Trick or Treat

16 5 0
                                    

Trick or Treat

"Naku bes. Sali ka sa amin mamaya. Makiki Trick or Treat kasi. Siguro may makukuha nanaman kaming mga pagkain." Wika ng bff ko na ubod ng katakawan.

"Sensya na. Pass muna ako dyan. Saka diba bawal yan. Alam mo namang may pandemic noh." I said. Nag uusap kami gamit ng phone.

"Plsss na bes. Ikaw talaga ayaw mong magviolate." Napailing na lang ako.

"Rain. Sorry may pandemic kasi eh."

"Sige." Sabi nya. Tinapos ko na ang call namin.

======

*Knock Knock*

Napabangon ako dahil sa katok. Sino naman ba ang kumakatok. Inaantok pa ako eh.

"Teka lang." Sabi ko. Nagulat ako sa aking nakita.

"Trick or Treat." Sabi ng dalawang bata. Yung isa multo ang costume. Tas yung isa naman ay pugot na ulo yung costume.

"Teka. Bat kayo nandito. Tsaka gabi na at bawal lumabas ang mga bata dito. Gusto nyo bang mahuli kayo?"

"Trick or Treat"

"Pasensya na mga bata. Wala akong candy dito at pera. Naubos na kasi eh." Pagdadahilan ko. Which is true naman. Because of this pandemic nawalan ako ng trabaho.

"Trick" Wika ng isang bata. Basta habang papalapit sya sa akin ang nagsitaasan ang mga buhok ko sa katawan.

"Waaaaaaa!!!" Sigaw ko at dadaling tumakbo patungo sa kwarto ko. Hindi lang sila normal na bata. Patay na sila. Hindi maaari. Patay na sila. Namatay na sila.

Nakita ko nanaman sila. Namatay sila dahil sa akin. Habang kausap ko yung babae. Hindi ko nakita mukha niya. Dahil sa halatang madaming beses itong sinaksak sa mukha. Habang yung lalaki naman ay totoong pugot ang ulo at may mga dugo na tumutulo.

Pinatay ko sila. Oo pinatay ko ang mga kaibigan ko dahil sa isang bagay na pinagawayan namin.

Flashback

"Walang hiya ka! Higad ka. Umalis ka dito. Di namin ikaw kailangan." Sabi ko kay Cathy.

"Ano ba nanaman yan. Wag mong sasaktan si Cathy, Esiah." Sabi ni Kenjie.

"Yang malandi na babae na yan. Nakita ko lang naman yan na nakikilandi sa boyfriend ko." Sabi ko.

"Hindi totoo yan. Sya mismo ang lumalandi sa akin."

"Woah woah woah. Wow miss lier ang peg." Sabi ko at tinalikuran sila.

=======

"Yum. Ang sarap talaga nito." Sabi ni Cathy. Naglalakad sya patungo sa bahay nila.

"Cathy~" Pakantang wika ko.

"Sino yan. May tao ba dyan?" Tanong nito. Lumabad ako sa pinagtataguan ko at sinakmal sya. Kaya napahiga ito sa semento. Dali dali kong nilabas ang kutsilyo ko at pinagsasaksak ang mukha nya.

"Wala ng mas gaganda sa akin. Dahil ako ang pinakamaganda at dapat mahalin ni Kash." Sabi ko at napangisi. Iniwan ko na lang ito na nakabulagta.

"WALANG HIYA KA ESIAH! PINATAY MO SI CATHY!" Sigaw ni Kenjie sa akin. Dali dali kong pinulot ang isang bolo. Dala dala ko ito kanina pa. At tumakbo patungo sa tinatayuan nya.

Lumingon lingon muna ako sa paligid dahil baka may nakakita ng krimen na ito. Mabuti at wala. Kaya dali dali kong tinago ang mga bangkay nila sa isang drum.

End Of Flashback

"Na aalala mo pa ba ang ginawa mo sa amin Esiah?" Nakakatakot na tinig mula kay Cathy.

"O-oo. D-dapat lang yan sa iyo." Sagot ko dito.

Di ko namalayan na nawalan na ako ng hininga. Ang alam ko lang ay sinaksak nya ako sa mukha at pinugutan ng ulo.

Tama nga ang sabi nila. Kung ano ang ginawa mo sa kapwa babalik sa iyo.

The End

-Thal

⚜️SweetHeartPrincessWP One Shot Stories⚜️Where stories live. Discover now