Libro

27 7 5
                                    

Libro

"Wag kang paharang harang sa daanan nerd." Sabi ni Zesto. Ang bully na classmate slash crush ko. Tumabi na lang ako.

====

Nasa library ako ng school namin. Ako lang ang nandito. Umalis kanina kasi yung librarian.

"Nerd. Pahiram nga nyan." Tumingala ako nakita si Zesto. Binigay ko sa kanya ang libro. Sakto naman at may takdang- aralin kami kaya yun na lang ang gagawin ko.

1. Who is the Father of Genetics?
~Gregor Johann Mendel

2. Whonis the father of Biology?
~Aristotle

*Blagg*

Nagulat ako. Padabog nya palang nilapag ang libromg hiniram nya sa akin. Ang pamagat ng libro ay Three Words, Eight Letters Say it and I'm yours. Yes wattpad ang binabasa ko kanina. Umalis na din sya. Kinuha ko ang libro at may nahulog doon. Pinulot ko ito.

Good Luck Zariyah
~Zesto

Sabi sa note. Si Crush. Yieeeee

=====

Naging MU kami ni Zesto. At favorite place namin ang library. Yung crush ko pala may gusto sa akin at ang saya saya ko. Naghihintay pala ako dito. Dahil may pinag usapan kami kahapon.

"Ikaw ba si Zariyah?" Tumango ako

"Sumama ka sa akin. Dadalhin kita kay Zesto." Tumango ako at kinuha ang bag ko.

==

Nandito kami sa labas ng bahay ni Zesto. Bakit ang raming tao at ang iba ay nakaitim. Nakakatakot. At iba ang pakiramdam ko.

"Ikaw ba si Zariyah?" Tanong ng kung sino.

"Opo." Sagot ko. May binigay sya sa akin at tinanggap iyon.

"Nasaan po si Zesto?"

"Nasa loob sya."

"Salamat po." Sabi ko. Dali dali akong pumasok sa loob. Bakit parang may burol. Pero di ko nakita si Zesto. Lumapit ako sa kabaong. Si Zesto to ah. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Binuksan ko ang liham na mula sa kanya.

Dear Zariyah,

Kung nababasa mo ito. Ibig sabihin patay na ako. May cancer na ako at malala na. Kaya nga wala na ako ngayon. Matagal na kitang gusto pero hindi tayo pwede eh. Alam kong hindi ka sasaya sa akin dahil sa sakit ko. Salamat sa lahat ah. Kahit konting panahon lang nakasama kita. Love you Zariyah. At ito na ang huli.
~Zesto

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawala ka. Nagsimula ito sa Libro. At nagtatapos ito sa kamatayan. Salamat sa lahat Zesto. Mahal din kita.

DONT FORGET TO:

FOLLOW
VOTE
COMMENT

⚜️SweetHeartPrincessWP One Shot Stories⚜️Where stories live. Discover now