Chapter 4

47 2 0
                                    

"Light,pwede paki puntahan mo muna yung table number five naccr na kc ako."pakiusap ni Jelai sa akin.

Siya kasi ang nakatoka dun.Pumunta na ako sa table number five at kinuha ang kanilang order.

Nagtratrabaho ako dito sa restobar na ito pag MWF bilang waitress kasama si jelai.maliban sa pagiging waitress ay may iba pa akong part time job sa isang mixed martial art gym bilang isang assistant trainer.Kailangan ko kasi nang marami trabaho para pambili ng mga gamot ng aking ina ng itoy nabubuhay pa.Pinag iisipan ko na ring tumigil sa mga part time ko dahil na rin sa pakiusap ng aking tita Nancy.Pero ang pagiging waitress at assistant trainer ay di ko bibitawan sa mga part-time job ko kasi kahit papano nahihiya ako kay tita at gusto ko ring makapag ipon ng sarili kong pera.

"Grabe friend ang daming tao ngayon noh."pasigaw na sabi ni Jelai dahil sa sobrang lakas ng music na pinatugtog ng dj.

Friday night kasi ngayon at ibig sabihin ay dance night schedule ng restobar kaya maraming tao.Puro anak mayaman din ang mga nandito ngayon.

"Light,V.I.P number three paki asikaso". ani ng aming manager.

Tumango na lang ako at pumunta sa mga V.I.P rooms ng Restobar sa itaas.May apat na V.I.P rooms na nasa taas. Pare pareho ang laki at design ng bawat room.Sa loob ng room ay may malaking salamin kung saan makikita mo ang mga aktibidad sa ibaba.pagpasok ko sa room number 3 ay nabigla ako sa customer namin.Walang iba kundi ang Demigods.Ngayon ko lang sila nakita dito tumambay.

"Grabe Hero okay tong bar na to ah."ani nung isa pang singkit na mata na parang koreano.tuwang tuwang nakatingin dun sa salamin.

"Siyempre naman." sagot nung tinawag na Hero.

Nakaprenteng naka upo at nakapikit naman yung walang modo kong kaklase.sa tabi nito yung apo ng may ari ng school namin na may kaakbay na babae parang bayaran.Sa may dulong kanan naman na katabi ni Hero na lalaki ay may katawagan sa cellphone.

Pinindot ko yung buzzer sa gilid ko para malaman nila ang presensiya ko.

"Good evening sir, May I take your orders please" bigkas ko.

Lumapit sa akin yung Hero."Parang kilala kita ah."at nilapit pa niya ang mukha niya sa akin.

"Miss do we know each other?"

Natulala ako sa kanya dahil sa sobrang lapit ni Hero sa akin.magsasalita na sana ako ng magsalita yung lalaking may katawagan sa cellphone.

"Disyake Hero hanggang dito ba naman at pati waitress ah dinidiskartehan mo.wala ka talagang patawad.Let the girl do her job."

"Miss three bucket of beers here" habang papalapit sa akin at sabay hila kay Hero.

Tumango na lang ako at nilasta yung order nila.

"And this and this and this" turo ni Hero sa Menu na kanyang hawak.

"Yun lang po ba? "tanong ko uli.

"Yes.We will call you if we add our order." sabi nung lalakeng humila kay Hero kanina.

"Okay po" at lumabas na ako ng pinto.

Grabe di ako makapaniwala na sila talaga ang pagsisilbihan ko ngayon.

May rules kasi ang Restobar na ito na pagsayo nakatoka ang isang V.I.P room sila lang ang customer mo for the night hanggan di sila umaalis.

Habang naghihintay ako sa kitchen window kung san namin kinukuha ang mga food na order sa amin ay napatingin ako sa entrance door ng bar.May pumasok na malalaking tao at mukhang goons na parang di gagawa ng mabuti sa itsura palang.Siguro mga dalawangput lahat sila at pumanhik na sila paakyat sa mga V.I.P rooms. Siguro another customer na naman.

"Heart order mo...sama mo na si Lito at Borg para makatulong mo paakyat diyan sa mga order sa taas." sabi ng manager namin.

"Okay po" sagot ko naman at kasama ko na yung dalawang waiter na bitbit din yung mga order para sa taas.

Oo nga pala,Heart ang palayaw ko dito. Ayun kasi ang gusto ng mga katrabaho ko tawagin sa akin.

Habang palapit kami sa V.I.P room #3 may naririnig kaming mga kalabog at parang nabasag na mga gamit.Napatakbo tuloy ako at binuksan kagad ang pinto.Nagulat talaga ako sa aking nakita yung mga mukhang goons at yung mga Demigods ay nagsasapakan.

Grabe ang kalat ng paligid.

"Anong nangyayari dito!" gulat na pagkasabi ni Borg.

"Lito Bumababa kaagad at tumawag ng security at ikaw Borg tumawag ka ng pulis..bilis.."utos ko sa dalawa na kaagad naman sumunod at tumakbo pababa.

Nagulat ako ng biglang naglabas yung isang goon ng baril at tinutok kay classmate na walang modo.

"Sumama na lang kasi kayo sa amin ng maayos at walang mangyayari sa inyong masama" sabi ng goons na may hawak na baril.

Sandaling natigil ang sapakan at napahinto ang lahat.Yung ibang goons ay bagsak na at mga limang goons na lang ang nakatayo at may hawak ng baril.Ang lalakas pala ng Demigods at napabagsak nila yung ibang naglalakihang goons.

"Gago! at bakit naman kami sasama sa inyo ah!Di kami sira noh.." sabi ni Hero.

Grabe ang daldal talaga ng lalakeng toh.

"Dapat ay dadalhin namin kayo mg walang sugat man lang dahil iyon ang utos sa amin kaya lang matitigas talaga ang ulo ninyo kaya wala akong magagawa kundi gawin sa inyo Ahhhhh... "sigaw ng goons dahil nasipa ko na siya sa likod at sabay sipa sa baril na hawak niya kaya ang bala ng baril ay tumama sa isang balikat ng kanyang kasama.Kaya nagkagulo na naman.

Dahil sinugod na rin ng ibang Demigods ang mga goons na natitirang nakatayo.

"Put*** in**** sino kang babae ka "galit na sabi ng goons na sinipa ko.

"Waitress dito bakit?" nakapamewang na sabi ko sa kanyaㅡ"Hay kuya,di mo ba alam na bawal magdala ng baril dito." sabi ko pa uli.

Hakmang susugurin na ako ng goons ng bigla itong bumagsak at pumalakda sa sahig dahil sa dalawang magkasunod at sipa ng kaklase kong walang modo.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"We have to get out of here now!" sigaw na may utos sa mga kasamahan niya at sabay iwan ng lilibuhin sa lamesang na warak na.Teka bakit ako kasama nilang tumatakbo.

"Hoy bitawan mo nga ako at bakit ako kasama niyo sa tumatakbo.. Hoy!" sigaw ko dun sa walang modong lalaki pero di niya ako pinapansin.Nang makarating kami sa parking lot ay tinulak niya ako papasok ng sasakyan.

"Shut up and do'nt ask.We talk later" he said to me.

Sumakay na rin siya sa magarang sasakyan niya at pinaandar ito ng mabilis.napahawak tuloy ko sa dapat kong kakapitan.

Sa mga kaibigan niyang Demigod ay sumakay na rin ang mga ito sa kanya kanyang magarang sasakyan at naunang umalis.

Grabe ano ang nangyayari at napasok ako sa gulong ito...napabutonghiningang sabi ko sa sarili.

Tumingin sa akin si lalaking walang modo at napa ismid pa sa akin at lalong bilisan ang pagpapatakbo sa kanyang sasakyan.

My Healing Heart(DemiGods Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon