yung si Ms. Ricardos. Kawawa eh"

Ricardos? uhmmm. Parang narinig ko na yan noon. di ko lang maalala. Saan ko ba yun narinig? teka, teka, Ms. Ricardos ba sabi ng mokong na ito?

Ay, nga pala si Jake yung isa sa mga barkada ko. Siya ang pinakaclose ko sa lahat na barkada ko.

"Ricardos? parang narinig ko na yan dati ah. Saan nga ba? At saka Ms. ba kamo? Ay! Talagang wala akong pake. Babae lang naman pala eh. It's none of my business boy"

"gago ka!! ikinuwento mo nga sa akin yun eh. Si Ricardos yung sumagot sa questions na binigay ng teacher natin. Nakalimutan mo na agad siya gago? Isa siya sa mga top student. at saka.... at saka yung maganda"

Ai!! Oo. Tama!! Siya nga ang aso ko na naging kaibigan ko noh? At ano daw? Siya ang pinagchichismisan? Naku!!! Lagot na yung kawawang asong kaibigan ko. Alam kong mahirap ang mapagchismisan. Kawawa naman. Mapuntahan nga. Ano na kaya ang pakiramdam niya..

"oo. Alam ko na pare. Mauna na muna ako, ha?"

At tumakbo na ako at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Ang ka isa-isang kaibigan kong babae. Naku! Siguradong masama ang pakiramdam niya ngayon.

Pumunta nko sa room nila at sumilip sa room nila. wala siya? Nasaan kaya yun? Hindi kaya siya pumasok? Pero impossible eh, masipag mag aral yun. Makapagtanong nga.....

"hoy, nasaan yung si Ricardos? Absent ba siya?" tanong ko sa isa sa mga kaklase niya na nakatambay

"ha? a-anu eh. Umiiyak na tumakbo kanina palabas ng room kanina. Hindi ko alam kong saan siya pumunta" sagot ng lalaki

"ah. ganun ba" yun lang at umalis na ako. Saan kaya pumunta yun? uhmmm.

ISIP!

ISIP!

.

.

.

.

Ah!! Baka andun siya sa place kung saan siya muntik na nabastos nun. Walang katao tao dun eh. Baka gusto niyang mapag isa at naisipan niyang pumunta doon.

Pumunta ako doon at nagbabakasakaling nandun siya.

.

.

.

.

.

.

I love my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon