Chapter 5

528 10 0
                                    

Isabella's POV

Humikab ako at sinara ang librong binabasa ko. Tungkol ito sa pagbubuntis ng babae.

Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon, magbasa ng libro. Atleast may background na ako kung paano manganak, kung ano ang gagawin kapag maglalabor na ako.

"Gusto mong mangga hija?" Tanong ni Nanay Lita.

"Sige po Nay." Dahan dahan akong tumayo. Feeling ko ang pangit pangit ko na, ang taba taba na ng mukha ko.

Buwan na ang lumipas, kabuwanan ko narin. Masaya naman ako, ngayon ko lang naramdaman na worth it ako, na kahit anong itsura ko walang tao ang manghuhusga sakin.

"Ito na ang mangga mo." Binigay niya ang naka-slice na mangga, sympre hindi mawawala ang favorite kong suka. "Sigurado ka bang hindi ka sasama mamaya. May parade sa plaza, matutuwa ka duon."

"Hindi na po, magpapahinga nalang ako kasi check up ko bukas ng umaga."

"Sige kung yan ang desisyon mo, bibilisan nalang namin." Tumango ako at nilantakan ang manggang bigay nito. Sobrang sarap, halos napapapikit na ako sa kaasiman.

Pagkatapos kong kumain, nanuod ako ng tv sa sala. Nakataas ang paa ko at naglilipat ng channel nang malipat ito sa balita.

'Mag-asawang Saavedra tuluyan nang magpapaalam sa kumpanyang itinaguyod nila. Ililipat na ito sa pangangalaga ng kanyang mga anak na sina---' Nilipat ko kaagad ang tv. Ayokong marinig ang pangalan niya, ayokong makarinig ng kahit na ano tungkol sa pamilya niya.

Hinawakan ko ang tiyan ko. "Tayo nalang ang magkakampi baby. Mahal na mahal kita."

"Anak, aalis na kami para maaga kaming makabalik. Magingat ka ha, wag tumakbo."

"Opo, aakyat narin muna ako sa taas. Inaantok ako." Sabi ko sa matanda.

Naglakad ako paakyat sa kwarto, wala na akong ibang ginawa kung hindi humiga. Alam mo naman na matakaw sa tulog ang buntis kasi nagdedevelop pa ang baby sa tiyan ko.

----------

Hinihingal akong napabangon, pawis na pawis narin ako. Hinawakan ko ang tiyan ko kasi humihilab ito, parang lalabas na si baby.

Nakaramdam ako ng takot, kaagad kong kinuha ang phone ko. I'm calling my brother, wala kasing dala sila nanay na phone.

Nakadalawang tawag ata ako ngunit hindi ito sumasagot. "God help me please." Bulong ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, dahan dahan akong bumaba ng hagdan kahit sobrang sakit na ng tiyan ko.

'Calm down Isabella. Kaya mo ito.' Pagkukumbinsi ko sa sarili.

Kailangan ko ng gunting, towel at mainit na tubig. Kinuha ko ang mga kailangan ko maliban nalang sa mainit na tubig, hindi ko na talaga kaya, sobrang sakit na.

Nilatag ko sa sahig ang tuwalya at umupo ako duon. Binuka ko ang binti ko, bahala na. "Ahhh."

"1, 2, 3 push Isabella." Umiiyak na sabi ko.  "Ang sakit! Please help me."

Hindi na gumagana ang utak ko basta gusto ko nalang ito mailabas. "Aahhh."

Mga isat kalahating oras ang lumipas, namimilipit parin ako sa sobrang sakit. Hindi biro ang panganganak lalo na't ikaw lang mag-isa. "Aahhh." Isang ere pa nang lumabas na ang anak ko. "Baby." Hinihingal na sabi ko, may ginupit ako sa bandang pusod nito, mabuti nalang talaga nagbasa ako ng libro about pregnancy kung hindi baka mamatay nalang ako sa sobrang sakit.

Torn Between Two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon