Reality
Napatingin ako sa matandang nagtitinda ngayon ng pakwan. Bakas sa mga labi nya ang kasiyahan nya. Subalit makikita mo sa kanyang mga mata ang sakit at pighati na kanyang nadarama.
Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang bughaw na mga ulap.
Hindi ko alam kung bakit may mga taong nagpepeke sa kanilang mga nararamdaman. Kahit na gawing peke ito, nagsasabi pa din ng totoo ang mga mata nila.
"Tulong! Tulong! Nanakawan ang matanda!" Sigaw ng mga tao. Napatigil ako sa aking pag-iisip ng marinig ko ang mga sigaw nila.
Agad agad kong hinabol ang lalaking nagnakaw ng pakwan. Sinipa ko ito at hinawakan sa magkabilang kamay para di na makatakas.
=========
"Lolo, magsasampa ka po ba ng kaso? Ninakawan ka po ng lalaki." Sabi ng isang pulis sa matandang nagtitinda ng pakwan.
"Hindi na Hijo. Pakawalan nyo na lang sya." Sabi ng matanda at ngumiti.
Lumapit ito sa akin at nagwika. "Hindi mo na kailangan gawin yun apo." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Pero lolo. Malulugi ka po."
"Hindi ko na sya hinabol dahil pag hinabol ko sya mas lalo akong malulugi. Pinabayaan ko na lang ito dahil alam kong kailangan ng lalaki ang pakwan na ninakaw nya." Napatingin ako dito at hindi makapaniwala.
"P-pero-"
"Apo, isipin mo. Kung hinabol ko ba ang lalaki at nakuha ko ang pakwan na ninakaw nya. Anong mangyayari sa paninda ko? Maaari din itong manakaw. Kaya ang ginawa ko ay hindi ko na hinabol ang magnanakaw upang maproteksiyonan ko ang aking mga natirang paninda." Ngumiti ito.
"Parang sa totoong buhay lang po." Napakamot ako sa batok.
"Tama ka Apo. Ang mga pakwan ay simbulo ng isang kaibigan o pamilya...." Napabuntong hininga ito.
"Ang buhay natin ay hindi permanente. Lahat ng nakapaligid sa atin ay hindi din magiging permanente. Dapat matuto tayong tanggapin ang katotohanan. Ang nangyari kanina ay isang halimbawa ng nararanasan natin sa pamilya o kaibigan natin."
"Ang magnanakaw ay maaaring ibang tao. At ang pakwan ay ang kaibigan natin. Hindi ko ito pinigilan dahil alam kong kailangan ito ng isang tao. Ang sitwasyon na nangyari ngayon ay isang halimbawa ng pagtanggap. Kailangan nating tanggapin na may aalis na importanteng tao sa buhay natin. Kung hahabulin at pipigilan mo ang isang tao maaaring mapabayaan mo ang natitirang importante sa iyo. At sila mismo ang magsisialisan." Paliwanag nito at tumango ako.
"Sana'y may naintindihan ka Apo. Sa bawat paglisan may dumadating." Sabi nito at umalis na.
-𝐃𝐞𝐚𝐭𝐡

YOU ARE READING
⚜️SweetHeartPrincessWP One Shot Stories⚜️
RandomDifferent stories, Different genres and different chracters.