Chapter 11

807 21 9
                                    

Isabella's POV

"Ma'am Isabella." Napatingin ako kay Thor.

"Pakibantayan si Gabby. Maguusap lang kami ni Mr. Saavedra." Wala sa sarili kong sabi.

Nauna akong pumasok sa opisina ko pagkatapos ay sumunod siya. "Bakit mo tinago?" Naguguluhang tanong niya. Bakit mo tinago ang anak ko?"

"Hindi ko siya tinago. Hindi ko alam na buntis ako noong umalis ako. Anong tingin mo babalik ako at sasabihin sayo pagkatapos ng lahat ng ginawa niyo sakin?"

"Alam ko nagkamali ako at alam ng Diyos kung paano ko pinagsisihan yun."

"So, kasalanan ko pa? Ano bang iniexpect mong gawin ko nung araw na yun? Bigyan ka ng chance?"

"Enough with that. Wala ka paring karapatan na itago sakin ang anak ko." Nagulat ako ng sakalin niya ako at sinandal sa pinto. "Sana hindi mo siya dinamay sa galit mo. Hindi niya deserve mawalan ng ama Isabella." Tumulo ang luha ko.

"Alam ko Gabriel, pero ikaw deserving ka ba maging ama? Ayoko lang masaktan ang anak ko nang dahil sayo." Niluwagan niya ang pagkakasakal sakin.

"Ilalayo ko siya sayo. Siguro naman sapat na ang apat na taong nakasama mo siya."

"Ang kapal ng mukha mo. Ipapademanda kitang hay*p ka!" Sinampal ko ito ng ubod ng lakas. "Wala kang karapatan sa anak ko. Ikaw ang may kasalanan ng lahat."

"Magpademanda ka! Tingin mo ba mananalo ka sa korte kapag sinabi kong nilayo mo ang anak ko ng apat na taon dahil lang sa galit ka."

Bigla akong napaisip. Tama siya, possibleng ako ang matalo kapag nagdemandahan kami. "Ang galing mo rin noh! Ang lakas ng loob mong hamunin ako, para sabihin ko sayo wala pa yang sakit na nararamdaman mo sa sakit na naidulot niyo sakin noon."

Tumitig ito sa mukha ko. "May karapatan ako sa anak ko. Ipaglalaban ko rin siya katulad ng pinaglalaban mo." Umiling ako. Ang kapal talaga ng pagmumukha. "Ipakilala mo ako sa kanya bukas, kung ayaw mong magkademandahan tayong dalawa." Huling sabi niya bago lumabas ng opisina ko.

Napakagat ako sa labi para pigilan ang paghikbi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kung ilayo niya sakin ang anak ko? Hindi ko kayang mawala si Gabby.

Napahilamos ako sa mukha.

Hinintay kong mahimasmasan ng konti pagkatapos inayos ko ang sarili ko, ayoko namang makita nila akong ganito.

Tumunog ang phone ko. 'Nandiyan na kami in 5 minutes. Ihatid mo nalang si Gabby sa reception.' Kinuha ko ang bag ko at ang mga gamit ni Gabby.

"Ma'am." Tawag sakin ni Thor.

"Please cancel my next meeting. Kung may papapirma kayo padala nalang sa bahay. Thanks." Bilin ko. "Come here baby."

Iniisip ko kung sasabihin ko kay Kuya ang nangyari kanina, sigurado akong magagalit ito at susugurin si Gabriel.

Nakita ni Gabby ang sasakyan nila kaya kumaway ito. Mabilis kaming sumakay dito. "Hi baby Gabby. How are you? Nagbehave ka ba sa office ni Mommy?"

"Yes Uncle. I also have a new friends."

"Wow, that's good." Tumingin ito sa rear-view mirror. "Akala ko ba marami kang tatapusin ngayon? Ang aga mo naman atang umuwi." Tanong ni Kuya.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko." Maikli kong sagot at tumingin sa labas ng bintana.

Pagdating namin sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Wala akong ganang kumain, gusto ko ng matulog, nagbabakasakaling paggising ko okay na ang lahat. Na nasa isa lang akong masamang panaginip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torn Between Two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon