Chapter 8

49 2 0
                                    

"Arguments are easily said and believed once based on sounds jugment.."- prof allam

Hindi na napagpatuloy ni prof. ang kanyang dinidiscuss ng may biglang kumatok sa may pinto ng classroom namin at nag ingayan yung mga kaklase ko.

Wahhh!!!!!Wahhhh!!!!Wahhhh!!!! Tili ng mga kaklase ko.

"May I excuse Ms. Lopez in your class Prof. Allam" tanong nung kumatok.

Napatigil tuloy ako sa sinusulat ko at tumingin kay Zander. Natigilan ako kasi akala ko may sadya siya kay prof. pero ako pala sinadya niya. Ano kaya kailangan nito sa akin?

At siyempre di maiiwasan ang alingasngas sa paligid ko.
"Anong kailangan ni Zander kay Light?maarteng pagkabigkas ng kaklase kong nasa harap ko. Tumingin pa ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Yeah,baka may utang siya kay Xander,my baby kaya siya pinatatawag" irap naman sa akin ng isang kong kaklase...

"Ms. Lopez your excuse" sabi ni Prof sa akin.

Pumayag kaagad siya kasi naman anong laban niya sa anak ng may ari ng school.

Tumingin ako kay Zander na nagtatanong ang mukha..nag shrug lang ito sa akin.Wala akong magawa kundi tumayo sa aking kinauupuan ng hinawakan ako ni Jelai sa kamay ng may pag alala.

Tinapik ko lang siya sa balikat at lumapit kay Zander.Assurance na walang problema.

Di ko na muli narinig ang ingay ng mga kaklase ko pagkalabas namin ng classroom dahil tinignan lang naman sila ni Zander ng masama.

"Follow me" malamig na utos niya sa akin.

Ano pa nga ba ang gagawin ko kundi sumunod sa kanya. May pagka anik din ang isang ito eh.

Malayo na rin kami sa mga academic building ng school. Pumasok kami sa parang maliit na gubat ng school. Ang alam ko rescrited area ito at bawal pumasok. Sabagay anak pala si Zander ng may ari ng school. Marami puno at iba't ibang klaseng halaman akong nakita. Kung ako lang di ako papasok dito kasi nagpapahiwatig ang lugar na di ka makakalabas ng buhay, meaning Life Threatening para sa akin.

Ayaw kong magreklamo kay Zander na pagod na akong maglakad baka bigla na lang ako nitong sakalin. Kahit malungkot ang buhay ko ayaw ko pang mamatay dahil kailangan ko pang tuparin ang pangako ko kay nanay.

May narinig akong lagaslas ng tubig habang palapit kami ay lalo pa itong lumakas sa aking pandinig.. At ayun sa dulo nga ay may dalawang malaking manmade waterfalls at sa gitna nito ay may napakacute na dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy parang bahay nina bella at edward sa twilight.

Pumasok kami sa loob ng bahay... wow ang ganda ng loob ng bahay napaka moderno pero napasimangot ako ng makita ko ang ibang demigods na nagtitipon sa may sala.

" Hi Light!" Kaway sa akin ni Hero..sumenyas siya sa akin na umupo ako sa tabi niya.

Lumapit ako sa may sala at umupo katabi ni Jigs at malayo kay Hero. Mahirap na noh baka masira tenga ko sa kadaldalan nito. Daig pa nito yung pagka armalite ng bibig ng dati naming kapitbahay na si aling tinay pag inaaway ang kanyang lasenggong asawa.
"Jigs palit nga tayo ng upuan. Gusto kong katabi si Light eh.." makulit na hila ni Hero sa kamay ni Jigs pero di tuminig si Jigs at sumandal pa sa sofa.

"Hay ang ingay mo talaga Hero. Pwede umupo ka na lang diyan sa dati mong upuan at makapagsimula na tayo" masungit bigkas ni Lem at tumingin sa akin.
"Siguro nagtataka ka Light kung bakit ka namin pinatawag" ani ni lem.

Tumango ako sa kanya.

"Nagbigay na ng signal ang aming pinuno" -lem

"Signal?pinuno?anong"

"Alam kong nalilito ka pa at maraming gumugulo sa iyong isipan" pagputol ni Lem sa mga tanong ko.

Tinikom ko na lang bibig ko at nakinig muli sa mga sasabihin ni Lem.

"About sa incident sa may bar at pagtulong mo sa amin ay nakarating sa Ming pinuno. Dahil na rin doon nakilala ka ng isang nakatakas na kalaban namin.Alam namin na nagplaplano na silang kunin ka." -Lem

"Pero tumulong lang ako. Yun lang yon. Anong mahihita nila sa akin kung dudukutin nila ako" tanong ko sa kanila.

"Marami" seryosong pagkakasabi ni Joaquin.

"Tulad ng ano? Tanong ko uli sa kanila.

"Alam mo na ang buong pangalan namin and that information will surely glad to know by our enemies." Bagot na sabat Cheun.

"Bakit sino ba kayo?Ano ba kayo ha?" Di kong mapigilang magtanong sa kanila.

"Yang pagtatanong palang sa amin ang kapapahamak mo" mahinahong pananalita ni Hadj.

Tinignan ko si Hadj na kunot ang noo. Napahimas tuloy ako sa aking batok.

"Okay fine. Pinapunta niyo ako dahil sa signal kamo ng pinuno niyo? Ano ba yun."

"Patayin ka" malamig na sabi ni lamods este ni Fyro.

Napasinghap ako at parang nanghina ang mga tuhod ko.
"Wh . .. what? nagstammer na pananalita ko.

"Hey! Fire masyado mo namang tinakot si Light..bakit di natin siyang paglaruan muna bago patayin" tinignan ako ni Taylor mula ulo hanggang paa at parang na satified ito sa nakita at ngumiti ito.

Napayakap ako sa aking sarili at tinignan si Taylor ng masama kahit alam ko sa sarili ko na natakot ako sa sinabi niya. Gosh salvage pa yata ang peg ko ngayon.

Napapaiyak na ako pero ayaw kong magpakita ng kahinaan sa kanila.

"Hahahaha." Biglang tawa ni Hero sa akin.

"Look at your face Light. Hahaha epic talaga" malakas pa ring tawa ni Hero.

Naku kung wala lang ako sa sitwasyong ito babatukan ko talaga itong si Hero. Bwisit..

"Tigilan niyo na yang pagbibiro sa kanya and lets get straight to the issues" may pag ka inip sabi ni Zander.

" I apologize for that Light." Ani ni Lem.

Kumunot na ang noo ko sa kanya..Yung takot ko ay napalitan ng pagkalito... Sa nakita ko sa mukha ni Lem sa harap ko mukhang pinagkaisahan akong biruin ng mga to. Jeez kasalanan ito ni Lamods eh..

"So di niyo ako papatayin. Joke lang yun ganun" inis kong pagtanong kay Lem.

Tumango lang si Lem at tumawa naman ng malakas si Hero. Napabuntong hininga na lang ako.Pero parang pakiramdam ko may bahid na totoo yung joke nila sa akin.

"Epic talaga mga bro" tawang tawa pa rin itong si Hero kulang na lang maglumpasay siya sa sahig. Siya na ang masaya.. eh di wow..

"Well light were here to protect you at di ka namin hahayaang makuha nila. We just need your cooperation at pagpayag mo.." - Lem.

"What cooperation at pagpapayag ko saan?" Litong tanong ko..

"Well in able to protect you. You need to join our group..." sabat ni Hero.

"Anong? "

"Ako sasali sa inyo? "

"What group?"

" The demigods?"

Tumango si Lem..

"Yes the Demigods and you will be our muse" singit uli ni Hero.

"Ang saya di ba" nakangiting ani ni Hero sa akin. Imbes na matuwa ako bakit parang nangilabot ako.

"Eh pag di ako sumangayon,anong mangyayari sa akin" matapang na tanong ko.

"Then you will die"~ smirk ni Lamods sa akin.

Gosh kill me now..sumakit yata lalo ang ulo ko..

" Pls. Explain further more." Sabi ko sa kanila.

Kahit anuman ang piliin ko .Ganun din mapapahamak din ang buhay ko...



My Healing Heart(DemiGods Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon