Chapter 11

63 4 0
                                    

BFF Moment Muna..

"Hoy Bes, nandito ka lang pala!" Pagpalo sa aking balikat ni Jelai..

"Kanina pa kita hinahanap..Grabe halos malibot ko na tong buong campus,nandito ka lang pala sa rooftop Light "

Pagkatapos kasi ng klase ay nagpapaalam ako sa kanya na mag ccr lang ako kahit di naman. Gusto ko lang pagpahingahin ang buong kong Isipan at katawan dahil sa todong training na binigay sa akin ng madaldal na si Hero at di ko magagawa yun kung maingay ang paligid kaya naisipan ko na dito na lang ako sa rooftop magpahinga since walang pumupuntang estudyante dito.

"Pasensiya na Jelai, ang ingay kasi sa baba.Alam mo naman ako, naiirita ako pag masyadong maraming tao at maingay pa."

Siguro sa sobrang inis sakin ni Jelai ay hinila niya ang hibla ng aking buhok.Ganun talaga siyang lambing pisikalan.

"Kasi naman may tinatawag kayang cellphone na pwedeng pang txt o pang tawag." Sabay irap sa akin.

Natawa na lang ako sa ginawa niya at dahil dun pinalo niya naman ako sa balikat.

"Bes naman eh.Bakit ka tumatawa diyan..nakakainis ka ah."

"Sorry na eh kasi wala akong load eh."

"Akin na cellphone mo bes" sabay lahad ng Kamay niya sa akin.

"Bakit ano gagawin mo sa cellphone ko." Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Itatapon ko na! Dahil walang pakinabangan yan.." nakangisi pa siya sa akin na parang may masamang balak sa aking cp kaya tinago ko to agad..mahirap na noh baka totohanin pa niya

"Pero Bes, alam mo masyado ka ng naging busy nitong nakaraang araw..namiss lang kita." Seryosong tumingin siya sa akin..

Napatingin ako sa kanyang mukha na halatang nagtatampo.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilahad ang aking kamay...tumingin siya sa aking mata at sa nakalahad kong kamay..Sa gesture kong yun ay alam na niya ang gusto kong gawin..

Kinuha ni Jelai ang nakalahad kong Kamay at tumayo nang biglaan halos mawalan ako ng balanse.

"Ehhhh, yes!!!" May kasama pang talon at sumayaw pa to na parang bulateng binuhusan ng asin...

"Yes!yes!yes!, gusto ko ng Vanilla Ice Cream with banana, strawberry flavor sa Cold Fudge. Since manlilibre ka bes, sasamantalahin ko na dun tayo sa mahal at best ice cream in town." Ani nito sa akin.

"Oo na sige, buti na lang kakakuha ko lang ng sahod ko sa isa kong part time job."

"Alam ko yan bes, minsan lang kaya makahirit sayo..kuripot mo kaya." Nagpout pa siya sa akin..

Hinila ko na ang kanya kamay at sinabay sa aking paglakad pababa ng rooftop. Nagpahila naman ito sa akin at yumakap pa sa aking likod..

"Thank you Bes, iba ka pala talaga pag kinokonsensiya" tumawa pa ito sa akin. "Nanlilibre"

Pagdating namin sa Cold fudge ay pumila na ako sa counter habang si Jelai ay humanap ng Mauupuan namin. Grabe ang haba ng pila. Nakakagulat ang dami ng tao ngayon dito sa Cold fudge especially mga babae. Yung mga babae sa unahan ko ay parang mga kati kati.

"Grabe ang swerte natin Darla, nandito sila"

"Kaya nga eh.gosh marami akong oorderin para matagal ako sa counter at maka usap ko si Papa Cheun ko." Habang mukhang literal na kinikilig na pusa na binuhusan ng malamig na tubig.
Napataas ang kilay ko. Nandito ang Demigods. Kaya pala ang tagal makarating sa counter. Napailing na lang ako.

After one thousand years nakarating din sa counter. Grabe malala na ang mga kabataan ngayon una landi pag nakakita ng gwapo, goodbye study ang peg.

"Comeback again girls" kinindatan pa ni Cheun ang mga makakati na halos himatayin sa ginawa nito. Napatingin ito sa akin at lumaki ang pagngiti.

"So ano sa atin my Light?" Ani nito na may pang akit na ngiti.

Weh,kala mo naman maakit ako sa kanya.Seriously Napaka Gwapo nito at kamukha nito si Danny Oh na korean actor.Di ko lang siya type.

"Isang special Vanilla twist at isang overload kitkat sinful chocolate ice cream" sabi ko sa kanya na may pagmamadali.

"Woah ang takaw mo pala my Light.."

Pinandilatan ko siya ng mata.Kaya ang tagal tagal ang daldal din pala ng koreanong to.

Inabot ko ang bayad ko sa Kanya at ngumiti ng pilit.

Binalik niya sa akin ang bayad ko.

"Libre na,my light basta ikaw" kumindat pa siya sa akin pagkatapos niyang i serve ang order..

"Salamat sa libre." Ngumiti ako sa kanya aba libre to noh bawal tanggihan.

Ngumiti siya sa akin at kumindat na naman.
Bago ako umalis sa counter at hanapin si Jelai di ko mapigilang magtanog kay Cheun.

"Ikaw ba may ari nitong Cold Fudge"

"Yes, just one of my business.why ask?"

"Wala naman...payong kakilala lang patingin ka sa espesyalista sa mata. Para kang sinapian sa pagkindat kindat mo" Sabay talikod ko..

"Huh..what the"

May mga narinig akong tawa na familiar sa akin pero di na ako lumingon at hinanap si Jelai.

"Boom sabog ka, Cheun kay Light..patay na charisma mo."

Sandali lang ang naging bonding time namin ni Jelai dahil tumawag sa akin si Hero daldal at may panibagong training na naman siya papagawa sa akin.Nagdahilan na lang ako kay Jelai na kailangan ako sa isa kong part time job.Hay buti na lang mukhang di nanghihinala siya sa akin...l

:-) :-) :-) :-) :-) :-) :-) :-)

Sweet ng magbestfriend di ba? Ako na lang kindatan mo Cheun..

My Healing Heart(DemiGods Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon