Isabella's POV
Dinama ko ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Tatlong araw na akong naninirahan dito sa farm ng mga magulang ko.
Hindi ko maiwasang malungkot, naninibago ako lugar. Wala kasing ingay, walang tunog ng sasakyan at walang polusyon ng hangin. Ang maririnig mo lang ay huni ng mga ibon sa puno, mga alagang hayop ng tauhan dito sa bahay.
Napatingin ako sa likuran ko nang makarinig ng boses. "Maglilinis lang ako sandali." Sabi ng matandang babae.
Lumapit ako sa kanya. "Magandang araw po. Ako po Isabella Olivia ang anak ng may-ari nito." Naglahad ako ng kamay.
Gusto kong makipagkaibigan, hindi naman siguro masama yun diba. "Ako si Lita. Ikaw ang kapatid ni Jake?"
"Opo. Kuya ko siya." Bigla akong naluha na hindi ko alam kung bakit. "Sorry po."
"Naku hija, bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong nito. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ng merienda?"
Napatawa ako. "Hindi po. May naalala lang ako, namimiss ko narin kasi yung mga magulang ko. Siguro po kaedad mo sila kung nabubuhay pa sila."
Pinunasan nito ang luha ko. "Wag ka ng umiyak. Sigurado naman ako na masaya sila kung nasaan man sila ngayon. Para ka rin palang si Jake, parehas kayong iyakin."
"Umiiyak din po siya sainyo?" Nagtatakang tanong ko. Never kasi itong umiyak sa harapan ko, ang lagi lang nitong pinapakita ay ang matapang niyang paguugali.
"Oo naman, tao din naman siya. Nasasaktan, nalulungkot at nangungulila." Sagot niya.
Naalala ko tuloy na kapag umiiyak ako palaging nandiyan si Kuya Jake sa tabi ko. Samantalang kapag umiiyak siya, nasaan ako, kasama sila Emma nagsasaya, nagsasabi ng mga sama ng loob ko dahil para sakin hindi siya naging mabuting kapatid.
"Nagkwekwento rin siya tungkol sayo kaya kilala ka naming mag-asawa." Sila ang caretaker ng bahay na ito, nakatira sila sa likod ng bahay.
Mag-asawa sila, siya si Nanay Lita, tapos yung asawa niya naman si Tatay Cordo, yun yung nag-akyat ng gamit sa kwarto ko. Nakausap ko na si Tatay nung unang dating ko, mabait naman ito at kwela.
"Nung isang araw ka pa dumating diba? Hindi lang kita makausap ng maayos kasi lagi kang seryoso."
"Sorry po. Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari, nandito parin yung sakit sa puso ko."
"Sige magkwento ka, pakikinggan kita. Para naman mawala kahit papaano ang sakit na dinadala mo."
Hindi ko alam pero napanatag kaagad ang loob ko sa matanda, siguro dahil alam kong maiintindihan niya ako. Bawat detalye ng nangyaring panloloko nila sakin ikwenento ko at tama nga ako dahil naintindihan niya ako.
Nung niyakap ko siya, naramdaman kong may kakampi ulit ako, na hindi ako nagiisa sa mundo, na may mga taong handang makinig sa problema ko.
Narealize ko sa mga oras na ito na hindi lang pala umiikot sa dalawang tao ang mundo ko.
----------
Kinabukasan, napaaga ang gising ko. Naghilamos lang ako at bumaba na sa sala para hanapin si Nanay Lita ngunit wala ito, may nakahain lang na almusal sa lamesa. Malinis narin ang buong bahay, mukhang naglinis na siya.
Sumubo lang ako ng konting kanin para magkalaman lang ang tiyan ko pagkatapos naisipan ko itong puntahan sa likod ng bahay, nakita ko silang mag-asawa na nangunguha ng mangga sa puno.
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers
RomanceTORN BETWEEN TWO LOVERS Tumawag pa ako sa kanya para magtanong kung nasaan siya, kaagad niya namang sinagot ang phone niya. "Hello Isabella." Bungad niya "Hi, nasaan ka? Gusto sana kitang puntahan." Humikab ito. "Nasa bahay, matutulog na. Pwede buk...