Okay lang ba ako?

3 2 0
                                    

⚜️Okay lang ba ako?⚜️

Okay lang ba ako?
Apat na salita na paulit ulit sa aking isipan
Apat na salita na hindi ko maintindihan
Apat na salita na marahil totoo o hindi

Okay lang ba ako?
Yan ang sinasabi ko sa sarili ko
Hindi ko maramdaman ang aking sarili
Siguro namanhid na ako

Okay lang ba ako?
Sa bawat pagtayo ko
Hindi ko alam pero naghihina ako
At kung minsan muntikan ng matumba

Oo ako nga ito
Isang taong puno ng paghihirap
Isang tao na gusto sumaya
Pero hindi alam kung saan sisimulan

Oo ako ito
Isang taong araw araw na umiiyak ng palihim
Marahil nasasaktan ako sa lahat
Pero ang tangi kong hiling
Maging manhid na lang

Okay lang ba ako?
Yan ang nais kong ipahiwatig sa inyo
Kahit sa simpleng tula na ito
Maramdaman nyo sana ang pighati ko

-Kai

⚜️SweetHeartPrincessWP One Shot Stories⚜️Where stories live. Discover now