"Halika hija pasok ka."sabi ng tita nancy ko habang nakatingin sa akin.
Nandito na kami sa bago kong titirahan. Grabe ang laki ng bahay ni tita. Sa totoo lang di ako makagalaw dahil sa sobrang mangha. Ganito ba talaga kayaman ang kapatid ni mama?
Ang ganda ng labas ng bahay ni tita. may malaking fountain na nasa gitna upang ang driveway na dadaanan ng sasakyan ay pabilog. Parang sa mexican telenovela mo lang siya makikita.Kitang kita na alaga ang mga bulaklak at halaman na nakapalibot sa buong bahay.
"Light,hija pumasok ka na at wag kang mahihiya ahㅡ"
"Opo tita."Pumasok na ako ng bahay ni tita.
Grabe kung maganda at kamanghamangha na yung nasa labas mas lalo na siguro yung loob ng bahay. Halatang mamahalin lahat ng gamit na nasa loob.May malaking Dalawang hagdanan na nasa dulo na talagang makikita mo lamang sa telebisyon.Maaliwas ang malaking bahay o mansion dahil na rin sa malalaking bintana na nagsisilbing liwanag sa buong sala ng bahay.
Impernes ah.tipid siya sa ilaw pag umaga.
"Halika na hija sa itaas at para makita mo na ang iyong kwarto.Pinalinis ko na yun kay manang para sayo. "Hikayat ng aking tita.
"Ahm..tita ,talaga bang dito na ako titira?"
"Of course Light. Alam mo namang ikaw na lang ang nag iisang kamag anak ko di ba.Sino ba ang dapat magsama kung di tayong dalawa lang."
Nag-uusap kami ni tita habang papunta kami sa aking magiging kwarto.
"Pero tita kung di mo masasamain po sa tanong ko ah.Curios lang ng konti-"Tinaas ko pa ang kamay ko at idinikit ang dalawa ko kamay.
"Ano ba yon Light..Is it personal?"
"Yes po tita "at tumango pa ako to emphasize it.
"Okay "nakangiting sagot ng tita ko sa akin.
"Paano po kayo nagkaroon ng ganitong bahay..ibig ko po..sa ..b.."
Di na ako pinatapos ni tita sa akin pagsasalita at sinagot na niya ang aking tanong na di pa tapos.
"Pumunta kasi ako ng abroad.Heartbroken kasi ako ng mga panahon na yon.."
Hininto muna ni tita ang pagkwento niya sa akin dahil binuksan niya ang isang kwarto.
"Ito na ang kwarto mo Light..yung bandang kaliwang pinto ay kwarto ko."
"Sige pasok ka."Hikayat sa akin ni tita.
Nawala muna yung pinag uusapan namin ni tita dahil namangha ako sa aking kwarto na sobrang laki at luwag
"Grabe tita kwarto ko ba to.? Hindi ba masyadong malaki ito para sa akin?"
"Hindi naman.Para sayo talaga to ano ka ba."
"Salamat po tita.Ang ganda po ng kulay ng kwarto ko."
"Salamat naman kung ganon at nagustuhan mo ang lavender na kulay.
Wala na kasing oras para palitan ang kulay."
"Ah tita wala naman po kayong gagawing iba di ba?"
"Wala naman.bakit?"
"Eh,tita tuloy niyo po yung kwento niyo po.bitin kasi eh."
"Ay sige,ikaw talaga.sige upo na muna tayo dito sa mini sala mo."
"San na ba ako. Ah yun."Umayos muna si tita ng upo.medyo nakaside siya bandang kanan sa akin.
"Alam mo naman na mahirap ang pamilya namin ng mama mo.Nakakatanda ako sa iyong mama ng isang taon lamang.Sa panahong iyon ay nakatapos na ako ng pag-aaral at suwerteng nagkaroon ng trabaho kaagad sa isang malaking kumpanya at doon ko rin nakilala ang lalaking minahal ko.Halos nga makalimutan ko ang obligasyon ko sa ating pamilya noon dahil inuna ko ang pagmamahal ko sa lalaking yon
First time kong magmahal eh."
Napatingin ako sa mukha ni tita habang nagkwekwento siya.may bahagyang ngiti sa kanyang labi na napalitan din kaagad ng malungkot na mukha.
"Kaya lang,di ko alam ang pagmamahal na iyon ang magdudulot ng matinding sakit sa akin.Nabisto ko na niloloko lang pala niya ako.
Well dahil heartbroken ang tita mo.nagresign ako sa trabaho at pinili na lang makisapalaran sa ibang bansa at matulungan man lang ang mama at papa sa pag aaral ng kapatid ko na iyong mama."
"Todo kayod ako nung panahon na iyon hanggang umuwi ako dahil namatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente.Bumalik uli ako sa ibang bansa at iniwan ang iyong mama sa pangangalaga ng aming tiya Lourdes na matandang dalaga na kapatid ni mama.Actually nawalan na kami ng komunikasyon ng iyong ina simula noon."
"Gumaganda na rin ang buhay ko at umaangat ang aking posisyon sa kompanyang pinagtratrabahuan ko.Don ko nakikilala si Don Martin ang may ari ng kumpanya.Alam mo na katulad sa t.v nagkamabutihan kami at nagpakasal.
Naging masaya ako sa kanya sa labing dalawangpung taon ng aming pagsasama hanggang siya ay mamatay sa malubhang sakit.Di rin kami nagkaanak at namana ko ang lahat ng ari arian niya."
"Buti tita walang tumutol sa iyo ipamana yung kayamanan ng asawa mo."
"Buti nga eh.Kasundo ko naman ang mga kamag anak ng asawa ko at may kanya kanya naman silang kumpanya."
"Ah...ang swerte nio pala tita.."
"tama.."
"eh bakit po kayo umuwi dito sa pinas?"
"Dahil sa kalungkutan ko. umuwi ako muli dito sa pilipinas. Ito kasing bahay nato ay nabili ng aking asawa bago siya mamatay para dito sana kaming maninirahan ng permante kaya lang namatay nga siya."Pinahid pa ni tita ang umusbong na luha sa kanyang mata.
"Pano niyo po kami nahanap ni mama?"
"Pagdating ko dito sa pinas. Pinahanap ko na ang iyong ina para magkasama na kami.Nakakalungkot lamang na huli na ako at patay na rin pala siya.Nagulat din ako na may anak na siyang iniwan at ikaw nga iyon.pinadala ko kaagad ang abogado ko sa iyo para maka usap ka at sumama sa akin legally."
"Bakit po Kayo hindi humarap sa akin ng personal?"
"Kasi naman hija.Natakot ako.siyempre di ko alam ang magiging reaksyon mo kaya pinadala ko muna ang abogado ko. Buti na lang naikwento ako sayo ng mama mo."
"Opo Nga po eh.."ngumiti ako sa kanya.
"Sige hija magpahinga ka na at hayaan mo muna ang mga gamit mo diyan at bukas mo ng ayusin."
"Opo tita."sang ayon ko sa kanya dahil talagang pagod na ako.
Tumalikod na si tita para lumakad palabas ng aking kwarto ng tawagin ko muli siya.
"Ahm..tita Nancy."
"Uhm.."humarap si tita sa akin
"Salamat ah.."Pinagsiklop ko pa ang aking mga kamay.
"Salamat po sa lahat lahat."
Ngumiti si tita sa akin at nagpasalamat din bago siya tumalikod at lumabas ng aking kwarto.
Napatingin ako sa aking kwarto.Lahat ng nakikita ko mapaloob man o mapalabas ay bago sa aking lahat.
Pero may matinding lungkot akong nararamdam dahil wala dito ang aking ina.
Ganun pa man nagpapasalamat din ako kay God at sa aking ina na binigyan niya ako ng makakasama sa pamamagitan ni tita Nancy.
Ano pa kaya ang maghihintay sa akin bukas?
Napabuntonghininga ako habang humiga sa aking kama.Pinikit ko ang aking mata at umusal ng maikling panalagin bago tuluyan akong makatulog.
BINABASA MO ANG
My Healing Heart(DemiGods Series 1)
Novela JuvenilLight life is full of hardship...Her mother die and her long lost aunt came along and adopted her.Pinangako niya sa kanyang ina na kakayanin niya ang lahat ng pagsubok kahit mag isa na lamang siya sa buhay.May maganda na siyang bahay at nag aaral si...