Isabella's POV
"Isabella Olivia ano hindi ka pa gagalaw diyan?" Boses ng bestfriend ko na kasalukuyang nakatayo sa labas ng kwarto. "Nagpaalam na ako sa kuya mo, pumayag naman ito kaya wag ka nang mag-inarte diyan. Tara na bilis, malalate na tayo sa bridal shower ni Kara."
"Ito na, tatayo na." Pagdating talaga kay Emma, wala akong magawa. Hindi ko kasi siya matiis.
She's my besfriend, tinuring ko na itong kapatid dahil magkababata kami.
"Ako na ang magdrive ha." Tumango ako at sumunod sa kanya. Ayoko sanang pumunta sa bridal shower ni Kara kasi wala ako sa mood, pero konting lambing lang ni Emma napapayag na naman ako.
Nakasakay ako sa harapan habang ito nagkwekwento nang tungkol sa mga magulang niya.
Nakakainggit kasi buo ang pamilya niya, kilala ko naman ang mga magulang niya. Tita at tito nga ang tawag ko, malapit din kasi sila saming magkapatid.
Kung buhay lang ang parents ko, siguro mas masaya ang buhay ko ngayon, may nag-aasikaso sana samin ni Kuya Jake, kaya lang maaga silang nawala dahil sa car accident.
Wala naman akong sinisisi sa nangyari kasi aksidente yun, hanggang duon nalang talaga ang buhay nila.
Kinailangan naming suungin ang hamon ng buhay, mabuti na't may mga tumulong saming kaibigan ni Daddy, pinamanahan kami ng malaking pera, tinuruan si Kuya Jake na mamahala sa kumpanyang naiwan nila. Sa awa ng diyos, sa edad niyang 29 years old maayos ang kumpanya at ang buhay namin.
"Ang lalim ng iniisip mo, hindi mo alam na nakarating na tayo. Uminom tayo ha."
Ngumiti ako dito. Mukhang may problema na naman sila ng jowa niya kaya siya nagkakaganyan. Long distance sila ng boyfriend niya kaya lagi silang nag-aaway, pero alam ko may boyfriend din siya dito sa pinas, hindi ko lang kilala at nakikita, parang fling lang ganun.
"Hi, mabuti at nakarating kayo. Nandiyan na ang mga macho dancer." Salubong ng isa rin naming kaibigan.
"Tara na, excited na ako." Sabi naman ni Emma kaya sumunod nalang ako sa kanya, wala talaga ako sa mood ngayon.
Nagsimula nang sumayaw ang mga macho dancer kaya napapatakip nalang ako sa mata. Uminom din ako ng alak para makalimot kahit sandali. "Tequila baby." Sabi niya at tumawa ng malakas. Niyaya siyang sumayaw ng isang macho dancer, dahil nga malakas ang loob niya at wala itong inuurungan sumama siya at nakipagsayaw.
Biglang tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext dito.
'Paulit ulit nalang tayo, hindi mo ba naiintindihan na busy ako this past few days. Nakakapagod nang magexplain sayo. Bahala ka!" Si Gabriel ang nagtext, boyfriend ko ito for 6 years at kababata narin. Actually, fiancee ko na pala kasi nagproposed siya last year.
Si Gabriel ang first ko sa lahat ng bagay. Mahal ko ito at nararamdaman ko na mahal niya rin ako.
Nagsimula yung pagmamahalan namin dahil kay Emma, lagi kami nitong tinutukso na bagay daw kami at kung ano ano pa. Tapos umalis si Emma ng bansa for almost 3 years, para makita ang Lolo niyang nag-aagaw buhay. Sobrang sakit para sakin na iniwan niya ako, hindi kasi ito nagpaalam ng maayos basta nalang siyang hindi sumipot sa tagpuan naming tatlo, eh ako ang laging late sa kanila. Si Gabriel at Emma ang nauuna palagi duon.
Nangulila ako sa kanya, feeling ko nawalan ako ng kapatid sa pag-alis niya. Mabuti nalang at nandiyan si Gabriel. Niligawan niya ako, siya ang lagi kong kasama kapag umiiyak ako at masaya. Hindi niya ako iniwan at nagpursige na makuha ako, kaya sinagot ko siya at hindi ako nagsisisi dun, mahal ko siya at lagi niya rin sinasabi sakin na mahal niya ako.
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers
RomanceTORN BETWEEN TWO LOVERS Tumawag pa ako sa kanya para magtanong kung nasaan siya, kaagad niya namang sinagot ang phone niya. "Hello Isabella." Bungad niya "Hi, nasaan ka? Gusto sana kitang puntahan." Humikab ito. "Nasa bahay, matutulog na. Pwede buk...